PAMBARA 1

305K 4K 736
                                    

SHE was watching a movie in a pangmahirap na cinema one weekend when he heard someone whisper. “Mamatay kaya yan sa dulo ng movie,” the male uttered in a low voice. Scarlette covered her ears because of the spoiler guy. 

She stood up. Kanina pa siya naiinis sa nasa likod niya na kanina pa daldal ng daldal tungkol sa ending. “Ikaw ba yung narrator nung storya?” she asked politely.

Tinignan naman siya nung lalaki. “Ah, hindi,” he said as if it was a common knowledge.

“SHH!” pagsita sakanila ng katabing customer.

“SH your face! At ikaw, tumahimik ka dyan kung ayaw mong batuhin kita ng gold bars!” pagbabanta niya at umupo na. Inirapan lang siya nung babae na kadate nung lalaking sinita nya. Napa-isip tuloy siya. Uh. There are many fishes in the sea. But she didn't know that a shrimp can watch a movie.

As much as she wanted to hit the couple with her Jimmy Choos, she composed herself and went back to the movie. 

“Ang epal naman nung babae,” bulong uli nung lalaki pero hindi nakatakas ito sa hampaslupa senses ni Scarlette. Tila naman narindi si Scarlette sa narinig. "Me, epal? Excuse me!" she said in her haid.

“Hindi naman sakanya yung sinehan eh,” the girl added. Boom. She had reached her limit. If they only knew na talagang kayang bilhin ng isang Scarlette Harper ang sinehan—o baka naman yung buong mall. Idagdag mo na ang kaluluwa niya, (na kanina pa nakaluwa) kayang kayang bilhin yun ni Scarlette.

So she stood up and said, “Alam mo, kung bubulong ka, pakihinaan! Tsaka ano ba? Manunuod ba kayo o magdadaldalan?” 

 "SH! Ano ba?" saway nang ibang nanunuod. Nakatingin na rin halos ang lahat sa kanila.

“SH your face ulit! This is none of your businesses!" she said and threw some popcorn. The cinemas roared because of anger.

Dumating naman ang guard, “Ma’am andami niyo na pong naiistorbo. Lumabas na po kayo,” utos nito at pinakita pa yung batuta. She rolled her eyes in disbelief. Oh great, another first time. 

“Syempre, alanganamang pumasok uli ako? Tanga ka ba? Bilhin ko kaya yang kaluluwa mo?” 

With lack of dignity, she walked out and swore she will do everything to get this mall down and her bwiset kababata. Leche.

She had a bright idea. Magsha-shopping na lang siya. Syempre, ano pa ba ang mas magandang gawin kesa sa mamili ng damit. Afterall, naubusan na siya ng bagong damit since she never repeats a dress. Para sa'n pa ang kayamanan niya?

Pero ang mas matindi, para sa'n pa ang kagandahan niya kung iiwan din pala siya ng ‘ka-date’ niya?

AFTER several hours of shop ‘til you drop marathons, she had reached the counter with tons of clothes in her hands.

"Ma’am is that all?” sabi nung nasa counter. She rolled her eyes and nodded. But in her head, she might want to stab that girl with her high heels. Ang tagal! 

" 6 thousand po lahat, pagsasamahin ko na po ba sila no'ng mga accessories?" 

"Hindi, gusto mo ihiwa-hiwalay mo pa para aksayado sa paper bag, kayo naman bumibili ng paper bag, di ako,” she said. Uminit na nga kasi ang ulo niya dahil sa encounter sa cinema.

“Ilalagay ko po ba sa paper bag?” she once again asked, as if Scarlette didn't understand her

“Hindi, ilagay mo dito sa bulsa ko,” she sarcastically said.

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now