Chapter 25

71.4K 2K 198
                                    

***Chapter 25***

Enjoy reading! ❣️💛

NAIIYAK NA BUMANGON ako mula sa pagkakahiga sa kama. Kaagad naman akong dinaluhan ni Xander pero tinabig ko ang kamay nito.

"Huwag mo akong hahawakan!" Parang batang sambit ko at humikbi.

"Roxie naman. Hindi ko naman kasalanan na hindi ka na makatayo ng maayos. Atsaka nagpatawag na nga ako ng OB, di' ba? Para maagapan ka. Sorry na, puso ko." Awang-awa ang mukha nito para sa akin.

"Exactly! You were so huge! Kaya hindi ako makatayo ngayon!" Singhal ko.

Mahina itong natawa.

"Puso ko, hindi ko kasalanang malaki ang alaga ko. Importante nasarapan tayong pareho." Pilyong usal nito.

Gigil na hinampas ko ito ng unan sa mukha.

"At nagagawa mo pang magbiro! Palibhasa hindi ikaw ang nasaktan! At nakakahiya sa mga kaibigan mo! Alam na tuloy nila na tinira mo ako dahil sa doktor na pumunta dito!" Gigil na sigaw ko at ikinulong ang mukha sa mga palad ko.

Sobrang nakakahiya! After sex with him for so many times, bumalik kami sa beach house nito at natulog. Pagkagising ko ay nanginginig na ako, pinagpapawisan at nag-aapoy sa lagnat.

Kaagad na nagpatawag ng doktor si Xander sa utos ni Christine. Oo at doktor ang kaibigan ko pero mas makakabubuti daw na ang Obstetrics-Gynecology ang titingin sa akin pagkatapos nitong malaman na nag sex kami ni Xander.

At ayon sa doktora na kakaalis lang ay magpahinga muna ako ng ilang linggo dahil masyado daw malalim ang sugat sa loob ng pagkababae ko. Binigyan na din ako nito ng pain reliever.

Umusog si Xander malapit sa akin at niyakap ako.

"Sorry, puso ko. Promise, wala ng sex na mangyayari. Ayokong nakikitang nasasaktan ka." Masuyong sabi nito at hinalikan ang ulo ko.

"Pareho naman nating ginusto. Pareho tayong naging agresibo. Bakit kasi ang sarap mo?" Inosenteng tanong ko na ikinatawa nito.

"Pero panindigan mo ang sinabi mo, okay? No sex." Nakasimangot na usal ko at inilayo ang sarili mula sa pagkakayakap nito.

"Puwede bang bawiin?" Napakamot sa ulo na tanong nito at napangiwi. Halatang pinagsisihan ang binitiwang salita.

Inirapan ko lang ito.

"I love you, puso ko." Malambing na sabi nito.

Hindi ako umimik pero ilang sandali lang ay napangiti ako nang paulit-ulit itong nag I love you sa akin. Sobrang rupok ko talaga.

Muli ako nitong niyakap.

"I'm so sorry." He apologized.

Tumango ako at tinugon ang yakap nito. Ilang sandali lang ay lumabas ito para ipagkuha ako ng makakain.

Habang wala ito ay napatingin ako sa kamang kinaroroonan ko. Mabuti na lang at pinalitan ni Xander ang bedsheet bago kami natulog kanina dahil marami iyong dugo. Kung hindi ito napalitan ng binata ay mas nakakahiya kapag nakita iyon ni Christine at ng doktor.

Ang kama na ito ang naging saksi ng pagbigay ko sa sarili kay Xander. Masaya ako at hindi pinagsisisihan ang nangyari. Masaya ako na ito ang nakauna sa akin. Ito lang.

Marahil ay nagtataka ang kasintahan ko kung bakit birhen pa ako nang inangkin ako nito. Alam kong gustong-gusto ako nitong tanungin pero hindi lang ito umiimik.

I was molested. My whole body was molested but I've never been penetrated. Thanks to the old woman I have met at Lewis mansion. I can still remember how she helped me.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon