PAMBARA 26- Blessings

88.7K 1.1K 137
                                    

--

Biglang nagising sa pagkakaiglip niya si Scarlette. Nagising siya sa bangungot niya last two years. Sana nga panaginip na lang yun. Napabuntong hininga siya. Totoong nangyare yun.

“Okay ka lang Lette Lette?” tanong sakanya ng katabi niya na si Drew. Binatukan naman ni Scarlette si Drew. Azar na azar siya tuwing tinatawag siyang lette lette ni Drew.

“Asan si Ice at si Hans?” tanong ni Scarlette habang nagkukusot ng mata. Nasisilaw siya sa ilaw. Hindi niya maaninag masyado ang mga nasa paligid nya.

“Eto o. Kalong kalong ko. Wag mong kusitin yang mata mo, magkakaimpeksyon” sagot ni Drew.

Binelatan ni Scarlette si Drew. “Akin na nga si Ice,” sabi niya at kinuha ang bata na kalong kalong ni Drew. Naiwan naman si Hans kay Drew.

Umiyak naman si Baby Ice. “HAHAHA!” tawa ng tawa si Drew habang tinitignan ang inis na ekspresyon ni Scarlette.

“Ano nanaman?”

 

“Pati anak mo, takot sa’yo.” Pang-iinis ni Drew kay Scarlette.

Inirapan na lamang ni Scarlette si Drew. Bwiset. Bakit kay Drew niya pinaglihi ang kambal? Tsk.

“Akin na nga yang baby,” kinuha na ni Drew si Ice at pagkakuha ni Drew sa bata ay tumigil ito sa kakaiyak. Mas lalong kumunot ang muka ni Scarlette.  Dalawa ang kalong na bata ngayon ni Drew. SI Iyesel at si Hansel. LOL

Tama,mga anak niya sina Ice at Hans. Iyesel Michael Harper. Ang kay cute na baby boy ni Scarlette Harper. Isang taong gulang na si Ice. Si Hansel naman ang cute na baby boy din ni Scarlette. Iyo Hansel Harper.

Sino ang ama?

Sino pa ba? Edi si Yohanne.

Naiinis si Scarlette noong naalala niya na ginawa na pala nila yung ano.  Yung feeling na niloko ka na, may bonus ka pa! BUY ONE TAKE ONE PA! Gahd. Pero ayos lang, siguro ang kambal na ang pinakamabuting nadulot ng mokong na yun kay Scarlette. Tsk. Nakuha pa ang chromosomes ng lahi ni Yohanne na kambal.

Pagkaalis na pagkaalis ng Pilipinas ni Scarlette kasama si Drew papunta sa Australia, nalaman na lamang niya na isang lingo nap ala siyang buntis. Nung una, hindi pa siya naniwala kay Drew noong sinabi na buntis siya. Ganito pa nga ang pagtatalo nila:

“BUNTIS KA NGA!” sigaw ni Drew kay Scarlette.

Nanlaki naman ang mata ni Scarlette. “Hindi!”

 

“Eh bakit ka nasusuka?!” pagtatanong ni Drew.

“BAKIT? Hindi ba pwedeng talagang nakakasuka yang muka mo kaya ganun?”

 

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon