Chapter 30: Many reasons why

291 7 0
                                    

Mila's POV:

Masakit lang sa'kin na parang iniiwasan ko ang nararamdaman ko kay Romina, pero mas masakit din kung nakikita ko siyang nasasaktan, hindi ko alam kung sino pa ba ang pipiliin ko sa kanilang dalawa, ngayon napansin kong dahil sa isang affair, magkakaganito pa ang mga pangyayari.

Pumasok ako sa loob ng guesthouse para doon na muna magpahinga, dahil wala akong choice kundi mag-stay sa mansion, kaya pumunta ako sa isang kwarto, nakita kong hindi pa masyadong maayos ang kwarto, alam kong minsan dito rin sa spot na to natutulog si Romina.

Nakita ko nakakalat ang iba niyang gamit tulad ng mga sketch niya, nakita kong napakaganda talaga ng mga drawing niya, nakita kong meron sketch ng papa niya, meron din kay Mitch, meron din ako, meron pa ngang isang maliit na description na nakasulat sa sketch.

My life becomes useful, thanks to you...

Sumilip ako sa ilalim ng kama, nakita ko don nakakalat lang ang mga papel na drawing niya pero nakita ko may isang voice recorder na nandoon, hindi ko na lang pinakialam pero humiga ako sa kama, kahit hindi ako sanay, dahil nasa iba akong bahay...kaya alam kong hindi ako agad makakatulog.

Tinignan ko muna yung phone ko pero merong nag-text sa'kin galing kay Romina.

Romina| 11:34 pm

Ma'am, I know hindi ka diyan makatulog pero hindi na kita inistorbo, pero please let me do something para mag-cheer up ka.

Hayst...paano ako mag checheer-up kung sobra lang akong masasaktan, sa totoosin mahal ko parin si Gino pero nandoon parin yung lungkot ko, hindi ko alam kung paano na maging masaya.

Panibagong text nanaman.

Romina| 11:35 pm

Seriously, ayokong mawala ka na sa'kin, pero hindi ko rin kayang pigilin ang sarili ko...mas magandang napapasaya kita, dahil ako lang ang marunong gumawa non.

|Please mag-text ka na please, gusto ko na sanang pumasok ka ng school...kailangan ka din nila.

Parang nagsisimula nanaman siya sa pagkukulit niya, parang hindi na niya ako matiis na hindi niya ako makausap.

Me|11: 40

Matutulog na ko, wag ng makulit.

Sinubukan ko ng matulog pero hindi parin ako makatulog ng mga ilang minuto, sinubukan kong makatulog kaya hindi ko namalayan na parang ang bilis mag-umaga kaya bumangon ako sa higaan ko at saktong tumayo ako dumating naman si Mitch.

"Buti na lang Ma'am nagising na kayo..." nakita kong nakasuot si Mitch ng uniform ng isang ladyguard, nakakapagtaka lang kung bakit.

"Mitch, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Hinihintay ko kayong magising pero buti saktong nagising kayo, may naghihintay kasi sayo sa labas, nandito lang ako para magbantay sa inyo..."

"Ah...ganon ba?"

Lumabas na ako ng kwarto pero nakakagulat na lang dahil nakita kong nakapormal ang suot ni Romina, parang nakatack-in yung long sleeve at nakasuot ng vest pati blue na ribbon. Narinig ko din ang napakagandang music instrument na may nagpapatugtog sa labas, feeling ko parang naging sobrang special ngayong araw na ito.

"Romina, ano nanaman bang trip mo?" tanong ko pero mukhang sobrang tuwa niya.

"Well Ma'am matagal na kitang hinihintay na gumising, ikaw kasi nasarapan ka sa pagtulog, buti na lang...buti na lang kasi hindi ako nag-alala sayo."

"Tsaka bakit ganyan ang suot mo..."

Lumapit siya para isayaw ako pero nakisayaw naman ako, hindi ko malaman ang dahilan kung bakit.

The teacher and the studentWhere stories live. Discover now