Chapter 11

72K 2.2K 211
                                    

***Chapter 11***

"WHAT?! BINASTED MO?!" Sabay na tanong ng apat kong bodyguards nang ikuwento ko ang nangyari kagabi.

Xander told me that he wants to court me. But I rejected him.

Kaagad akong umalis sa kuwarto nito pagkatapos kong sabihin na hindi ako magpapaligaw sa binata.

Napakagat ako sa ibabang labi.

"I have a reason why I didn't allow him to court me." Kaagad na paliwanag ko.

"Of course, we knew that. But, Oh my God! Did he really say that he wants to court you? You're so lucky, Miss Rox. Pero binasted mo. Puwede bang ibaubaya mo na lang siya sa amin?" Freih said and she giggled together with the three girls.

Kaagad kong sinimangutan ang mga ito.

"Just kidding." Natatawang sambit ni Freih.

"He's just mine." I said, unconsciously.

Napaawang ang labi ng mga ito. Ako naman ay napakurap-kurap.

"I-I mean, ahm... H-He's..."

"Okay. We understand, Miss Rox." Namia shooked her head and teasingly smiled at me.

I let out a loud sighed. Simula ng dumating si Xander dito ay palagi na akong tinutukso ng mga ito.

"T-Tama ba ang ginawa ko? Hindi kaya siya nagalit sa'kin?" Nag-aalalang tanong ko.

"Miss Rox, naiintindihan ka niya, sigurado 'yon." Usal ni Freih at inabutan ako ng isang baso ng juice.

"Sana nga." Malungkot na sabi ko at uminom ng juice.

Tinignan ko ang apat at kinuotan ng noo.

"Anong oras ang alis niyo?" Tanong ko.

Nagpaalam ang mga ito sa akin noong nakaraang araw para umuwi sa probinsya. At dahil nandito naman si Xander at may tiwala ako sa binata ay pinayagan ko ang mga ito. Tatlong araw mawawala ang apat. At ito ang unang beses na mawawalay ang mga ito sa akin ng ilang araw.

"Nakapag-impake na kami, Miss Rox. Mamayang konti lang ay aalis na kami. Pero ayos lang ba talaga sa'yo na maiwan ka namin dito? Puwede naman naming hindi ituloy ang pag-"

"No, I'm fine. Matagal niyo ring hindi nakasama ang mga pamilya niyo kaya umalis na kayo. Tatlong araw lang naman. Okay lang ako dito." Agaw ko sa sasabihin ni Freih.

Tumango lang ito at ngumiti. Ilang sandali lang ay nagpaalam na ang mga itong umalis. Sinabihan pa ako na huwag magpapagutom lalo pa't alam ng mga itong hindi ako marunong magluto.

Tatlong araw lang namang mawawala ang mga ito at puwede ko naman sigurong utusan si Xander sa pag-oorder ng kakainin ko.

Nang tuluyang makaalis ang mga ito ay napabuntong hininga ako. Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan. Biglang tumahimik ang bahay. Bigla kong naramdaman na parang nag-iisa na lang ako sa mundo.

Napapailing na pumasok ako sa kuwarto ko at naligo. Hanggang sa sumapit na ang gabi pero hindi ko maramdaman ang presensya ni Xander.

Tinungo ko ang kusina at natigilan ako nang may naabutan akong pagkain sa dining table. Did Xander prepared this? How thoughtful.

Napangiti ako nang maamoy ang pabango nito. Tila kagagaling lang ng binata dito.

Pumuwesto ako sa upuan at nag-umpisang kumain. Kung sana ay puwede ko itong makasamang kumain. Kailan kaya darating ang pagkakataong iyon? Kailan ko siya pwedeng makita ng hindi ako nakakaramdam ng takot?

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon