PAMBARA 25: Last Chapter

96.1K 1K 93
                                    

PAMBARA 25: Happy? Birthday

Nakatingin si Scarlette sa bracelet na bigay sakanya ni Yohanne. Ay kinikilig ang bruha! Ang ichura ng bracelet ay isang susi tapos ang kapares na nasa kay Yohanne naman ay isang lock. Ingatan niya nga daw yun, sabi ni Yohanne dahil yun ang susi ng puso niya! Taray! Pakamatay na kayo! Cheesy nyo!

Nakangiti na parang aso (Bawal umangal, last chapter na) si Scarlette ng biglang dumating si Iya. Nasa cloud nine parin si Scarlette e. Gamit ang kamay ni Iya, winawagayway niya ito sa muka ni Scarlette pero bumuntong hininga lang si Scarlette habang nakangiti parin. “Ano bang problema nyo?” yan na lamang ang tanong ni Iya at umalis na siya sa harap ni Scarlette.

Nahiya pa nga noong una si Scarlette na tanggapin ang regalo ni Yohanne. EHH! Birthday kaya ni Yohanne tapos siya reregaluhan! Pero hayaan niyo na, siya mahaba ang hair e. Pagbigyan! Minsan lang (kahit palagi naman talaga) lumandi ang bida ng storya! Matatapos na rin naman e! PAGBIGYAN!

Samantala...

“Yohanna. Stop this foolishness,” biglang sigaw ni Yohanne sa kapatid niya dahil nakatutok ang kutsilyo sa leeg ni Priscilla.

Ngumisi si Yohanna at binitawan si Priscilla at sinabing, “We’re just talking. Ang sweet nga e. Tsaka tinatry ko lang kung matulis ba talaga ‘to,” sabi ni Yohanna at pinakita pa ang kutsilyo na hawak niya. Baliw talaga. Major major. Kaya kayo readers, wag kayong hihithit ng droga. Baka magaya kayo kay Yohanna.

Napa-iling na lang si Yohanne at tumaas na ulit siya sa kwarto niya. When he left, the smile plastered on that bitch’s faces (oo, kasi two faced bitch) were gone. Hinarap niya si Priscilla at hinawakan ang buhok na maiksi nito at hinitak palapit sa muka niya.

“Now, as I was saying, gagawin mo ba ang plano ko o papatayin ko si Drew at si Scarlette?” pagbabanta ni Yohanna. Kahit hindi pa alam ang plano, (pero siguradong masama iyun) ay tumango na lamang si Priscilla.

Samantala...

Nakatunganga parin sa kawalan si Scarlette ng biglang nagring ang cellphone niya. Sa gulat niya ay bahgya siyang napatalon. Hinawakan niya ang dibdib niya sa gulat. Hindi yung ano! Yung sa may puso! Nako! Daming alam. Tsk tsk.

Anyways, tumatawag si Yohanne kay Scarlette. Hu! Kinikilig nanaman ang Pambara Queen for sure.

“Scarlette.”


“Yes Pangit?”
kunwaring hindi kinikilig si Scarlette.

“AY? Birthday ko na nga. Ganyan pa. Anong klaseng girlfriend,” tumawa pa ng bahagya si Yohanne at dahilan na mamula si Scarlette.

“A-anong girlfriend? Hindi ka nga nanligaw!”

 

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now