PAMBARA 28: Summer

87K 1K 185
                                    

PAMBARA 28

This happened a year ago... Habang wala pa si Scarlette. Ito ang kalagayan ni Yohanne:

[A year ago... Yohanne’s POV]

“Anong ibig mong sabihin na malulugi na ang resort?!” galit na tanong ko sa accountant ko. Amp. Nagkaleche leche na buhay ko.

“Lugi. DUH. Tanga ka ba. Ibig sabihin nun, mamatay na yang resort mo. Kulang sa pondo. DUH,” sagot ng maarte kong accountant. Buti na lang gentleman at pogi ako... matagal ko na siguro tong nasapak.

Napabuntong hininga na lang ako at tiignan ang bracelet na nasa kamay ko. Ito yung binigay k okay Scarlette. Namimiss ko na siya... Galit na galit siya sakin....

 

[flashback]

Tangina Yohanne kailangan mong maabutan si Scarlette!

Tumakbo ako ng mabilis na mabilis papunta sa airport. Aalis na si Scarlette kasama yung asungot na Drew papuntang Australia. Tangina. Sa tingin pa lang sa mata nung Drew halatang hindi ko mapagkakatiwalaan!

“Miss nakita mo ba siya?” tanong ko sa isang employee ng airport. Umiling lang siya habang nakatingin sa picture ni Scarlette. Yung nakahug siyasakin. AH BASTA! Hindi ito ang tamang panahon para magreminsce.

“Flight number 24312189 going Australia; please board into the airplane now.”

 

Shit. Kailangan kong bilisan. Kailangan ko siyang mapaliwanagan. Hindi ako ang may pakana nito. Ang kapatid ko!

Tumakbo at naghanap ako ng tuluyan.

“SCARLETTE!”sigaw ko. Baka sakaling marinig niya ako.

Sa di kalayuan, nakita ko yung Drew Gamboa kasama yung babae na nakatalikod. Alam kong si Scarlette yun. Perot tangina nakaheadset.

“SCARLETTE!” sigaw ko ulit habang kumakaway. Kaso inakbayan siya nung Drew. Alam kong naririnig ako nung Drew. Ayaw niya lang kami magkita ni Scarlette. Pakyu Drew.

“SCARLETTE MEKAYLA HARPER!” nakakakuha na ako ng atensyon sa pagsigaw ko ng pangalan ng mahal ko. Tangina pakialam ko. Kailangan marinig niya ako.

Pinilit kong pumunta kung nasan siya. Kaso sa sobrang dami ng tao, naagos lang ako ng mas malayo. Palayo ng palayo sakanya. Iyak ako ng iyak noon.

“S-Scarlette...” muli kong pagtawag kaso hindi ko na kaya... bumulong na lang ako. Sana narinig niya ako...

Hanggang sa kinatatakutan kong wala na siya sa paningin ko... Andun lang ako, naka-po sa airport. Umiiyak... Hinihintay na balikan niya ako.

Segundo... Minuto... Oras... Wala... Hindi siya bumalik... Tinignan kong muli yung picture naming. Hindi ako susuko.

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now