PUBLISHED NA HOORAY *pasabog confetti* + preview

Începe de la început
                                    

“Oh sorry. I thought you world buy it.” Ngumiti si Scarlette and chuckled. Mas lalong naguluhan ang babae. “Ah… I forgot. You wouldn’t buy it. After all, you’re cheap.” Napatigil si Scarlette sa kakatawa at pinalit ang isang siryoso at sarkastikong mukha. Pero siyempre, ubod pa rin ng ganda. Inirapan niya ang babae.

“Hi, Miss Scarlette!” biglang may boses na lumitaw sa likod niya. Napaharap naman si Scarlette sa direksyon kung sa’n nanggaling ang boses.

“Puwedeng makipag-friends?” tanong babaeng bumati sa kaniya. Sa isip lamang ni Scarlette, naiinis na siya dahil alam niyang gusto lamang ng dalawa na makipagkaibigan sa kaniya dahil bukod sa sikat at mayaman ito, makakatulong din ito sa rank nila sa school. Pathetic.

“Puwedeng umalis ka na?” she said, mocking the tone of the girl. Ngumiti pa siya sa dulo para mas may effect.

“Nakikipagfriends lang naman kami,” dagdag pa ng kasama ng unang nagsalita.

“Sorry, I do have respect for lower life forms but I do not plan on making friends with them,” Scarlette said. Napa-‘o’ naman ang bibig ng babae.

“Wow, Miss Scarlette. Grabe naman ‘yang ugali mo. Tama pala ‘yong naririnig naming maldita ka,” sabi pa ng isang babae. See? Tama si Scarlette. Wala pang limang minuto, lumabas na ang baho ng dalawang babae.

“Kung kanino niyo man ‘yon naririnig,” sabi niya. Humakbang siya ng isa kaya naman napa-atras ang dalawang babae. Nakakaakit na rin sila ng atensyon mula sa mga tao dahil nga nasa harapan si Scarlette.  “Tama ang sinasabi nila.” She smiled sardonically.

“A-alam mo, para kang saranggola! Ang taas ng pangarap mo! Pero nadala ka lang naman ng hangin – which is your parents!” pagbabanta pa ng babae.

Bull’s eye.

“Don’t you dare include my parents in this issue, miss.” She darted her fingers in the chest of the girl. “At oo, kayo rin, parang saranggola. Maganda kapag malayo.” NIlayo niya ang katawan niya sa dalawang babae dahil masyado na siyang na-expose sa mga hampaslupa.

“On the second thought, hindi naman talaga kayo maganda,” she said, leaving the two girls. Padabog na umalis si Scarlette Harper sa auditorium. Umagang umaga, inis na siya kaya naman dumerecho na siya sa office.  Screw the morning assembly. Nakaka-badtrip ang mga tao! Tinandaan niya ang muka ng babae na kumausap sa kaniya. Mali ang kinalaban nila.

Dahil si Scarlette Mekayla Harper ang Pambara Queen.  And if you’re thinking that this is a good girl turned bad girl story, nagkakamali kayo. Hindi siya naging maldita dahil may nanakit sa kaniya. She didn’t choose to be maldita, the malditaness chose her. She was a certified queen when she was born. Pinanganak siya para maging maganda, hindi katulad ng iba, na pinanganak lang para maging 7 Billion ang tao sa mundo.

Kaya kung iteresado kang mabasa ang storya niya, alamin muna natin kung sa’n tungkol ang storyang ito. Tatlong ‘K’ lang naman ang topic sa kuwentong ‘to.

Ang unang K, Kagandahan. Dahil si Scarlette Mekayla Harper ay maganda. At kung ikaw ay hindi maganda, isa lang ang masasabi niya. “Teh, bigti na.”

Ang pangalawang K, Kamalditahan. Dahil si Scarlette Mekayla Harper ay walang kinatatakutan, walang pinapanigan at walang pinoprotektahan, purong kamalditahan lamang.

At ang pangtlong K… Ang totoo, wala na. Kaya kagandahan na lang ulit ang last na K na dapat tandaan. Dahil sapat na ang Kagandahan at Kamalditahan niya para maging bongga ang kuwento. Walang aangal kung ayaw mabato ng gold bars.

Dapat mo ring malaman na ang storyang ‘to ay para lamang sa magaganda, nagmamagandang hampaslupa, mapambara, maldita, mga gustong lumaban sa mga buwisit sa lipunan at sawa na sa kawalan ng wi-fi sa lahat ng parte ng Pilipinas. Kaya kung ikaw ay hindi isa sa mga nabanggit, maari ka ng umalis at kumain ng bubog ng paulit ulit hanggang masugatan ang iyong atay. Maraming salamat.

Ayaw niya sa tanga, hindi siya tanga at kahit kailan, hindi siya magiging isa. Lalong lalo na sa pag-ibig. She refers to that as hampaslupa senses. Pawang hampaslupa lamang ang nakakaranas niyon. Let’s face it. Our world is a vortex filled with idealism and shit. Everyone’s dreaming of their Cinderella fantasy and they just fell in love with idea of their “one true love.” But Scarlette don’t even believe in those crap. Because truth be told, girls are sobbing because they just can’t get the man they want and that is because they’re after someone who’s like Scarlette Mekayla Harper.

Ano nga ba ang ichura ni Scarlette Mekayla Harper? One word. Goddess.

Despite her beauty, she doesn’t prejudge people. Besides, blond, brunette, Asian, American, tall, fat, ugly, beautiful… she hates people pretty equally no matter who you are and what you are. So don’t flatter too much when you don’t look like the girl beside you because Scarlette hates you, no matter what.

At welcome sa kaniyang storya na hitik sa kagandahan, pero hindi naman fantasy ang genre kahit mas maganda pa sa DIYOSA ang bida.

--

BILI NA!!! Book cover sa side. Gawa ni Bianca na kaklase ko *0*

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum