Chapter 15: Clarity [REVISED]

529 39 22
                                    

*3rd Person PoV

- Castrafort

Salubong ang kilay na pinagmasdan ng isang dalaga ang kabuuan ng sala nang wala ni isa siyang nadatnan dito. Naiilawan ng araw ang mapayapang sala sa tulong ng nakabukas na bintana. Muling nagtaka ang babae. Sa isip niya ay alam niyang iniwan niyang nakasarado ito bago niya napagdesisyonang matulog.

Tinungo nito ang sofa at doon niya lang napagtanto na maayos nang nakasalansan ang mga unan nito. Namataan niya rin ang maayos na nakatiklop na kumot sa ibabaw nito. Hindi naiwasang mapabungisngis ng babae matapos ang kanyang mga nakita.

I don't want to compare them, but he's a lot more organized than that jerk. Namutawi sa isip nito saka napailing.

Kinuha ng magkakasunod na katok mula sa pinto ang kanyang atensyon. Agad niya naman itong binuksan. Akmang magsasalita na siya nang mag-alangan siya kung sino nga ba ang kanyang kaharap ngayon lalo na't nagkamali na siya kagabi.

"Where is he?" Walang ganang tanong ng lalake at doo'y agad niyang nakuha ang sagot sa kanyang tanong. May kung anong kirot na naramdaman si JC nang tila hindi man lang naalala nito ang pagtatalo nila kagabi. Imbis na humingi ng pasensya o kumustahin man lang siya ay tanging ang bagay na sinadya lang nito ang tinanong nito.

"Don't know. Baka nandiyan lang siya sa tabi-tabi," pabalang na sagot naman ni JC na ikinairita ng lalake.

"What the hell, JC, I told you--"

"Kuya!" Nahinto ang pagbulyaw ni Caelum kay JC nang isang bata ang masaya't patakbong lumapit sa kanya. Sumilay ang inosente't malapad na ngiti ng batang lalake rito habang nakamuwestra ang kamao nito sa kanya. Nagtatakang tinitigan lang ni Caelum ang bata. "Nakalimutan mo na ba agad, kuya? Dali, 'yung batian natin!"

"Huy, juskong bata ka, ikaw talaga," suway ng isang ginang sa bata saka hinila ito palapit sa kanya. Nahihiyang ngiti ang ibinato ng ginang kay Caelum bago ito nagpaliwanag. "Pasensya ka na, hijo. Nakuwento nga pala ng batang ito sa akin ang nagawa mo kanina. Maraming salamat sa pagbantay sa kanya habang wala ako." Sabay na nagkatinginan si JC at Caelum sa kanilang nalaman na may parehong tanong sa kanilang isip. "Osiya mauna na kami ha. Maraming salamat ulit."

"Kuya sa susunod ulit ha, laro tayo!" Pahabol ng bata at iyon lang ay nagtungo na sila sa kanilang silid. Naiwang tulala't nagtataka si Caelum sa biglaang pasasalamat sa kanya ng mag-ina.

"That wasn't you, right?," imik ni JC na may nakataas pang kilay. Inuyaman lang ito ni Caelum.

Umalingawngaw sa pasilyo ang malalakas na kantiyawan nang magbukas ang kalapit na elevator. Laking gulat nila nang napalilibutan ng mga kabataan ang isang pamilyar na mukha na tila may munting selebrasyon. Bakas sa mukha ng mga kabataan ang paghanga't pagtingala sa lalakeng pamilyar sa kanila habang nagpapaalam ang mga ito sa kanya.

"Don't weary, ok? Let's repetition it in the morning like no other!" Masayang sabi ng lalake sa mga ito saka bumaling tungo sa magkatabing si Caelum at JC. "Uy, andyan ka na pala!" Bati ni Ean sa habang naglalakad sa kanila palapit. "Bumaba lang ako saglit. Ang tagal mo eh."

"Wait, did I just see you getting along with those... headaches?" Pagtataka ni JC habang sinusundan ng tingin ang grupo ng mga kabataan. "Sa tinagal-tagal kong nagpupunta dito, hindi ko pa sila nakikitang hindi napaaway. It's a good thing na mukhang napaamo mo sila.

"Ah, sila ba? Ayos naman sila ah. Ang saya nga eh naglaro kami nung ano... anomeny has is slain! Yu destroy a toret!" Masayang sabi ni Ean na ginagaya pa ang pananalita ng kanilang nilaro. Bahagyang natawa si JC dito habang unti-unti namang naiirita si Caelum.

IdenticalWhere stories live. Discover now