TL 3

1.6K 78 7
                                    


Clyde's PoV

"Bakit ka po huminto?" Tanong ko kay manong Tino.

"Masyado ng lubak ang daan iho at medyo pataas ang daan di ko alam kung kakayanin ng kotse." Sagot ni Manong Tino. Bumuntong hininga muna ako. Talagang Baryo ang mga tutulungan ko.


"Okay.. Maglalakad na lang tayo" sagot ko at bumaba na sa kotse kasunod ko naman ang driver at secretary ko.


Woahh! Mainit na lakarin. "Nilock mo ba ng maigi ang sasakyan?" Tanong ko kay Manong Tino..

"Oo iho. Lock na lock.." Masayang sagot ni Manong.. Bitbit niya ang dalawang bag na naglalaman ng mga damit namin.


"Ikaw.. Ana, Ayos ba naman ang mga kakailanganin natin?" Tanong ko, ngumiti ito at tumango. Buhat naman niya ang maleta niya na pero damit din niya ang laman.

Ako naman buhat ko ang Laptop at mga bag ko na pera ang laman. Nagdala ako ng money.. In case lang! Tapos Backpack na mga documents ang laman at Camera.

Naglalakad na kami sa Mainit at Lubak na puro bato na daan tapos pataas pa. Uggh! First time ko ata gawin ito.

"Iho. Okay lang kayo? Ako na magdadala ng bag niyo?" Tanong sa 'kin ni Manong Tino. Umiling naman ako sakanya.


"No need.. Masyado na pong mabigat ang dala niyo. Kaya ko naman po medyo mainit lang.." Sagot ko. Ngumiti naman ito sa 'kin.


"Uggh. Kapagod" sabi ni Ana ng makarating na kami sa Baryo..


"NANDITO NA ANG HINIHINTAY NATIN.."  Someone yelled.. Maraming mga Tao ang naglapitan sa 'min. Pero lahat sila hindi lumapit na lapit talaga.

May isang medyo may kaedaran ang lumapit sa 'min. I think siya ang namumuno dito?

"Pagod na pagod po kayo Sir.. May hinanda po kaming matutuluyan niyo. Ahm. Bago ko po makalimutan Ako si Aling Amelda.. Ako yung namumuno sa Baryo namin."sabi ni Aling Amelda. Ngumiti naman ako. Napansin ko, Simple lang sila dito kahit mga suot nila.

"Nice to meet you po Aling Amelda.. Nakakapagod nga po talaga. Ang init po ng lakarin namin eh." Sagot ko dito.

Naglakad naman kami papunta sa Matutuluyan namin. 

"Natutuwa po kami at tutulungan niyo ang baryo namin. At lalo na sa aming mga kalusugan... Maraming Salamat po sa inyo" sabi ni Aling Amelda. Habang naglalakad kami. Napansin ko lang lahat ng bahay dito ay kapwa pare-pareho.

Ang tawag ata dito ay Bahay Kubo? Tapos ang iba gawa lang sa kahoy.. Samantalang sa Manila, palakihan ang bahay dun sa 'min..

"Huwag niyo na po akong I 'po' mas matanda po kayo sa 'kin. Tawagin niyo na lang po akong Clyde.." Sagot ko at ngumiti. Huminto naman kami sa isang Bahay na medyo may kaayusan naman.


"Ahmm. Clyde, Mabait kang bata ka.. Kinagagalak kitang makilala. Iho" sabi nito at ngumiti. "-Ayy, Ito na pala ang Matutuluyan niyo.. Pagpasensyahan mo na kung ganyan. Pare-parehas kasi talaga ang mga bahay dito eh. Dalawa lang ang kwarto niya. Hindi ko alam na tatlo pala kayo. Pasensya na" Sabi nito.

Together Love (Sequel Of IFIFB)Where stories live. Discover now