Chapter 15: Something to remember

364 6 0
                                    

Mila's POV:

Nung gumising ako nung mga umaga na, napansin kong nakatulog na pala ako sa sofa at naalalang hindi pala si Gino dumating, hinintay ko siya kagabi magdamag kaya nakatulog ako mag-isa sa sofa at nakita ko na ngayon lang siya dumating, hindi ako mapalagay kung bakit hindi man lang siya nag-text o tumawag man lang.

"San ka ba galing? Hinintay lang kitang magdamag dito, hindi mo ba alam?" iritadong tanong ko, dahil naalala ko parang naghintay lang ako sa wala, parating ganito.

"Eh kasi meron na kong work babe, sorry hindi ko sayo sinabi na meron pala akong trabaho ngayon, tsaka rumaraket din ako sa mga trabaho na pwede kong pagtrabauhan."

"Eh...hindi mo na kailangang pagurin yung sarili mo, nagtutulungan lang tayo dito..."

"Alam ko naman yun eh sabagay dapat talaga ganon lang yung gawin natin, sa ngayon nakakuha na talaga ako ng trabaho, nagtatrabaho na ko sa isang kumpanya...sa isang banko."

"Wow, totoo kaya yan..."

Napansin kong parang mas lalong naging malambing si Gino sa'kin at biglang inakap niya ako ng pagkahigpit-higpit at hinalik ako sa mukha.

"Parang...ang bilis mong magbago, Gino." Pagtataka ko, kasi dapat sa ngayon maabutan ko siyang lasing pero nakakapagtaka lang ngayon makita ko siyang ganyan.

"Ano kasi...naisip ko siguro na kailangan ko lang umiwas sa pag-iinom, baka ako pa ang magkasakit niyan tsaka dapat kumikilos din ako at hindi lang ikaw yung kumikilos, dapat nagtutulungan tayo."

"Oo nga tama ka...gusto mo na bang kumain?"

Tumango siya at pumunta na kami sa kusina para ako na ang magluluto ng almusal nung para sa'min.

~~~~~

~~

Maaga pa lang, hinanda na ng katulong ang kakainin ng pamilyang Miller, dumating si Elisa para makikain at para din makausap niya ang kanyang ate, kaya umupo siya sa harapan ni Eden.

"Ate, meron ka dapat malaman!" sinabi niya ng tapatan kay Eden at meron siyang kinalkal sa bulsa niya kaya nilagay niya ito sa mesa.

"Ano yan?" tanong ni Eden at nakatingin sa kwintas na nakalagay sa harap niya.

"Yan yung kwintas na binigay ko nung pinanganak mo yung una mong anak na binenta sa kapitbahay natin."

"Kailangan mo pang bigyan ng kwintas yung batang bunga naman ng kasalanan?! Hindi ako makapaniwalang yan pa talaga yung concern mo kaysa kay Mia!"

"Ate, nakita ko tong kwintas kay Romina!"

Naubos na niya ang kalahati ng iniinom niyang juice ng marinig niya ito. "Elisa, anong gusto mong patunayan sa'kin na anak ko si Romina, pagdududa mo lang yan...at wala akong balak hanapin yung batang yon, at least dito naging tahimik yung buhay ko kasama sina Edgar at ang buong pamilya ko!"

"Ate naman, pati kagabi pinalayas mo pa yung Mama natin ng ganon-ganon na lang!"

Hinampas niya ang kanyang kamay sa mesa at napatayo sa harapan ni Elisa.

"Akala mo ba madali kong makakalimutan ang isang malaking bangungot nung dinala ko simula ng pagkabata ko! Wag mo akong diktahan na parang ako yung sobrang sama sayo, tandaan mo kung hindi ko binenta yung bata edi hindi rin ako nakapag-abroad at hindi rin kita napag-aral sa Romania!"

Nagsitinginan lang silang dalawa kaya hindi pa makapagsalita si Elisa at hinayaan na ikalma niya ang sarili niya imbes na awayin niya pa ito.

"Ate, hindi naman sa kailangan kitang diktahan na mali ka...pero sa haba ng panahon pwede natin sigurong patawarin ang nanay natin, hindi siya perpektong tao...yun lang ang masasabi ko kaya alam kong hindi siya naging mabuting ina sa'tin."

The teacher and the studentWhere stories live. Discover now