PUBLISHED NA HOORAY *pasabog confetti* + preview

35.5K 570 66
                                    

Available na po ang published book nationwide! Bili na kayo. 110 php po. LIB po ang nagpublish. sana po bumili kayo! 

Ito ang preview oh. <3

Always be yourself. Unless you can be Scarlette Mekayla Harper. Then be a Scarlette Mekayla Harper.”

Many people wish for beauty, brains, body, wealth, and talent. Hindi nila alam na dapat hiniling na lamang nila na maging isang Scarlette Mekayla Harper.  Lahat kasi ng magagandang katangian nasa kaniya na. Well, kung ano ang kina-ganda ng mukha niya, gan’on naman daw ang kina-pangit ng ugali niya.

Naglalakad siya papunta sa paaralan na pagmamay-ari ng pamilya nila. Napag-isipan niya na sa susunod, magpapalagay na siya ng carpet mula sa parking space niya hanggang sa office niya nang hindi na marumihan ang kaniyang mamahaling heels. Baka mahawahan siya ng kahampaslupaan ng mga estudyante sa school NIYA.

Kahit siya na ang nagpapatakbo ng paaralan, marami pa ring lalaking mag-aaral ang gustong mapa-ibig ang dalaga. Dahil nga naman single, beautiful, and sexy, halos lahat ng lalaki – o kahit babae – ay gustong maka-score kay Scarlette.

“I love you!” sabi ng isang matipunong lalaki na humarang sa daanan ni Scarlette. Napataas ng kilay si Scarlette.

“Mahal ko rin ang sarili ko.” She paused. “Umalis ka sa daraanan ko kung ayaw mong batuhin kita ng gold bars,” banta pa niya. Walang nagawa ang namumutlang lalaki kun’di umalis na sa harap ni Scarlette. Scarlette isn’t amused with boys even if they’re handsome.

She had the reputation of a man-hater. But she knows she isn’t. She hates everyone, regardless of sex.

Hindi natinag ang mga taga-hanga ni Scarlette at may isa pang nagtangkang mag-pick up line sa kaniya. “Scarlette, kaya kong libutin ang mundo para lang mahalin mo ako,” sambit ng isa pang manliligaw niya.

Napataas ang kilay ni Scarlette sa narinig. ‘Oh please, I can travel the world in my heart’s content. Much more than you can,’ sabi niya sa isip. Tinignan niya ang lalaking halos magmakaawa na mahalin siya. Guwapo, mukang mayaman at mabango. At mukha ring manyak. Boys are like that, any ways.

“Sige, libutin mo ang mundo. Basta siguraduhin mong hindi ka babalik, ha?” she said.

Everything went peaceful and everyone never dared to block her way. Maliban lamang sa isang malibag na lalaking humarang sa kaniya na may dalang chocolates. “Sana problema na lang ako ng lagi mo akong iniisip.” In her mind, she cursed. Late na siya sa morning assembly. Ilang hampaslupa pa ba ang haharang sa daan niya?

“Oh please, problema ka naman talaga. No doubt.” Ngumisi siya at tinuloy ang sinasabi, “At dahil certified problema ka, lahat gagawin ko, mawala ka lang.” At bago pa may magtangka muling lumapit sa kaniya, naglakad na siya ng mabilis, iniiwasan lahat ng puwedeng maging pathogenic at magdumi sa kaniyang magandang damit.

--

Pagsapit ng morning assembly, nakatayo si Scarlette kasama ang principal at iba pang head ng Harper School of Arts.

“Hindi pa ba magsisimula?” tanong ng isang estudyante. Hindi naman ito naka-takas sa pandinig ni Scarlette. Tinignan niya ng masama ang babae. Makapal ang kolorete at akala mo ay nasuntok sa kapal ng labi.

“Eh ‘yong buhay mo, kelan magtatapos? Kaimbyerna,” tanong niya, parallel sa sinabi ng nagmamagandang babae. The girl looked at her quizzically.

“Huh? I don’t get it,” the girl pointed out. Scarlette chuckled. Mas lalong naguluhan ang babae dahil tawa nang tawa si Scarlette. ‘Baliw ba ‘to?’ she even asked herself that ridiculous question.

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now