Chapter 39

76K 2K 199
                                    

***Chapter 39***

"HE'S OKAY NOW. Medyo nagkaroon lang ng infection 'yong sugat niya kaya nilalagnat siya ngayon. Tinurukan ko na siya ng gamot for infection. Just monitor his temperature. Puwede na kayong umuwi after he woke up. Kailangan niya ng pahinga. Alagaan mo na lang ng mabuti si mister." The doctor tapped my shoulder and smiled at me.

"Don't worry too much, your husband will be fine." He said and left the room.

Ni hindi na ako binigyan ng pagkakataon na itama ang akala nitong asawa ko si Xander.

Dumiretso ako sa hospital dahil sa sobrang taas ng lagnat ng binata. At nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong maayos na ito ngayon.

Hindi pa naman ito mamamatay, so far.

Lumapit ako sa binata at sinalat ang noo nito. Mainit pa din ito pero hindi katulad ng kanina na halos mapaso ako sa sobrang init ng balat nito.

Bahagya itong umungol at gumalaw. Akmang aalisin ko ang kamay ko sa noo nito nang bigla nito iyong hinawakan.

Natigilan ako at napatitig ako sa asul na mga mata nito nang magmulat ito ng mga mata.

Nagkatitigan kaming dalawa at napalunok ako. Tumibok ng napakalakas ang puso ko. Ilang taon na ang nagdaan at ngayon ko lang ulit ito napagmasdang mabuti. At gusto kong magalit sa sarili ko dahil iba pa rin ang epekto nito sa puso ko.

Tumikhim ako at binawi ang kamay ko.

"Hindi ka ba umiinom ng gamot? Bakit hinayaan mong mainpeksyon 'yang sugat mo?" Pagalit na tanong ko.

"I'm sorry." Iyon lang ang tanging nasabi nito.

"At bakit nagpaulan ka pa? Alam mo namang mahina ka sa ulan. Hindi ka puwedeng mabasa dahil nagkakasakit ka. Magkapareho kayo ng pinsan mo, remember? Naturingan kayong malakas at malaking tao pero ang hihina niyo sa ulan. Nasa dugo ba talaga ng mga Ford 'yan?" Mahabang litanya ko.

"I'm sorry." Mahinang sabi nito.

Pinagmasdan ko itong mabuti at napailing.

"Tignan mo ang hitsura mo, natutulog ka pa ba? Para kang depressed na depressed sa buhay mo." Naiiling na sambit ko.

"I'm sorry." He repeated.

Kinuotan ko ito ng noo.

"Wala ka bang ibang sasabihin maliban sa I'm sorry mo?" Sarkastikong tanong ko.

"I'm so-"

Inis na tinalikuran ko ito.

"Ayusin mo sarili mo, ihahatid na kita sa bahay mo para makapagpahinga ka. I'll wait for you outside." Sambit ko at lumabas ng hospital room nito.

Ilang minuto lang akong naghintay at nakita kong lumabas na ito. Pareho kaming walang kibo habang patungo sa parking lot.

"I'll drive." Sabi ko nang akmang papasok ito sa driver's seat.

"You don't have to. Kaya ko pa namang mag dri-"

"Mahina ka ngayon. Nilalagnat ka so let me drive for you. And besides, nasa akin ang susi ng kotse mo." Giit ko at pumasok sa driver's seat.

Sumunod ito sa akin at sumakay sa tabi ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang tumila na ang ulan.

Nag drive ako patungo sa mismong bahay ni Xander. Nauna akong bumaba nang makapag-park sa parking lot nito.

"Magbihis ka kaagad. Basang-basa ka." Usal ko nang makapasok kami sa bahay nito.

And I don't really have an idea why I am here. Puwede ko namang iwan ito pero ang taksil kong puso, nag-aalala sa kalagayan nito.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Where stories live. Discover now