Chapter 7: Plans

503 9 0
                                    

"What are you doing, Ma'am Mila?" Tanong niya habang agad akong kinabahan sa kanyang titig sa'kin pero agad kong sinusubukan na kumalma. "So?"

"Romina, I looked everywhere sa notebook mo pero ba't parang wala akong nakikita na meron kang sinusulat sa kahit ano, tapos ako pa ang sisisihin mo na di ako nagtuturo niyan ng maayos." Tinuloy niya lang tumitig kaya parang mas lalo akong kinaba hangga't sa tumawa siya ng malakas, akala ko tuloy napano. Hayst...

"I told you Ma'am, kayo naman di uso yung kapkapan sa notebook everywhere...tsaka di ako magsusulat ng sandamakmak na dami ng lecture sa every lesson, di na ko grade 1 para isulat lahat ng buong lectures..."

"Oo nga di ka na grade 1 at di mo na kailangan pang isulat ang buong lecture but it doesn't mean kailangan mong tamaran yung sarili mo na magsulat, kahit isulat mo lang sa important details na para madali mong maintindihan, naiintindihan kita...alam mo dumaan din ako diyan sa pagiging student...yun nga lang first year hangga't fourth year puro sulat."

She cursed out a little. "Hay nako mabuti ka pa Ma'am, first year hanggang fourth year, jusko po parang 4 years lang tapos...tapos ka na, then papapunta ka na agad college...than this damn k-12, ang daming lesson na umiikot lang sa buong grade 7-10...tapos parang ganon din niyan sa grade 11, duh! Ang tagal bago makapag-graduate eh!"

"Pero maswerte ka non, kasi k-12 yung naabutan mo ngayon diba, kasi mas marami ka pang matututunan pagkatapos non edi pwede mo rin magamit yung skills mo sa TLE na soon as chef, kasi ang swerte mo na meron kayong job training kapag grade 12 ka na eh."

"Wala di ko talaga ma-imagine kung swerte talaga, mas lalo lang naghihirap ang mga tao..."

Natawa ako ng bahagya sa kanya. "Romina, ang nagpapahirap sa'tin is about doon sa job age requirement na yan, dahil 18 pa lang kasi ang pwedeng magtrabaho at di pwedeng 17 pababa. Kaya nga ang daming mga kabataan na gumagawa ng krimen dahil sa walang trabaho at kahirapan na rin..."

"Naks ang dami mong chika Ma'am, pero true...dapat kasing allowed na ang 17 and up years of age na magtrabaho, total mga 17 years old...ay nagsisimula na silang mag-mature eh. Yung iba nga naiisip na nga ang kasal at the age of 17 like WTF, kaya nga I agree on you..."

"Mabuti kung ganon...kasi sa mga ganyang usapan nagkakaintindihan tayo, pero simulan na natin yung lesson tungkol sa health, alam mo ba yung topic tungkol sa lesson na diniscuss ni Peter?"

"Yung bang tungkol sa Hospital health facilities na yan, medyo boring yung topic na yan."

"Sige, kaya ko yan i-discuss sayo, yung different kinds tayo mag-simula, ok?"

Sinumulan kong ituro sa kanya habang sinusubukan niyang makinig kahit wala siyang maisulat sa notebook niya at parang sinusubukan niyang intindihin ang mga sinasabi ko.

"Ano na, naiintindihan mo ba lahat ng sinabi ko?" sa tinanong ko napakamot lang siya sa ulo at sinubukang inintindi pero parang wala man lang pumasok sa utak niya.

"I don't know Ma'am, parang wala ata akong naiintindihan..."

"Okay lang yan, pwede ko namang ulitin at isulat mo na kasi yung dapat mong tandaan para pag-umuwi na ko, edi meron kang natatandaan niyan kapag sinulat mo na yung mga dinuscuss ko sayo...tapos pwede mo pang basahin sa notebook mo kung di mo natatandaan."

"Ugh...ano ba yan..."

Kinuha niya ang kanyang notebook at ballpen para isulat ang mga sinasabi kong kailangan niyang isulat yung importanteng details na dapat niyang tandaan. Tinuro ko sa kanya ang kanina kong tinuro hanggang sa diniscuss ko sa kanya ang Health insurance, hanggang don lang kami dahil parang inaantok na siyang pakinggan ang mga pinagsasabi ko, lumipas pa lang ang 30 minutes.

The teacher and the studentWhere stories live. Discover now