Chapter 13

68.2K 2.1K 305
                                    

***Chapter 13***

IMPOSIBLE ANG INIISIP KO. Hindi siya ang lalaking hinahanap ko. Oo at taglay nito ang kulay ng mga mata ni Xander. Ang mga mata nitong nakita ko noong tumama ang liwanag sa mukha nito. Pero hindi. Hindi siya si Xander.

Dahil kung ito ang taong hinahanap ko ay makikilala ako nito. Xander won't pretend in front of me, right? Kahit ilang sandali ko lang itong nakilala ay alam ko na kaagad ako nitong yayakapin kapag nakita ako.

Pinaramdam ni Xander sa akin kung gaano ako ka-espesyal. And this man in front me is not my Xander. Ni hindi ko naamoy sa lalaking ito ang pabangong gustong-gusto kong naaamoy kapag nasa malapit lang si Xander.

I am overthinking right now. Halos isang buwan kong hinanap si Xander simula nang makabalik ako sa Pilipinas. At nahihirapan akong hanapin ito.

Ang identity ng mga tauhan ng SPIC ay hindi ko mahagilap kahit anong gawin kong pagnakaw sa database ng mga ito. Their and his identity is well protected by someone. Tila may isang taong magaling na nagpoprotekta sa data base ng mga ito.

"Well?" Untag nito sa akin nang hindi ako tumugon sa tanong nito.

Nagpakurap-kurap ako at tumikhim.

"Sir..." Nabitin ang pagsasalita ko at tinignan ito. Nagpapahiwatig na hindi ko alam ang pangalan nito.

Naikagat ko ang pang ibabang labi. Bakit nga ba hindi ko man lang inalam ang pangalan ng CEO ng Ford's Technology? That was stupid of me.

He stand up from his seat and he walked towards me. Tumigil ito sa paglalakad ng ilang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa.

"You don't know my name and yet you have the guts to apply here in my company?" He asked, frowning.

Napayuko ako.

"I-I'm sorry, Sir. I just came back from U.S a month ago and I got busy so I didn't have a time to search for your name. I really apologized." I sincerely said.

Napaangat ako ng tingin nang makitang humakbang ito papalapit sa akin. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa at halos magkadikit na ang katawan namin. At ito na naman ang puso kong tumibok ng napakalakas.

"It's Alexander. My name is Alexander Kiel Ford. Keep that in mind." He murmured.

Napalunok ako nang tumama sa mukha ko ang mabango at mainit na hininga nito.

"I-I'll keep that in mind, Sir." I said and took one step backward. I can't breathe because he was so near.

"I'm waiting for your answer, Miss Padilla. Be my personal assistant. Naiinip ako." Nababagot na usal nito.

"O-Okay, Sir." Tugon ko.

Ilang sandali ako nitong tinitigan bago tumango.

"Pack your things, then. You'll gonna live with me in my house." He said and walked towards the door.

"P-Po? Titira ako sa bahay mo? B-Bakit?" Nagugulat na tanong ko.

Lumingon ito sa akin habang nakapamulsa.

"You'll gonna live with me as my personal assistant. And you can't do anything about it. My driver will fetch you tomorrow morning at 8 o'clock in the morning." Anito at naiwan akong nakatulala at nakaawang ang mga labi.

Do I really have to live with him? Gusto kong pagsisihan ang pagtanggap ko sa trabaho bilang personal assistant nito.

Ano itong pinasok ko?

***


NAPASIMANGOT AKO nang malakas na humalakhak si Freih matapos kong ikuwento ang nangyari sa interview ko. Well, wala naman talagang interview na nangyari. Basta na lang akong pinili ng CEO na 'yon para maging personal assistant nito.

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Where stories live. Discover now