Last Chapter.

83.9K 1K 222
                                    

Note: Last chapter na pala ito. :) Sorry if I’ll mismatch names. Expect a happy ending :) *insert sarcasm*

“KELAN mo ba sasabihin kay Yohanne? Isang buwan na nakalipas ng pagdedate niyo ah!”

Namula naman si Scarlette sa sinabi ni Priscilla sakanya. Isang buwan na silang nagdedate… tama ‘yun.

“Bukas! Birthday ng mga kambal bukas!”

“Ganyan ka naman eh! Susunod, pasko, tapos new year tapos valentines!?” pang-iinis pa ni Iya kaya tinakpan na lamang ni Scarlette ang tenga niya.

“AHH!” pagsigaw pa niya para matakpan ang pagbubunganga ng dalawang kaibigan.

Natigil sila ng biglang nagring ang doorbell. Sino pa ba?

“Ayan na ang prince charming mo, uy!” sabi pa ni Bianca sakanya at tinulak. Lagi na lang nanunulak. Brutal as ever. Pero hindi naman ganun kalakas, oa lang talaga sila.

“Hoy Priscilla, kelan ka ba papasok ng kumbento?” tanong ni Iya at tumayo na si Scarlette para buksan ang pinto.

“Malapit na.”

“Good afternoon, girls,” bati sakanila ni Yohanne. Nginitian naman siya ni Priscilla at ni Scarlette habang inirapan siya ni Iya.

“Whatever,” pahabol pa ni Iya ngunit hindi na siya pinatulan ni Yohanne

“Pasok ka muna,” sabi ni Scarlette kay Yohanne at umupo naman agad ito sa sofa katabi ni Scarlette.

“Will you excuse me?” sabi ni Iya at tumayo para puntahan ang kambal na ‘anak’ niya daw.

“Gawa ko muna kayo ng meryenda,” pagpapaalam ni Priscilla dahil nageexpect siya na sana sabihin na ni Scarlette ang totoo kay Yohanne.

“A-ah, Yohanne, o-okay ka lang ba?” kinakabahan na tanong ni Scarlette sakanya.

“Ano ka ba Scarlette ko, ayos lang ako kapag andyan ka,” sagot ni Yohanne kay Scarlette at nginitian siya ng matipid.

“P-pano kung magkakaanak tayo?” out of the blue na tanong ni Scarlette.

“Edi masaya!” natatawang sagot ni Yohanne at ginulo ang buhok ni Scarlette. Kinakabahan si Scarlette sa ginagawa ni Yohanne.

“Ilan ba gusto mo, hehe,” pahabol na tanong ni Scarlette at lumayo ng bahagya kay Drew.

“Madami,” sabay kindat na agad namang dahilan para mamula si Scarlette. Hindi dahil sa kilig—pero dahil sa hiya.

Lumayo muli si Scarlette at napansin na iyon ni Yohanne. Hinawakan niya ang kamay nito at nilapit si Scarlette pabalik sakanya. “Ngayon ka pa talaga mahihiya sa’kin Scarlette ko.”

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now