Chapter 22

68.8K 2.1K 245
                                    

***Chapter 22***

KASALUKUYAN KAMING NAG-UUSAP ni Christine nang may pumasok sa kinaroroonan namin.

Nang lumingon ako ay nakita ko ang ilang kababaihan. Agad silang ngumiti sa akin.

"Xander is not lying. Totoo palang napakaganda mo." Usal ng napakaputi at nakapagandang babae. Nakakasilaw ang kaputian nito.

Magiliw ako nitong nginitian.

"Hello there. Ako nga pala si Princess Shaina Smith." Pagpapakilala nito sa sarili.

"Hello. Ang ganda mo." Hindi ko mapigilang ikomento.

Napakamot lang ito sa batok nito na parang nahihiya pa sa papuring natanggap nito mula sa akin. Sa totoo lang, napakaganda talaga nito at ang mga kasama nito.

Sunod kong tinignan ang mga iba pa nitong kasama. The woman beside Princess waved at me.

"I'm Amber Patterson." Magiliw din itong ngumiti sa akin. Napakaganda ng ngiti nito. Medyo boyish ang dating nito pero hindi nakakasawang tignan ang mukha nito.

"And I'm Krystal Stewart. Nice to meet you, Roxanne." Said the woman beside Amber. Para itong modelo. Napakaganda ng katawan.

Actually, lahat naman sila. Halos perpekto na ang mga hubog ng katawan.

At ang sunod na nagsalita ay ang isa pa nilang kasama.

"Sharmaine Suarez here. Nice to meet you din. Sa wakas, nakilala na din namin ang bumihag sa puso ng aming hacker." Pilyang usal nito

Nahihiya akong ngumiti at nabigla ako nang isa-isang lumapit ang mga ito at kapagkuwan ay hinalikan ako sa pisngi.

"Welcome to our world and welcome to the family." Princess said.

"Maraming salamat sa inyo. Ikinagagalak ko kayong makilalang lahat." Nakangiting sabi ko.

Ilang sandali pa kaming nagkuwentuhan lahat at kinilala ang isa't-isa. Masayang kausap ang mga ito at ramdam mo talaga ang pagiging totoo nila, walang halong kaplastikan. Magaan ang loob ko sa kanila. Nakapaka-friendly at mga pilya din.

Kaagad kong nakagaanan ng loob ang mga ito. And my bestfriend Christine, masaya ako na nakatagpo ito ng mga bagong kaibigan. Alam kong masaya na ito sa buhay may-asawa at masaya ako para sa kaibigan ko. She deserved it.

"Tara na sa ibaba, may pool party tayo ngayon. Let's enjoy." Nakangiting anyaya ni Amber.

"Magbihis muna tayo." Sambit ni Krystal at kumislap ang kapilyahan sa mga mata nito. "Hintayin niyo ako dito, may kukunin lang ako." Anito at dali-daling tumakbo papalabas ng kuwarto.

Nang makabalik ay may dala na itong maliit na maleta. Kaagad nito iyong ipinatong sa malambot na kama at binuksan.

"Ta-raaaan! Swimsuits!" Masayang sabi nito at nagkatinginan kaming lahat.

"Gusto mong masakal ako ng asawa ko?" Sabay na sambit ni Princess at Christine.

Ako naman ay napakamot sa ulo.

"Baka lunurin ako ni Xander kapag sinuot ko 'yan." Nakangiwing usal ko.

"Why don't we wear that, then? Let's pissed them off." Napatingin kaming lahat kay Amber na ngayon ay nakangisi na.

Tinaasan naman ito ng kilay ni Sharmaine.

"Knowing Renz,baka ilibing ka niya ng buhay kapag sinuot mo 'yan?" Sarkastikong usal nito.

Tinaasan din ito ng kilay ni Amber.

"Kumusta naman kaya si Rein kapag ikaw ang nagsuot niyan? Sigurado akong magwawala 'yon." Natatawang sambit ni Amber.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Where stories live. Discover now