PAMBARA 15.2: The Bitchfriend's Dilemma

116K 1.4K 136
                                    

PART 2

Dumating na kami sa Maria Cielo. Ang school ni Iya. Wala talagang pinagbago. Ang autistic parin ng mga hampaslupang andito.

Siguro mas nawalan ata ng buhay. Wala ng masyadong kulay. Sabi kasi ni Iya, ang maldita Club lang ang nagtyatyagang magpaganda (as if may igaganda) sa school nila by adding colors.

Sadly, sa sobrang depression ng bruha, napabayaan na ang school.

“Ma’am eto po ang visitor pass niyo,” sabi nung guard habang inabot sakin yung pass. Nginitian ko na lang siya. Infairness, tight din ang security nila.

Teka, asan na ba yung Bianca na yun? Wala talagang tatalo sa tardiness ng babaeng yun!

“Sungit!” may narinig akong sumigaw.

Sino pa ba ang sisigaw nun?

“Hoy Bianca panget,” I said habang naglalakad papunta sakanya.

“Kanina pa ako andito! Kanina pa kita hinahanap,”

Nagulat naman ako. Napanganga ako dun ng mga 15 seconds. Pero yung sosyal na nganga. Di tulad mong hampaslupa. Ako, maganda parin kahit nakanganga.

Yang muka mo? Literal na nganga.

“O, bakit parang nagulat ka?”

“Kasi in recorded history, ngayon ka lang ‘di late! Gahd! There can be really miracles when you believe!” I said while smiling like a goddess. Oo, goddess. Akala mo smiling like an idiot? Gagawin mo ba akong metaphor ng sarili mo?

“Psh. Tara na, kanina pa nag-eemo ang ita nating bitchfriend,” sabi ni Bianca habang hinahatak ako.

Madaming building sa Maria Cielo. Kaso ayoko lang talaga sa aura at muka ng mga estudyante. O baka naman di ako sanay sa pangit dahil sa salamin lagi ako nakatingin?

“Asan na si Iya?”

“Andito lang si Iya kanina habang nagdadrama e,” Bianca said while scratching her head. Ako na ang magsasabi, walang kuto ang bestfriend ko, okay? Nakakaconfuse naman kasi!

“Maliwanag pa naman! Makikita naman si Iya kahit maitim siya!” sabi ko kay Bianca.

“Tsaka white naman kaya ang uniform nila!” Bianca said. Kawawa talaga si Iya samin no?

“HOY! Grabe na talaga kayo! Kahit wala ako nilalait nyo paren!” sigaw ni Iya. Sino pa ba ang nilalait namin diba. Tanga ka?

“At least honest!” sabi ni Bianca at nilapitan si Iya.

“Ouch naman talaga! Para na kayong si Nina! Ang mean nyo!” sabi nya habang nakapout.

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora