Chapter 34: No turning point

421 4 0
                                    

Hindi na ako makaalis dahil nakatutok na ang baril banda sa ulo ko at kaharap ko lang si Gino, lumapit siya ng bahagya at hindi man lang ako gumalaw sa lugar ko.

"Ikaw lang ang hinahanap ko kung ano na lang yung pinaggagawa para paglaruan lang ako, siguro takot ka!" natawa na lang ako sa sinabi niya pero hindi ko na pinahaba ang tawa ko baka barilin niya pa ako.

"Gino, hindi ako takot sayo...kahit anong gawin mo? Please don't say na kailangan mo kong patayin then ikaw naman yung makukulong ulit..."

"Bwisit kang babae ka! Ang hilig mong guluhin kami ng asawa ko! Wala ka ng ginawa kundi mang-video pa ng iba!"

"At least minahal ko pa siya hindi tulad mo na niloko mo lang siya ulit! Meron akong pinatunayan sa kanya na hindi mo man lang ginawa!"

Isang hakbang ko lang sa kaliwang paa tinututok na ni Gino ang baril ng todo at iniiwasan kong matense dahil malapit na niyang i-pull ang trigger, kaya nanatili lang akong naging kalmado kahit hindi ko maiwasan maging tense.

"Oh please, sa tingin mo babalikan ka pa ni Mila, i rather said na mas magandang maghiwalay na kayo, kaysa nakikita kong nasasaktan si Mila, siya mahal na mahal ko! Kaya ko siyang pakasalan at panindigan!"

"Anong alam mo sa pagmamahal?! Ikaw na tong pumahamak sa kanya tapos hindi ko maiintindihan na siya din ang magkakagusto ng dahil sayo!"

"Well, ano rin mapapala mo kung babarilin mo ko?! Sa tingin mo babalikan ka ni Mila! I think hindi ka na niya babalikan kaya pagsisisihan mo yan kung nakonsensiya ka talaga!"

"Ang tanga-tanga mo, gag* ka!"

"Ikaw naman ang mas tanga, hindi mo alam na may camera dito sa labas ng mansion kaya nakikita ka exactly na nagwawala ka dito sa labas at may dala pang baril!"

Tumingin siya sa paligid para hanapin kung saan may camera kahit in a real sense wala naman.

"Sige lang Gino, patayin mo ko mismo sa harap mo! Para talaga lang na mabulok ka sa kulungan at titiisin mo yung mga ibang criminal na parang sampung katao doon, na papatayin ka lang sa init ng dahil sa sobrang siksikan sa loob, therefore hindi mo na malalapitan si Mila!"

"Tumigil ka!" tinutukan niya ako ng baril habang mukhang natataranta siya ng dahil lang akala niyang may camerang nakatago dito.

Lumapit ako sa kanya kaya nahulog siya at napabagsak niya ang hawak niyang baril, sinakal niya ako ng pagkahigpit-higpit dahil sa pwersa ng sakal niya, hindi na ako masyadong makahinga. Pero tinusok ko ang mata niya gamit ang kuko ko sa kamay ng ilang beses kaya nakahinga ako ng maluwag nung tinigil na niya ang pagsasakal sa'kin, gumapang ako para maabot ang baril pero mabilis niya itong kinuha at tinutok sa'kin habang dahan-dahan akong tumayo.

"Please....ano ba!" mas lalo lang akong nairita nung wala akong magawa.

Napapikit ako dahil eto na talaga yung huling araw na kinakatakot ko, pero may narinig akong boses, medyo naging familiar ang boses.

"Gino!" minulat ko ang mga mata kong, makita si Mila na nasa harapan lang namin.

"Mila, wag ka dito magkikialam!" sabi ni Gino kahit patuloy parin niyang tinututok ang baril sa'kin.

"Ano ba, hindi mo pwedeng patayin ng ganyan si Romina! Diba tinulungan ka na niyang palayain sa kulungan tapos eto lang yung gagawin mo!"

"Kasalanan ng babaeng yan kung bakit tayo ngayon nagkakaganito!"

Oh really, ang aga-aga ako nanaman yung sisisihin, bakit hindi niya rin sisihin sarili niya? Sa kanya pwede siyang makipaglandian, wow.

"Walang kinalaman dito si Romina!"

The teacher and the studentWhere stories live. Discover now