PAMBARA 31: Begging [PART 1]

78.9K 1K 18
                                    

PAMBARA 31:

“MAY GIRLFRIEND NA DAW SI YOHANNE,” yan ang pambati ni Drew kay Scarlette. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng magcamping sila.

“So? Huli ka na sa balita,” walang ganang sagot ni Scarlette habang inaalalayan ang babay niya na tumayo.

“Alam mo?”

 

“Duh. Common sense naman asungs,”  sabi nito at nilagay sa walker si Iyo Hansel at pumunta malapit kay Drew na umiinom ng kape sa kusina.

“Sabi ko nga. Tsaka, bakit ang silent ng revenge mo... Hindi ko ramdam,” sabi pa nito at tinignan si Scarlette habang umiinom ng kape.

“Tanga ka kasi. Asungot na tanga.”

 

 

Napa-iling na lang si Drew. Hindi talaga nagbabago ang ugali ni Scarlette. Hindi nga ata naiinlove kay Drew. Loyal sa kupal na si Yohanne. Hindi niya alam kung bakit, siya na ang nasa harap ay humahanap pa ng iba. Alam niyo yun?! Yung lahat gusto sila magkatuluyan, kaso ayaw ni Scarlette... Nese kenye ne keye eng lehet~~

“BES~~~”

Napabuga ng iniinom ng kape si Drew dahil sa sigaw na nagmula sa labas. “Si Iya,” sabi ni Scarlette at napa-facepalm naman ito sa utak niya.

Pagbukas ng pintuan, tumambad si Iya na hingal na hingal. “PAPUNTANASIPRISCILALDITOMAYDALANGITAK! JUSKOAYOKOPANGMAMATAYTULONGSCARLETTE!!!” sigaw nito habang hinahabol ang hininga.

Kumunot ang noo ni Scarlette. “What the heck are you talking about?”

 

 

Lumapit naman si Drew sakanila at inalalayan si Iya papunta sa couch. “Breathe. Relax...” sabi pa nito. Huminga ng malalim si Iya at pinagpatuloy ang sinabi, this time, mabagal.

“Papunta na si Priscilla dito~~”

 

 

“Ah... okay.” Walang ganang sagot ni Scarlette at nagawa pang tignan ang kuko niya. “Anong sinabi mong itak kanina?”

 

“AHH~ Joke lang yun. Pampahaba lang ng sinabi. Penge nga juice,” utos nito kay Drew sabay hampas sa braso.

Tatayo na sana si Drew ng biglang may nagdoorbell. Ay mali—kumalampag ng pintuan nila.

She's the Pambara Queen [Published by LIB]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें