TL 9

870 45 2
                                    

Kyleigh's  PoV

"Ms. Alcantara pinapatawag po kayo ni Sir Terrence sa office niya.."

Ano na naman ba kailangan ng boss namin na 'yon? Haynako!  lagot talaga sakin yang si Kaye, iniwan akong mag-isa sa trabaho. Porket honeymoon lang nila ni Pinsan eh. Huhuhu hirap mag-isa.

"Anong kailangan mo?" Bungad ko sa boss namin. Ganito ako makipag-usap sakanya.  Rude na kung Rude pero naiinis talaga ako!

"Brother, Alis na ako.." Napatingin ako kay Tyron na malumanay na umalis ng office ng kuya niya. Broken hearted ata itong si Tyron eh, Malamang!

Wala ata sa sarili itong Boss namin, hindi man lang napansin ang kapatid niya. Mga wala sa sarili. Parang Broken Hearted din ata itong si Terrence, napakalalim ng iniisip eh. Nakapamewang akong lumapit sakanya at tinaasan ko siya ng isang kilay.

"What do you need?" Mataray na tanong ko sakanya. Hmm. Rude na kung makipag-usap ako, Tanggalan man niya ako ng trabaho, lampake!

"H-hah?" Wala sa sarili nitong tanong. Napa Rolled eyes na lang ako. Wala nga sa sarili.

"Anong kailangan mo? Bakit mo po ako pinapatawag?" Ulit na tanong ko sakanya. Natauhan naman siya siguro dahil umayos na siya ng upo. Lalim ng iniisip eh.

"Gusto ko lang itanong kung settled na ba ang bagong designs na ilalagay sa lobby?" Tanong nito sa 'kin. Tss, gawain kaya ni Kaye ito pero sa 'kin na assign dahil wala siya.

"Yes" simpleng sagot ko. Tumango naman ito ng may lungkot?

"You may go.." Malungkot na boses na sabi nito. May problema kaya siya?

Tumalikod na ako pero hindi padin ako naglalakad. Minsan lang akong mangielam kaya, mag fi-feeling close na ako. Humarap ako sakanya, para magtanong.

"Pwe--"

"Kyleigh, ikaw bilang babae, sino ang pipiliin mo? Ang Mahal mo noon o ang mahal mo ngayon?" Bigla nitong tanong. Napataas naman ang isa kong kilay. Seriously? Broken hearted nga siya?

"Hmm. Mas pipiliin ko ang taong mahal ko na ngayon, ang past ay past." Sabi ko at umupo. "-but it depends. Kung Mas Mahal parin ng babae ang Past niya" dugtong ko pa. Tumango-tango naman siya.

"Teka nga! Broken hearted ka ba?" Tanong ko sakanya. Napatawa naman siya. Moody? Kanina napaka lungkot, ngayon tumatawa, sira-ulo lang?

"What do you think?" Tanong nito sa 'kin. Nagkibit-balikat na lang ako. Pero halata ko, Broken hearted nga siya. "-I Love someone but she love someone else" dugtong pa nito. Napaka seryoso na nga talaga niya ngayon.

"Kitamoto! Magkapatid nga kayo, mga broken hearted." Sabi ko na lang. For the second time. Tumawa ulit siya.

"Nagmahal lang kami... By the way are you free?" Tanong nito sa 'kin.

"Madami pa akong gagawin e.." Palusot ko. Sa totoo lang, ayokong makipag close sakanya. Kasi pinagseselosan kaya siya ni Bisugo. Heler! Hindi ako gagawa ng way para may mapag-awayan kami.

"I'm the boss, I'll command you to come with me.." Utos nito at tumayo, inayos niya nadin ang coat niya. Seryoso?

"What if ayoko?" Mataray na tanong ko habang nakapamewang.. He was just chuckled. Nakikipag lokohan ba ako? Hindi naman ah!

"Huwag mo ng tanggihan ang isang tulad ko, it's just a friendly date.." Sabi nito at nakatayo na sa harap ko, friendly date hah! Tss.

"My answer is still no.. The big NO"



Together Love (Sequel Of IFIFB)Where stories live. Discover now