Chapter 24: We're bond

350 3 0
                                    

Dumating si Peter para puntahan si Myrna, napansin niyang parang inis na ito at halatang pinipigilan ang galit.

"Sino bang kaaway mo?" pabulong na tinanong niya kay Myrna.

"Sino pa ba edi si Mila, kung umasta yung babaeng yan akala mo kung sino siya."

"Kung pag-aawayan niyo lang yung tungkol sa asawa niya, ikaw dapat yung mag-ingat Myrna."

"Ikaw nga kung hindi mo lang iniingatan din yung mga kilos mo kay Romina, ako pa kaya ang sabihan mo ng ganyan hangga't sa mabisto ka ni Lea kaya hayan...balak ka na niyang hiwalayan tapos ngayon annulled na kayong dalawa."

Napabuntong-hininga siya nung pag-usapan nila iyon "Pwede bang pag-usapan na lang natin yung sayo, Myrna...kasi delikado yung ginagawa mong ganyan. Paano kung malaman ni Mila yung pinaggagawa mo ha?"

"Anong pakialam mo kung malalaman niya? Ayaw mo kong tulungan kahapon kaya mas magandang sabihin ko na yung mga dapat sabihin para magduda si Gino."

"Ayokong makisali diyan dahil baka lumaki pa ang mga issue na pwedeng mangyari, malay mo pwede niya ring isumbong ka sa principal o mas malala, gusto mong magdemanda siya sayo sa DepEd."

"Hinding-hindi ako takot kay Mila at wala naman siyang marereklamo sa'kin dahil may position ako dito, siya ang kaya kong idemanda dahil ako ang coordinator. Akala niya na matapang siya sa una pero sinasabi ko sayo na kaya kong sirain ang buhay niya."

"Ang sinasabi ko lang sana mag-ingat ka sa mga kinikilos mo baka malaman niya agad yung mga pinaggagawa mo."

"Gumaganyan ka lang kasi ng dahil kay Romina, bakit ba kasi kinakatakutan mo pa yung babaeng yan?"

"Iba yan kumilos, Myrna."

"Hayaan mo ako na lang yung gagawa ng paraan na yan, pwede naman na hindi mo na ko tulungan."

Iniwan na siya ni Peter sa faculty pero binuksan niya ang kanyang account sa Messenger sa cellphone niya para kausapin si Gino.

Pwede ba tayong magkita, mamaya?

Gino| Sige ba, pwede.

~~~~~~~~

~~

Sinira talaga ni Myrna ang araw ko, parang kailangan niya pang i-mukha sa asawa ko na parang ako yung may ginagawang masama, hindi nga niya alam kung anong trip noon ni Romina sa'kin bukod sa ginawa niya sa'kin sa banyo. Mas lalo akong nagtaka kung bakit niya kailangang makialam sa mga ganyang bagay.

Sinabi pa lang ni Gino na tinanong niya kay Myrna, parang ibig sabihin non ay palaging magkasama sila kapag gabi? Ano bang pinag-iisip ko? Sana magkaibigan lang talaga sila kasi ang kutob ko ay parang iba. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na alamin kung anong meron sa kanila kaya pinuntahan ko si Dina sa labas ng faculty.

"Dina, pwede mo ba ako gawan ng favor?" tanong ko sa kanya, buti na lang tumango siya agad at naging masaya ako dahil importante ito.

"Kahit ano...pero para saan ba ito?"

"Tungkol kay Myrna, hindi ko alam kasi kung meron ba siyang hindi sinasabi sa'kin pero ayoko kasi siyang kausapin kasi hindi ko gusto yung ugali niya kanina."

"Meron ba siyang ginawa sayong mali?"

"Wala naman pero gusto ko sanang tulungan mo ko kasi parang iba talaga yung kutob ko kay Myrna, kasi muntik ko na siyang awayin kanina. Gusto kong malaman kung meron ba silang ginagawa ni Gino ng hindi ko alam."

Nagulat na lang ito at masyadong hindi makapaniwala sa sinabi ko, nanlaki masyado ang mga mata niya sa gulat, hindi parin makapaniwala.

"Hala...parang alam ko na kung saan ito mapupunta, baka meron silang ginagawang kababalaghan no! Baka meron na silang something."

The teacher and the studentWhere stories live. Discover now