TL 14

710 31 6
                                    

Ally Honey's POV

"Nurse Ally, pakibigay naman itong forms kay Doc. Tomer sa office niya.." Paki-usap sa 'kin ng ko workmate ko. Ngumiti naman ako at tumango. "-Thank you.." Sabi naman nito.

"Welcome. Sige, Alis na ako" sabi ko at naglakad na ako papunta sa office ni Doc. Tomer.

Kumatok muna ako at ng marinig ko na ang come in, pinihit ko na ang door knob at pumasok na. Nang makita ko ang isang babae na naka-upo sa visitor seat nanlaki ang mata ko ng makita ko si Kyleigh, Anong ginagawa niya dito sa Neurologist?


"Ahm. Doc, pinabibigay po.." Sabi ko at nilagay ko sa desk nito ang forms. Napatingin ako kay Kyleigh na halatang gulat din ng nakita niya ako.


"Sige, Salamat.." Tumango lang ako kay Doc at tumingin kay Kyleigh na gulat parin. Anong ginagawa ni Kyleigh dito?

Lumabas na ako ng office na si Doc. Tomer at hinintay ko dito sa labas ng office si Kyleigh. Tatanungin ko siya. Para sigurado.

Naghintay ang dito sa waiting area at ng bumukas na ng pinto, andito padin ako naka-upo.

"Don't forget to take your medicine Ms. Alcantara. Ikakamatay mo yan kapag pinabayaan mo ang sarili mo.." Rinig kong sabi ni Doc. Tomer, hindi pa ata nila napapansin na nandito ako. Pero Ikakamatay ni Kyleigh? OH MY GOD! Huwag sanang tama ang nasa isip ko. Hindi siya pwedeng mamatay.

"Yes. Thanks." Walang ganang sabi ni Kyleigh. Sumarado na ang pinto at nakita ko kung paano bumuntong hininga si Kyleigh.

Lumapit naman ako sa kanya na ikinagulat niya. "A-Ally?" Gulat na react nito sa 'kin.

"B-bumabalik ba?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Alam ko ang tungkol sa sakit niya. Nabanggit na sa 'kin ni Mark 'nun. Pati si Clyde nabanggit na ito sa 'kin.


Nakita ko namang tumulo ang mga luha niya at yinakap ako. Kaya napayakap narin ako sa kanya.

"A-Ally, please. H-Huwag mong sasabihin kahit kanino.. Please" naiiyak na sabi nito sa 'kin.

"P-pero-"


"Please Ally. Don't!"


Bakit ayaw niyang ipaalam? Ako ang kinakabahan sa kanya eh. Pero baka naman may rason siya at ayoko siyang pangunahan.


"S-sige. Pero Make sure na hindi ka mamamatay. Please Kyleigh, Sundin mo ang sinasabi ng Doctor." Sabi ko sa kanya at kumalas na siya ng yakap.


Tumango naman siya at pilit na ngumiti. "Thanks Ally.."





****

"Hey! Kanina pa malalim ang iniisip mo? Any problem?" Napalingon ako kay Clyde na nagdra-drive, after kasi namin mag-usap ni Kyleigh. Umalis na din siya at ako, hindi na mawala sa isip ko ang mga nalaman ko. At itong si Clyde. Talagang sinundo pa ako sa hospital para siya daw maghatid sa 'kin pauwe.


"W-wala.." Sagot ko at pilit na ngumiti. Please! Huwag sana niya akong kulitin baka masabi ko sa kanya.


"Are you sure?" Naninigurado nitong tanong. Ngumiti naman ako at tumango.


Buong biyahe kaming tahimik hanggang sa huminto na ang sasakyan. "Thanks for the ride.." Sagot ko at akmang bababa na ako sa kotse niya ng hawakan niya ang pulsuan ko. Nakaramdam na naman ako ng kuryente sa buong sistema ko. God! This is not normal.

"Sigurado ka bang safe dyan sa apartment mo?" Kunot-noong tanong ni Clyde habang nakatingin sa apartment na tinutuluyan ko ngayon.

"How many time do I have to tell you, my apartment is safe.. I'm safe here." Sagot ko dito. Ilang beses na ba niyang tinanong kung safe ba sa apartment ko at ilang beses na ba niya akong pinipilit na lumipat.


Together Love (Sequel Of IFIFB)Where stories live. Discover now