Napakurap-kurap ako nang maramdamang may humawak sa laylayan ng damit ko. Nang lumingon ako ay nakita ko ang batang babaeng nakatingala sa akin.

Inilahad nito ang hawak na panyo sa akin. Kulay pink ang panyo nito.

Nagtatakang tinignan ko ito.

"You're crying po and you need handkerchief to wipe your tears." She said, smiling.

Sandali akong natulala sa mga ngiti nito. Napakagandang bata. Tila ito anghel sa paningin ko. And as I looked at her blue eyes, I don't know why my heart tightened. My heart beats so fast for no reason.

Umupo ako sa harapan nito para magpantay ang mukha naming dalawa.

"This big man wasn't crying. Napuwing lang ako." Pagsisinungaling ko.

She pouted and she really look so cute.

"You're like my mom. I always caught her crying and she end up lying." Nakapameywang na sambit nito at napailing-iling na tila matanda na.

I chuckled. Sobrang cute talaga.

Bahagya akong natigilan ng pinunasan nito ang basang mukha ko gamit ang panyo nito. At muling tumibok ng napakalakas ang puso ko. It's just a simple gesture pero bakit parang natutunaw ang puso ko sa ginawa nito?

"Don't cry na po, ha? Big man ka na dapat hindi ka na umiiyak. Ako nga little girl pa pero hindi ako umiiyak." May pagmamalaki sa boses na sambit nito.

Natatawang ginulo ko ang buhok nito at mahinang pinisil ang matangos na ilong nito. Titig na titig ako sa asul na mga mata nito. Tila hinihigop niyon ang buong pagkatao ko.

"Your eyes are beautiful." Pareho kaming natigilan nang sabay kaming nagsalita.

I chuckled and she giggled.

"Magkapareho po tayo ng mga mata. Ang pogi mo po at siyempre maganda ako." Bumungisngis ito sa sinabi. Nilaro nito ang buhok ko na ikinangiti ko.

"Kid, where's your mom? Baka hinahanap ka na niya. Halika, ihahatid kita sa kanya." Usal ko.

Umiling ito.

"Don't worry, I'm fine po. I know my exact address in case I'm lost. And I know how to used gadgets and computers po kaya hindi ako mawawala." Inosenteng sabi nito.

Napangiti ako. Natutuwa ako sa batang ito. She looks smart.

"Talaga? Marunong ka sa computer?" Naaaliw na tanong ko.

She shrugged her shoulders.

"Tinuruan po ako ni Mommy. At mabilis po akong matuto." Muli ay may pagmamalaki sa boses nito.

Ginulo ko ulit ang buhok nito.

"You're so cute, little princess." I murmured.

She smiled widely.

"Thank you po." Magalang na tugon nito.

Kumunot ang noo nito na parang napapaisip at kapagkuwan ay napakamot sa ulo.

"Sabi ng Mommy ko, don't talk to strangers. What's your name po?" She suddenly asked.

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil sa napaka-cute na batang ito.

"Kiel. My name is Kiel." I said.

Tumango ito.

"Ako po si Lexynne. Nickname ko po 'yan. Nice to meet you po. Hindi ka na stranger kasi kilala na kita." She giggled again. Nakapakadaldal na bata.

"Last question po. Ano po phone number mo?" Bahagya akong natawa sa tanong nito.

"Are you flirting with me, little princess?" I teasingly asked.

Sumimangot ito.

"No,I'm not. Matanda ka na po. I am only flirting sa mga kaedad ko." Tugon nito.

Muli akong natawa sa tinuran nito. Nakaka-amazed ang batang ito. She really know what to say.

Sinabi ko ang phone number ko at nakinig naman ito na tila ba minememorya nito iyon. Duda ako kung kaya nitong iyong ipasok sa batang utak nito.

Ilang sandali lang ay nagpaalam na ito sa akin.

"Bye na po. Nice to meet you, Daddy Kiel!" Anito at patakbong umalis papalayo sa akin.

Napaawang naman ang mga labi ko. Daddy Kiel? Damn! Bakit ang sarap sa pakiramdam niyon?

Wala sa sariling tinitigan ko ang pink na panyong iniwan nito sa palad ko. That kid was really something. Hindi ko alam pero napakagaan ng loob ko sa batang iyon.

To be continued...

A/N: Updated.❣️😍

I'm not sure if makakapag-ud po ako bukas. May family outing kasi kami. Ehehe. Salamat po sa walang sawang paghihintay. 😘😘

Goodnight. Lablab.😍

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon