Tinaasan ko ito ng kilay nang hindi ito kumilos.

"Ano? Gusto mo ako pa magbihis sa'yo?" Puno ng sarkasmong tanong ko.

He didn't speak and he just stared at me. Umiwas ako ng tingin dahil sa klase ng titig nito.

Muli ko itong tinignan nang hindi pa rin ito kumikilos. Titig na titig lang ito sa akin.

"What?" I hissed.

He sighed. I can see sadness and pain in his eyes.

"I'm sorry for being weak, Roxanne." He murmured.

Nagpatango-tango ako.

"It's just normal. You have a fever and-"

"I'm pertaining for being weak in everything. I am so weak and too late to realized that I've lost someone so special like you. I let you slipped from my arms. Sinayang ko ang isang tulad mo. I am the weakest and I'm really sorry." Puno ng pagsisisi ang tono nito.

At ang mga mata nito, napakalungkot niyon at tila napapagod. Puno ng pagsisisi, takot at sakit. Tila gusto kong alisin iyon. Hindi ganito ang Xander na nakilala ko noon.

"Xand-"

"Listen to me, please." He begged and walked towards me.

Napalunok ako at hindi umimik nang hinawakan nito ang mga kamay ko gamit ang isang kamay nito. Ang isa naman nitong kamay ay humaplos sa pisngi ko.

Sinalubong ko ang napakalungkot nitong mga mata.

"Hindi sapat ang napakaraming sorry para mapatawad mo ako, Roxanne. But I want you to know that," Dinala nito ang kamay ko sa tapat ng puso nito. "you're always here. Tumitibok lang ito para sa'yo. Sa'yo lang, Roxanne. Sa'yong-sa'yo lang."

"Xande-"

"Rian and I. Nothing happened between us." Napatitig ako sa mga mata nito, nakikiusap na pakinggan ko ito. And I listened.

"She drugged me that time. A hallucinating drug. Walang nangyari sa amin and I have a proof. And the baby she's carrying wasn't mine. She lost it when I brought her to the hospital and it's not your fault. She lost it because of too much drugs. She was taking drugs even if she knew that she was pregnant." Hinawakan nito ang dalawang kamay ko.

"I know it's really too late but I want you to know the whole truth. Wala akong ibang ginalaw maliban sa'yo, Roxanne. Nag-iisa ka lang sa buhay ko and what we shared was sacred for me. Wala akong ibang babaeng pinapasok sa buhay ko kundi ikaw lang. I won't force you to forgive me. Gusto ko lang malaman mo ang katotohanan." Anito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Hindi ako kumibo at tinanguan lang ito.

"You don't have to explain. Nangyari na ang mga nangyari. Hindi na natin maibabalik 'yon." Mahinang usal ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito at mas lalong lumungkot ang mga mata.

"Magbihis ka na at magpahinga sa kuwarto mo. Susunod ako. Ipagluluto lang kita ng makakain para makainom kang gamot." Pormal na usal ko.

Ilang sandali pa itong nakipagtitigan sa akin bago binitawan ang mga kamay ko. Alam kong marami pa itong gustong sabihin pero mas pinili nitong tumahimik.

Kumilos ito para maglakad pero kaagad ding nabuwal. Mabilis ko itong inalalayan.

"Dahan-dahan lang." Usal ko at ipinatong ko ang braso nito sa balikat ko.

"S-Salamat." Mahinang sambit nito.

Inalalayan ko ito paakyat sa hagdan hanggang sa loob ng kuwarto nito.

"Kaya mo bang magbihis?" Tanong ko.

Tumango ito.

"Sigurado ka?"

Bahagya itong ngumiti.

"Kung gusto mo akong bihisan, go ahead." Napakamot sa ulong sambit nito,may halong pagbibiro sa boses.

I rolled my eyes.

"Iiwan na kita. Magbihis ka, okay? Ipagluluto kita." Usal ko at lumabas ng kuwarto nito.

Hinahawakan ko ang tapat ng puso ko habang naglalakad patungong kusina. Hindi magandang ideya ang malapit ako sa binata. Ayaw tumigil sa pagtibok ng napakalakas ang puso ko kapag nasa malapit lang ito.

Kailangan kong umuwi ngayong gabi. Hindi puwedeng kasama ko ito sa iisang bahay. Hindi puwede.

Nang makarating sa kusina ay napagdesisyunan kong magluto ng lugaw para sa binata. Habang nakasalang sa kalan ang niluluto ko, pumasok ako sa kuwarto kung saan ako natutulog noon.

Napangiti ako nang makitang walang pinagbago iyon. Kung paano kong iniwan iyon noon ay ganoon pa rin ang ayos. Ang mga gamit ko ay naroroon pa rin. Pati mga damit ay maayos pa ring nakalagay sa loob ng cabinet. Hindi ako nagdala ng anumang gamit noong umalis ako sa bahay ni Xander.

Pumasok ako sa banyo at mabilis na naligo. Nang bumalik ako sa kusina, saktong luto na ang lugaw.

Kaagad akong nagsandok ng lugaw at pumasok sa kuwarto ni Xander. Nakita ko itong nakahiga at nakabalot sa kumot. Halatang nanlalamig dahil nanginginig ito.

Ipinatong ko sa bedside table ang dala kong tray na may lugaw at umupo ako sa kama malapit dito. Sinalat ko ang noo nito. Mainit pa din.

"Kaya mo bang kumain?" Tanong ko.

Hindi ito sumagot. Mariin itong nakapikit na tila iniinda ang sakit nito. Nakakaawa siyang tignan.

Napabuntong-hininga ako at humiga sa tabi nito. Pumasok ako sa makapal na kumot na nakabalot sa katawan nito at patagilid ko itong niyakap.

Nagmulat ito ng mga mata at halatang nagulat sa ginawa ko.

"Balak ko sanang umuwi after mong kumain." Usal ko nang makita ang nagtatanong na mga mata nito.

"Kaso may sakit ka kaya aalagaan na muna kita. Can I stay here? Can I sleep beside you?" I asked as I looked straight into his eyes.

Wala naman sigurong masama, hindi ba? I will just stay for one night. Aalagaan ko lang naman ito. Hindi naman ako marupok, hindi ba?

To be continued...

A/N: Gusto kong mag update pa kaso I'm running out of time na po. Need to sleep na kasi maaga pasok bukas. Hehe. Hope you did enjoy reading. God bless. Lablab.😍❣️😘💛

Hanggang sa susunod na update. Salamat po sa paghihintay.😘😘

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Where stories live. Discover now