Chapter 9: Warped [REVISED]

652 41 70
                                    

*Ean

- Lakserf

Humahangos akong nakatingala sa purong enerhiyang mabilis na kumakalap ng lakas na nagbigay kilabot sa gabi. Damang-dama ko ang pag-ihip ng hangin sa lakas nito. Magkahalong itim at ube ang kulay nito na napupuno ng karahasan. Isang mahika ng kadiliman. Ngayon ko lang ito nakita't naramdaman.

Sa ilalim ng inipong dark magic ay natunghayan ko ang lalakeng pinagmumulan at siya ring sanhi sa patuloy nitong paglakas. Nakaangat ang kanyang mga kamay habang nababalot ng parehong enerhiya.

"Ean!" Sigaw ng isang lalake mula sa aking likod na siyang nagpabalik sa aking huwisyo. "Huwag kang magpaapekto sa lakas ng dark magic, lumaban ka!"

Nilingon ko ang mga kasamahan ko at kitang-kita ko sa kanila ang panghihina. Si Rake, Jedi, CJ, at Shion, lahat sila'y humahangos na rin at halos hindi na magawa pang makakilos. Alam kong pinalalakas ni Shion ang loob ko upang lumaban pa, pero hindi ko maalis sa isip ko na ano nga ba ang magagawa ng isang tulad ko laban sa isang bandidong may kakayahang gumamit ng dark magic?

Umalingawngaw ang halakhak ng lalakeng nagmamanipula sa dark magic dahil sa kanyang narinig. "Nahihibang na ba kayo!? Hindi ito matatalo ng pipitsuging lightning magic lang!"

"Hoy, don't call his lightning magic pipitsugin lang! Before you know it, you're already electrified," balik singhal naman ni CJ at laking gulat ko nang unti-unti na silang bumabangon.

"CJ's right. Ean's no ordinary lightning magic user," dagdag naman ni Jedi habang nalulula na ako sa papuring binibigay nila sa akin. Dahan-dahan din ay lumalapit na sila sa akin gamit ang natitira nilang lakas.

Umuyam ang lalake saka ito nagsalita. "Wala na kayong magagawa pa! Ano'ng magiging laban ng nag-iisang estudyante lang laban sa akin?"

Tinapik ni Rake ang balikat ko at doo'y bigla na lang akong nakatanggap ng impormasyon sa tulong ng kanyang mahika. Isang plano. Plano para labanan ang natitirang bandidong ito. "Tss. Sino ba'ng may sabi na lalaban siya mag-isa?"

"Urgh!" Daing nang lalake sabay hawak sa kanyang sentido. Sigurado akong ginamitan siya ni Rake ng isang ilusyon.

"Wala na akong natitirang lakas, magiging madali para sa kanya ang makawala sa ilusyon ko!" Saad ni Rake at doo'y agad nag-ipon ng lakas si Shion, CJ, at Jedi. Namuo ang mga patusok na yelo sa paligid ni Shion, naipon ang makapal na hangin sa harap ni Jedi, habang tila naglalaro naman ang tubig sa kamay ni CJ.

"Inaasahan ka namin, Ean!" Sigaw ni Shion at doo'y sabay-sabay nilang tinira ang kanilang atake sa lalake. Iyon ang naging hudyat para kumilos ako. Gaya ng sinabi ni Rake ay kita kong madaling nakawala sa kanyang ilusyon ang kalaban at sa isang wasiwas lang nito ay napalaho niya rin ang pinagsamahang lakas nila Shion, CJ, at Jedi.

"Ha! Mga inutil! Binalaan--" napahinto ang lalake sa kanyang sasabihin na siyang nagpangiti sa akin. Siguro ay nagtataka siya kung bakit nawala na ako sa kanyang paningin.

"Oh? Natigilan ka?" bulong ko sa lalake nang matagumpay akong nakalapit sa kanyang likuran at dali-dali akong nagpakawala ng libu-libong boltahe ng kuryente mula sa aking kamay.

"Graahh!!!" Buong lakas na sigaw nito. Naging sapat ang atake ko upang na mawaglit ang pagpapalakas niya sa naipong dark magic. Hindi ko itinigil ang pagpapalabas ng kuryente. Hanggang sa mawalan siya ng kontrol sa dark magic. Umangat ito tungo sa langit hanggang sa mawala na lang nang parang bula.

Identicalحيث تعيش القصص. اكتشف الآن