PAMBARA 37: Happy ever after?

81.3K 996 176
                                    

ILANG linggo na ang nakalipas simula ng magbati ang dalawa. Kakalabas lang din ni Scarlette sa ospital. Pero hanggang ngayon, wala paring bakas niya.

Nasa mansion sila ngayon—Scarlette Priscilla, Iya at ang fiancé niya na si Danny, binabantayan ang mga kambal. Wala eh, kailangan… hindi na katulad dati na puro mall lang, ngayon, mayresponsibilidan na sya sa mga anak niya. Ang hirap palang maging ina.

“Sis, ano ba ‘yung nasa loob ng sulat?” tanong ni Priscilla at nginuso ang sulat na mahigpit na hawak ni Scarlette.

Nginitian lang siya ni Scarlette at isang maliit na luha ang tumulo sa pisngi niya na agad naman niyang pinunasan.

“Namimiss mo na siya?” tanong pa ni Iya.

“H-hindi ko alam…”

“Hindi si Drew, loka! Siya o!” sabi ni Iya at tinuro ang transparent na bintana kung saan tanaw si Yohanne na nakasandal sa sasakyan habang hinihintay siguro si Scarlette.

“Babain mo na, sis!” sabi ni Priscilla at tinulak ng bahagya si Scarlette.

“LESHE! Makatulak kala mo close tayo?”

“Bakit hindi ba?”

“Sabi ko nga,” sabi ni Scarlette at binalik ang tingin sa labas.

“Out of place naman ako” biglang singit naman ni Danny.

Napangiti si Yohanne ng nakita niya na nakatingin sakanya si Scarlette. Kinawayan niya ito at nginitian lang siya ni Scarlette. SIguro wala namang sama kung maging sila, diba?

BINABA na ni Scarlette si Yohanne dahil dumidilim na ang kalangitan.

“Pasok ka muna,” sabi ni Scarlette.

Hindi siya sinagot ni Yohanne. Bagkus, bigla niyang niyakap ng mahigpit si Scarlette. Nagulat naman si Scarlette sa ginawa ni Yohanne pero niyakap na rin niya si Yohanne pabalik at napangiti.

“I miss you Scarlette ko,” sabi ni Scarlette. Halata na umiiyak na si Yohanne.

Kumalas sa yakap si Scarlette at tinignan si Yohanne at pinunasan ang luha nito gamit ang dalawang kamay niya.

“Hindi pa tayo bati!” sabi nito at binelatan si Yohanne.

“Baliw! Bakit mo ako niyakap pabalik kung hindi, diba?”

Bahagyang napahiya si Scarlette sa sinabi ni Yohanne. Nag-iisip na sana siya ng pambara ng biglang nagsalit si Yohanne, “Hindi mo ba ako namiss?”

“Namiss kita. Namiss kitang saktan!” sabi ni Scarlette at piningot si Yohanne.

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora