Chapter 34

71.2K 2.2K 270
                                    

***Chapter 34***

I GROANED WHEN I heard my phone rang.

Nakapikit ang mga matang kinapa ko sa bedside table ang cellphone ko at sinagot ang tumatawag.

"Wake up now because your company needs you, brother. You promised that you'll come back today. Your employees are waiting for their CEO to come back for almost five years now." It was my little sister, Aleeyah Reona Ford.

I opened my eyes and sighed.

"Okay. I'll just take a bath." I said as I get up from my bed.

"Good. I'll wait for you here. Take care, okay?" I nodded even if she's not in front of me.

I was about to hung the phone when she spoke.

"Kuya." Tawag nito sa akin.

"Hmm?"

"Please be okay na. Nandito lang kami para sa'yo, okay? We'll support you along the way. Everything will be okay. I love you." She said and hung up.

Naiwan akong natulala. My sister wasn't like that before. She's not sweet and she used to hide her true feelings. Ganoon na ba talaga kamiserable ang naging sitwasyon ko para lahat ay mag-alala sa kalagayan ko?

For almost five years, I must admit that I am not the same Alexander Kiel Ford anymore. I'm a messed. Pinabayaan ko ang negosyo, ang kumpanya ko. I'm just thankful that my sister was there to help me. She is now the acting CEO of Ford's Technology.

Until I decided to fixed myself again, not only for myself but for Roxanne. Kahit walang kasiguraduhan na makita ko pa ito ulit, I'm still hoping. Pinapangako ko sa sarili na gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako nito. Babawi ako sa nagawa ko.

Pinagsisisihan ko ang araw na mas pinili kong paniwalaan ang kasinungalingan ni Rian. Sobra akong nagsisisi. At alam kong hindi ko na maibabalik ang lahat. I was too late and I lost the love of my life. At galit ako sa sarili ko. Paano ko nagawa kay Roxanne ang bagay na iyon? Paano ko nagawang saktan ang babaeng mahal ko?

Napabuntong-hininga ako at hinubad lahat ng damit. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Napatingala ako at hinayaan ang malamig na tubig na tumatama sa mukha ko.

"I missed you so much, Mon cœur." Mahinang usal ko at hinayaan ang mga luhang naghahalo sa malamig na tubig.

"Fuck!" May pait sa boses na usal ko.

Nakakabaliw ang pakiramdam na sobrang sabik ka sa isang tao pero hindi mo ito makita at mayakap.

Ilang minuto akong nasa banyo at naging saksi ang loob niyon sa lahat ng kamiserablehan ko. Sa naging pagkakamali ko at paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko kung gaano ako ka-gago dahil pinakawalan ko ang babaeng mahal ko.

***

NAPATIGIL AKO sa isang malawak na parke. I decided to park my car. Bumaba ako mula sa kotse ko at tinext ko ang kapatid ko na male-late ako ng konti.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para tunguhin ang parke na ito. Siguro ay namiss ko lang ang paligid na madaming tao. Ang tagal ko ring ikinulong ang sarili sa loob ng bahay ko.

Pinaikot ko ang tingin sa buong paligid. Madaming tao, may mga batang naglalaro. Mga pamilyang nagtatawanan habang kumakain. May mga nakikita din akong mga magkasintahan na matatamis ang ngiti sa isa't-isa.

Nadako ang paningin ko sa pamilyang nakaupo sa blanket at may picnic basket sa harapan ng mga ito. Masaya ang mga ito kasama ang anak na lalaki.

At napaisip ako, kung hindi lang ako naging gago sana ay ganito kami ngayon ni Roxanne. Masaya, may anak at kuntento sa isa't-isa. At hindi ko napigilan ang ilang butil ng luhang dumaloy sa pisngi ko.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Where stories live. Discover now