TL 23

350 10 1
                                    


KYLEIGH PoV

"Good morning Ms. Alcantara." Massayang bati sa akin ng guard ng makapasok ako ng kompanya ni oppa.

Tinawagan kasi niya ako for some reason, may gusto ata siyang ipagawa sa akin. At syempre, hindi ako nagdalawang isip na pumayag dahil kapatid ko siya at kambal pa.

Hinintay kong bumukas ang elevator at ng bumukas na 'to ay may mga taong lumabas na pwera na lang sa isang tao na mahaba ang balbas at naka jacket.. matanda na siguro 'to? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi konkasi makita ang mukha niya dahil nakatungo siya.

"Aren't you going in miss?" Tanong nito ng hindi ako tinitingnan.

Natauhan ako kaya naman agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang floor na kung saan ang office ng kapatid ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan? Budol-budol ba ang kasama ko ngayon? O kaya rapist? Charot lang.. ang judgemental ko naman hays!

Napatingin ako sa phone ko ng biglang nag ring 'ito at si Terrence ang tumatawag..

["Kyzen is not feeling well.."] biglang sabi ni Terence mula sa kabilang linya.

"Sige, uuwe ako agad mamaya. Pero sa ngayon Terrence ipunta mo siya sa hospital please? Do it for me." Nag-aalalang sabi ko.

["habsuwvska-tooot-tooot.."]

WTF! NAWALAN NG SIGNAL!!!! Fuck this!

"Argghh not now!!!" Inis na sabi ko at napapadyak na lang.

"What is the problem?" Narinig kong tanong ng lalaki mula sa likuran ko. Kaya tumibok na naman ang puso ko ng sobrang bilis.

Pero familiar sakin ang boses at ang feeling kong 'to e.. Parang kilala ko na siya.

"Nothing.." sagot ko na lang at ng bumukas na ang elevator ay agad akong lumabas at pumunta sa office ni oppa.



Naabutan ko si Oppa na may binabasang folder at ng maramdaman niya ako ay tumayo siya at sinalubong ako ng yakap..


"I'm glad that you're here." Medyo may tuwang sabi niya. Nang makakalas siya ng yakap ay umupo kami sa may couch..

"Miss me agad oppa ha. By the way, hindi ako magtatagal kasi hindi maganda ang pakiramdam ni Kyzen e.."


"Kyzen is sick?" May halong pag-aalala na tanong ni oppa. Tumango naman ako sa kanya. "Ganon ba? Sige, may ipapakilala lang ako sayo and do it for me ha? Ako kasi ang dapat maki meeting sa Batangas pero hindi naman ako pwedeng umalis dahil darating ang family ni Cole the next day.."

"Sige oppa. Ako na lang tutal, ayos naman na ang lahat para sa binyag ni Leshean."

"Okay. But, you have with someone. Partnership ko kasi siya sa bussiness.." sabi ni oppa dahilan ng pagkunot-noo ko.

Bago pa ako makapagsalita ay bumukas ang pinto.. "There he is.." sabi ni Oppa at napatingin ako sa taong naglalakad papalapot sa gawi namin.


Siya yung taong nasa elevator kanina.. teka? siya yung partnership ni oppa? Iba talaga pakiramdam ko kanina pa. Hindi ko pa makita ang muha niya dahil nakasumbrero siya.

"What is it Kyzier?" Tanong ng lalaki 'yon sa kapatid ko.. nang tumingin siya sa gawi namin ng ditetso, nagulat ako sa nakita ko.


Together Love (Sequel Of IFIFB)Where stories live. Discover now