PAMBARA 31.2: Broken

80.7K 1K 253
                                    

NAKAUPO si Scarlette at si Priscilla sa sofa ng mansion ng mga Harper. Inis ang itsura ng muka ni Scarlette habang kakaiyak lamang ni Priscilla.

Tahimik. Nakakabingi. Yan ang kapaligiran nila. Hindi nila alam kung sino ang unang magsasalita.

“Sorry.”

 

“Apology not—and never accepted. Go away.” Walang ganang sabi ni Scarlette. Bigla nanaman umiral ang batong puso niya. Pakialam niyo ba, kung hindi pa naman ngayon ang panahon.

“P-pakinggan mo muna ako,” pagmamakaawa ni Priscilla at hinawakan ang kamay ni Scarlette. “Duh, I have an ear naman. Duh,” sarcastic niyang sagot at inirapan niya uli ito.

“Si Yohanna...”

 

 

--

 

 

Sa kabilang dako, magkasama si Summer at si Yohanne sa resort nila. May biglaang meeting kasi. May sasabihin daw ang maarteng accountant niya na si Gina.

“Ano ba ’yun Gina?” inis na bati ni Summer. Naudlot kasi ang date nila kaya badtrip siya. “OMG Ma’am Summer... may mas malaki na ang stocks kesa sainyo~” maarteng sabi ni Gina at may pakaway kaway pa ng kamay. Maarte nga kasi.

“Sino naman iyon?” tanong ni Yohanne na nagtataka. Sino ba namang matinong tao ang bibili sa stocks ng isang ‘kakasalba’ pa lamang na resort?

 

“Someone named Mekayla Harper.”

 

 

--

 

 

 

“Anong meron kay Yohanna?” kung kanina ay walang pakiaalam si Scarlette, ngayon, halos ilabas na ng dibdib niya ang puso niya. Hindi kaya... si Yohanna nga ang may pakana?

 

 

“Siya ang nag-utos sa’kin...”

 

 

Natahimik si Scarlette. “Do you expect me to believe you? Liar,” sabi ni Scarlette. Kung alam niya lang. Pero kahit naman na malaman niya, wala na siyang magagawa dahil wala na siya.

“P-please...”

 

 

“Shut up. I don’t want to hear anything from you, fraud,” Scarlette said then stood up. Ayaw niya na. Hindi niya na gusto pang marinig ang sasabihin ng “cheater” niyang kaibigan.

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now