Anong nangyayari sa dalawang 'to?

"Bakit? Ohmegesh! Nag-aaway ba sila?" mahinang bulong ni Pepay sa akin.

"Hindi ko alam. Cool off kami Pepay." sagot ko.

"Baka dahil sayo! Megesh!" tumawa ang loka. Inaasar ako. Pero wala akong imik. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Kailangan kong malaman kung bakit. Pero paano?

Natapos ang klase na puno ng katanungan ang isip ko tungkol sa sitwasyon ng magkapatid. Hindi ko sila parating nakikitang magkasama noong mga panahong hindi pa kami nagkakilala ni Stanley at hindi pa ako napapalapit kay Steven. Pero first time ko sila ngayon makitang masama ang tingin sa isa't isa.

"What's your plano ba?" nakataas kilay na tanong sa akin ni Pepay.

"Gusto kong tanungin si Steven. Pero baka magalit siya at sabihing hindi ko na concern 'yon." kasi sino ba naman ako diba? Tsaka baka sagutin niya pa akong pinapagalitan niya lang si Stanley kasi ayaw pa nitong humiwalay sa akin kaya magkagalit sila ngayon.

"Whuut? Si Papa Steve magagalit sayo? Megesh! Hindi 'yan 'no! Ikaw pa ba? Malakas ka sa kanya at nakikita kong may pagtingin siya sayo!" tumawa nanaman siya ng malakas.

Anak ng---! Nababaliw na 'tong baklang 'to!

Naiwan kaming dalawa dito sa classroom kaya ganyan nalang kalakas ang loob namin para pag-usapan ang dalawang Javier.

"Tumigil ka nga Pepay! Sakalin kita diyan eh! Hindi ako nakikipagbiruan sayo." seryoso kong sabi sa kanya.

Ngumuso siya. "Eto namern! Hindi mabiro! Pero may katotohanan naman ang sinabi ko." at tumawa nanaman siya ng malakas. 'Yong tawang halakhak talaga at nakakarinding pakinggan kasi parang basag.

"Ay ewan ko sayo!" at lumabas ako ng classroom. Hinabol naman niya ako.

"Chris."

Nagulat ako kay Steven. Inabangan niya pala ako dito sa hallway. Si Pepay naman ay ramdam kong napatigil sa likuran ko.

"Ah-eh... Sorry sa disturb. Aalis muna si aketch! Take your time!" rinig ko pa ang impit na tiling pinakawalan ni Pepay bago umalis.

"Bakit?" pagsasabihan niya ba ako tungkol sa ginawa ko sa kapatid niya? Eto na ba ang hinihintay ko?

"May itatanong sa ako sayo."

Kumunot ang noo ko. "Ano 'yan?"

"There's a party na gaganapin sana sa bahay. And.. I want you to be my partner there."

Nalaglag ang panga ko. Ano? Gagawin niya akong partner? It means... makikita ko si Stanley sa iisang bahay?!

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko kaya agad siyang nagsalita.

"Mali ang iniisip mo. Stanley said na hindi siya aattend kasi wala siyang kapartner." mahina ang pagkakasabi niya sa huling salita.

At dahil hindi nga aattend si Stanley dahil wala siyang kapartner, may posibilidad bang, ako sana ang kukunin niya kung kami pa ngayon? Kung hindi lang kami cool off?

Dapat bang tanggapin ko 'tong offer ni Steven?

"Don't worry! Partner lang naman. Formal event kasi ng family namin so I need to bring a partner."

Napaisip ako. Pero.. baka hindi 'to magustohan ni Stanley.

"Please Chris.. Do you still remember noong una tayong nag-usap? You invited me na pumunta sa bahay niyo. Pero tumanggi ako. Now.. ako na ang humihiling sayo. Eto na 'yong sabi kong babawi ako." ngumiti siya sa akin.

Nahiya ako nang maalala ang nangyari noong araw na 'yon. Crush ko pa siya ng mga time na 'yon. At ang kapal kong imbitahin siya sa sinasabi kong bahay. Na apartment naman pala. Ni hindi ako nakapag-isip pa dahil nadala na ako ng sobrang kilig na nadarama.

Hinihintay niya ang sagot ko. Hmm. Siguro maiintindihan naman ako ni Stanley. Tsaka magkaibigan lang naman kami ng Kuya niya. At hindi naman siya pupunta ng event kaya wala naman siya doon.

"Ok." ngumiti ako.

"Yes! Thank you Chris!" niyakap niya ako. Nagulat ako na hindi kaagad ako nakapagreact. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako.

"Y-You're welcome." naiilang na sagot ko. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap.

"Hatid na kita sa inyo?" nakangiti parin siya. Kitang kita ang dimples. Sobrang saya niyang tignan ngayon.

Umiling ako. "Huwag na. Magkasama naman kami ni Pepay."

"Sige. Basta, 'yong sabi mo ah?"

Napangiti ako. "Oo naman." pero teka? Hindi niya pa sinasabi kung kailan ah? "Kailan pala 'yon?" tanong ko.

"Oh shet! Sorry!" nahiya siya. "Naexcite lang kasi ako kasi pumayag ka. Sa biyernes ng gabi."

"Ano?!" gulat kong tanong.

Wednesday na ngayon!

"Oh bakit? Wala ng bawian ah!"

"Wala pa akong damit." nakayukong sabi ko. Nakakahiya naman!

Tumawa siya. "Sus! Akala ko kung ano na. Siyempre, ako bibili ng damit mo. Ako nag-invite eh." kumindat siya sa akin. "See you tommorrow! 'Wag ka ng mag-alala tungkol sa susuotin mo." then he waved at me.

Tsaka naman sumulpot sa gilid ko si Pepay at nagtitili siya.

"Waaahhhh! Ohmegesh! Kinikilig ako!"

"Pepay! Tumahimik ka nga!" naiinis kong sigaw sa kanya. Mabuti nga't wala ng tao. Uwian na kasi talaga.

"Eh bakit ba? Kinikilig ako eh!" at nagtitili nanaman siya. Pero natigil din at tumingin sa akin. Biglang sumeryoso mukha niya. "Pero.. Paano si Papa Stan?"

Natigilan ako. Wala naman sigurong masama sa pagpayag ko diba? Tsaka kaibigan lang talaga ang turing ko kay Steven.

"Magkaibigan lang kami ni Steven Pepay. At walang malisya sa akin ang pagkuha niya sa akin as partner para sa event nila."

"Hmm.. Basta Chris ha? 'Wag na 'wag ka talagang mahuhulog kay Papa Steven. Kasi, siya 'yong tipo ng lalaking good boy."

Napangiti ako. "Huwag kang mag-alala Pepay." tinignan ko siya sa mga mata.

"Kasi mananatili lang ang puso ko sa isang badboy na tulad ni Stanley."

At tumili nanaman si Pepay. Dahilan ng pagkabulabog ng mga ibong nagpapahinga sa mga punong kahoy ng school.

----

-NnahJanexz

IntricateWhere stories live. Discover now