Chapter 10: Collision [REVISED]

572 39 102
                                    

*Ean

- Castrafort

Sapo ng mga kamay ko ang ulo kong parang binibiyak na sa sakit. Nahihilo ako, nakapikit ako pero pakiramdam ko naikot ang buo kong katawan, I am marry go arounders. Unti-unti kong minulat ang isang mata ko at laking gulat ko na lang nang ang kaninang masukal na kagubatan ay napalitan ng isang bakanteng lote.

Pumipintog man ang sakit na nagmumula sa aking ulo ay pilit kong pinalibot ang tingin ko sa paligid. Nakaupo lang ako sa gitna ng kawalan, isang bakanteng lote na walang ibang makikita kung hindi puro kalat lang at bato. Sa pagkakatanda ko ay nilamon ako ng liwanag na nakita ko, ibig sabihin ba nito ay isang lagusan ang liwanag na 'yon? Pero anong lugar 'to?

Sa gitna ng pagtataka ko sa aking sarili ay nakarinig na lang ako ng boses.

"What. The. Hell."

Dali-dali akong napalingon dito at nang masilayan ko ang kanyang mukha ay nanglaki na lang ang mga mata ko't napaawang ang bibig ko sa gulat. Pareho kaming napako mula sa aming posisyon. Ang makapagsalita o umimik man lang ay hindi ko magawa sa sobrang pagkabigla. Ilang metro lang ang layo niya sa akin pero kitang-kita ko ang mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa aking sarili.

Bakit nakakakita ako ng ganito? Bakit may isang lalakeng kamukhang-kamukha ko ang nakatayo sa aking harapan? Hindi kaya... patay na ako? Hala! Ang dami ko pang pangarap! Hindi pa nga ako nakaka-gradually. Pero kung patay na nga ako, eh bakit madilim? Teka, baka impyerno 'to? Oy, ang bait ko kaya, bakit mapupunta ako doon? Asan ang katarungan?

Dahan-dahan akong lumapit sa lalakeng nakikita ko dahil na rin sa kuryosidad, unti-unti rin ay mas nasisilayan ko pa ang mukha niya. Hanggang sa naging ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa. Malinaw na malinaw, kamukhang-kamukha ko siya! Nanatili naman siyang parang istatwa sa harap ko at hindi makagalaw.

Kung titignan ay para akong nananalamin. Baka salamin nga ito? Eh, bakit naging pula ang mga mata ko? Nagka-soar highs ba ako dahil doon sa liwanag na nakita ko kanina? Kinapa't pinakiramdaman ko ang mga mata ko, ngunit ni anong pangangati o hapdi ay hindi ko naman naramdaman. Hindi kaya likha lang ito ng isang ilusyon? Baka sanhi lang ito ng mahika sa lugar na 'to?

Inangat ko ang aking kamay upang hawakan ang lalakeng nasa harapan ko. Para malinawan na rin ako kung totoo ba 'tong aparisyon na nakikita ko, ngunit napaungol na lang ako nang hinablot ng lalake ang kamay ko at pinilipit iyon papunta sa aking likuran. Sinubukan kong magpumiglas, ngunit sadya atang malakas ang lalakeng 'to na hindi ko magawang makawala.

"Who the f**k are you!? What the hell are you!?" sunod-sunod na tanong niya sa akin habang dumadaing pa rin ako sa kamay kong masakit na.

"I-isa ka bang ilusyon? Napakatinding ilusyon mo naman, nakakasakit ka na!" usisa ko sa kanya habang pilit kumakawala sa pagkakahawak niya sa akin.

"Illusion? Are you insane? I should be the one asking you that," sabi niya na aking ipinagtaka. Mukhang hindi nga ito isang ilusyon. Ramdam kong maging siya ay gulantang pa rin sa pagkikita namin. Kamukhang-kamukha ko talaga siya, kulay pula lang ang mga mata niya.

"E-eh kung bitawan mo kaya ako nang makasagot ako sa'yo nang maayos!" sarkastikong sagot ko rito. "Ang sakit na eh!"

Rinig kong tumawa siya nang marahan mula sa aking likod at mas pinadiin pa ang pagpilipit ng kamay ko dahilan para mapasigaw ako. "As if I care. Speak! Who are you?"

Talagang ginagalit ako ng lalakeng 'to. Isang ideya ang gumuhit sa aking isip at buong lakas akong sumirko pabaligtad. Sa ginawa kong iyon ay napabitiw siya sa aking braso habang nasa ere pa lang ako. Nang makayapak na ako sa lupa mula sa kanyang likuran ay agad akong humugot ng lakas sa aking hita at sumipa na nailagan niya naman sa paggulong niya papalayo.

IdenticalWo Geschichten leben. Entdecke jetzt