Chapter 2: Bruise Mercy [REVISED]

1.1K 55 248
                                    

A/N: Hahaha! Alaman na kung sino na naman ang gumawa nito, title pa lang. Ano kaya ang bruise mercy? xD Geh, Ean in the house ya'll!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Ean

-Lakserf

Masaya akong tumapak sa labas ng mataas na gusali ng Valin. Nilibot ko ang aking tingin sa buong lawak ng paligid kung saan tanaw na tanaw ko ang makukulay na bulaklak, berdeng damo, at higit sa lahat ay ang nakatayo sa gitna na isang foun- founta- fount- foundation? Ah, basta! 'Yung nagbubuga ng tubig. Ang laki kasi at ang ganda. Isa 'yan sa mga main attraction dito sa Valin. Ano kaya ibig sabihin ng main attraction na sinasabi ko?

Gaya ng nasabi ko ay nag-aaral ako sa akademiya ng Valin, ang akademiya kung saan ako nag-aaral at nag-eensayo upang maging isang ganap nang Senior. Nag-iisa lamag ito sa siyudad ng Orthil. Ito ang natatanging paaralan dito sa mundo ng Lakserf na nagkakaroon ng tiyansang maging Senior ang mga taong nais hasain ang kanilang taglay na mahika. Hindi biro ang pagiging Senior dahil tungkulin nila ang tumanggap ng mga iba't ibang klaseng misyon at inaalay nila ang kanilang kakayahan sa larangan ng mahika bilang serbisyo. Mayroong anim na klase rito sa Valin at isa na nga roon ay ang Magicus kung saan ako nabibilang. Bawat isa sa mga klase ay taglay ang isa sa mga pitong haligi ng mahika. Para sa mga Magicus na tulad ko ay hawak namin ang mahika ng elemental magic.

Nagpapasalamat talaga ako na araw-araw ay sinasalubong ako ng ganitong kagandang tanawin sa tuwing pauwi na ako sa Valin. Nakakamangha't napakaganda talagang pagmasdan ng paligid at hinding-hindi ako magsasawa rito. Dagdag mo pa ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil nga sa resulta ng examtion na natanggap ko kani-kanina lang. Muli kong sinulyapan ang hawak kong papel at agad umunat ang labi ko sa markang nakuha ko.

24 over 50. Why are you so greet, Ean? So closure to bruise mercy. Sabi ko sa aking sarili saka ako muling lumakad upang makauwi na. Tiyak matutuwa na naman sa akin si mama dito. Sasabihin niya na naman, "I'm so pride of you." Ang ibig sabihin nito ay ipagpiprito niya na naman ako ng paborito kong ulam.

"Ean!" Nasa kalagitnaan na ako ng daan tungo sa gaterings nang may tumawag sa akin. Laking pagtataka ko nang sa paglingon ko ay dalawang babae ang nakita ko. Ang isa sa kanila ay may kulay rosas na buhok at maamong mukha habang ang isa nama'y kulay ube ang buhok, ngunit hindi tulad ng kasama niya ay hindi nakalagpas ang pamumungay ng mga mata niya sa akin na tila nanghahamon. "Buti na lang naabutan ka namin."

"What's the mother, Yvaine? I'm this miss already, there's no more classer pour me," sabi ko habang nilalabanan ang titig ng kasama niya. Kung akala niya uurungan ko siya, pwes hindi.

"Jusmiyo wala na naman ako naintindihan!" Dinig kong daing ni Yvaine. "Violet ikaw nga ang--" putol niyang sabi saka nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Violet. "Sandali, jusko magsisimula na naman ba kayo? Utang na loob spare me the headache!"

"Ano 'yang hawak mong papel? Examinator ba natin 'yan?" seryoso tanong ni Violet na nakapameywang pa. Napauyam naman ako dahil may grammaritationizer na naman siya. Examinator daw, sino kaya ang papatayin.

Humalakhak ako ng nakakaloko at taas noong pinakita sa kanya ang scoring ko. "Wala ka, Violet! Muntik na akong makabruise mercy! 24 over 50 nakuha ko, eh ikaw? Malamang bagsak ka!"

"Hoy! Mas mataas kaya nakuha ko sa'yo!" pagmamayabang niya na nagpaalis ng ngiti ko. Ala! Mukhang matatalo ako nito, ah! "23 kaya nakuha ko kaya 'wag ka!"

"Huh!?" singit ni Yvaine sa usapan namin kaya napabaling ang atensyon namin sa kanya. "Mas mataas kaya ang 24 sa 23, Violet."

"Uy, hindi ah! Mas mataas kaya ang 23, 'di ba, Ean!?" paghingi niya ng tulong sa akin.

IdenticalWhere stories live. Discover now