Chapter 14: Under [REVISED]

548 44 71
                                    

*3rd Person PoV

- Lakserf

Kasalukuyang naglalakad sa tahimik na daan sa ilalim ng malalim na gabi ang isang babae't lalake. Hindi mapakali ang mga daliri ng magkasiklop na mga kamay ng babae sa labis na pagkabahala. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala sa kanyang kaibigan lalo na't may masamang kutob siyang nararamdaman.

"Andito na tayo." Himig ng kasama niyang lalake dahilan para mapabalik siya sa kanyang huwisyo. Isang pagtango ang sinukli ng babae at doo'y agad na kumatok sa pinto ang lalake. Parehas silang naghintay, ngunit nang ilang segundo pa ang lumipas na walang sumagot ay muli itong kumatok. "Tao po?" Pagsubok nitong muli.

"They might already be asleep," suhestyon ng babae.

"Hmm baka nga. Anong oras na rin--"

"Shion? Jedi?" Isang pamilyar na boses ang narinig ng dalawa mula sa kanilang likod. Nang lingunin nila ito ay agad nilang namataan ang  dalawa nilang kaibigan, ngunit agad nagbago ang timpla ng kanilang mukha nang makita ang kasama ng mga ito. "Ano'ng ginagawa niyo rito? Nabalitaan niyo na rin ba?"

Kaagad nagsalubong ang kilay nila Shion at Jedi sa sinabi ni Rake saka nagkatinginan. "A-ang alin?" Asik ni Shion. Imbis na sumagot ay nilingon lang ni Rake ang ginang na kanyang kasama na kakikitaan ng matinding pag-aalala sa kurba pa lang ng kilay nito at maging sa kulay bughaw nitong mga mata. "Tita Iyanna? May problema ho ba?"

"Shion, Jedi, baka kayo may nalalaman kayo. Nakita niyo ba si Ean?" Sa tinanong ni Iyanna ay tila nakumpirma nila Shion at Jedi ang masamang kutob na kanilang nararamdaman. Pareho lang silang umiling na ikindismaya ng ginang. "Matagal na akong nagpadala ng request sa mga Senior tungkol dito, pero wala akong natanggap na sagot makalipas ang ilang araw kaya minabuti ko nang lapitan si Rake at CJ."

"P-pasensya na po kayo, tita. Naging mas marami lang pong gawain sa Orthil kaya hindi agad nabigyang pansin ang request niyo," pagpapaumanhin at paliwanag ni CJ. Sa pagsulyap naman ni Rake sa kanyang mga kaibigan ay nakuha rin nila ang tumatakbo sa isip ng isa't isa.

Gaya ng nasabi nito ay mas lalong naging abala ang mga Seniors dahil sa biglaang pagkawala ng kakaibang nangyayari sa Orthil at nararamdaman ng mga Mysticium Senior. Simula noon ay naging doble na ang kanilang pag-iingat dahil na rin sa hindi nila mabigyan ng eksplanasyon ang biglaang pagsulpot at pagkawala nito, lalo na't kumbinsido ang karamihan sa kanila na kagagawan ito ng pinagbabawal na mahika, ang Dark magic.

"How long has he been missing?" Alalang tanong ni Jedi.

"Mag-iisang linggo na, hija."

***

*Ean

- Castrafort

"Hey."

Naalimpungatan ako nang isang boses ng lalake ang aking narinig kasabay ng marahan na pagtabig sa aking binti. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at una kong nakita ay ang marumi't malamig na sahig. Bakit ako nakahiga sa sahig? Tanong ko sa aking isip. Sadyang nasanay na ata akong magising nang puro basura ang nakikita ko at ito ang una kong naitanong sa sarili ko. Hanggang sa isang pagtabig na naman sa binti ko ang aking naramdaman.

"Hey, get up."

Bahagya kong inangat ang ulo ko upang makita ang gumigising sa akin, ngunit agad akong kinilabutan sa aking namataan. "Hala, sandali! P-patay na ba ako!?" Nanatili lang nakapako ang tingin sa akin ng lalakeng kaharap ko habang dama ko na ang paglalapot ng pawis ko sa kaba. "B-bakit nakikita ko sarili ko!? Ano 'to!? Hindi ako pwede mamatay! Kailangan ko pa maka-gradually! Marami pa akong pangarap sa buhay! Hindi ito-- aray!"

IdenticalWhere stories live. Discover now