CHAPTER 25

16 3 0
                                    


Summer's POV

"Hon anong balita nga pala sa imbestigasyon?" Tanong ko kay manuel habang naghahain ako ng pagkain. Tinanghali na kami magising.

"Uhmm..  Ang sabi ng mga police hindi daw aksidente. May motibo daw ang mga gumawa non sa magulang mo."

Noon palang nakakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin. Hindi ko ito nasabi kay manuel dahil baka guni guni ko lang yun.

"Hon noon kasing High School palang ako, parang may sumusunod sakin tuwing umuuwi ako."

Napatigil siya sa pagkain. At napatingin na nakakunot ang noo.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Paano kung mapahamak ka noon?" Medyo galit niyang tanong.

"Akala ko kasi guni guni ko lang."

"Kailangan na matapos ang imbestigasyon." Sabi nito sabay alis.

Ilang oras ng nakakalipas ng umalis si manuel na may biglang nag doorbell. Ibinababa ko muna si autumn na buhat ko. Tinignan ko si winter na naglalaro lang.

Pagkabukas ko ng pintuan tumambad sa akin ang isang kahon. Nagpalinga linga muna ako sa paligid para malaman kung sino ang nag-iwan nito.

Agad akong pumasok ng pintuan. At dahan dahan binuksan ang kahon.

Halos himatayin ako sa takot ng makita ang isang patay na itim na pusa.

"MANANGGG!!!"

"Ma'am bakit po- ayy jusko!!" Gulat na sabi ni manang.

Kinuha ko ang cellphone at agad na tinawagan si manuel.

"H-honn- " kinakabahan kong tawag.

"Hon bakit anong nangyari?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot ng maayos.

"M-mayy nag iwan ng kahon dito, may patay na pusa-"

"Hello? Hello!? Hon!! Hello!?"

Naputol ang paguusap namin. Luminga linga sa paligid ng mapansing tumahimik at  nawala si manang at ang kambal.

Tinakbo ko ang hagdan dahil naririnig ko ang iyak ni Autumn at Winter.

"Manang! Manang!"

Napatigil ako sa pagpihit ng pintuan na may isang tao na tumutok ng kutsilyo sa leeg ko.

"Oppss. Don't move Bitch"

Ang boses na yon.

"Ikaw!? Anong kailangan mo!?"

"Baka pag sinabi ko kailangan ko, baka hindi mo maibigay?"

Tinulak ako nito sa kabilang kwarto at pinadapa sa kama.

"Kamay sa likod!!" Sigaw nito.

Sinunod ko naman ang gusto niya. Agad naman nito itinali ang kamay at paa ko.

"PAKAWALAN MO ANG MGA ANAK KO!!"

Sinarado nito ang pinto at kumuha ng upuan sa harap ko.

"Wag kang magalala. Marunong naman sumunod yung katulong niyo. Wala din akong balak idamay ang magiging anak namin ni manuel. Wahahaha!" Malandi at maala demonyo niyang tawa.

Naka Pulang bistida ito at pulang stilettos, pati ang labi nya ay pulang pula. May hawak itong Isang kutsilyo at baril.

"Hindi mo ba ko natatandaan ah?"

Napakunot ako ng noo sa kanya at pilit na inaalala siya.

"Hindi talaga kila maalala."

Padabog itong tumayo at hinawakan ako sa pisngi.

I Thought it was Love at First Sight [Complete]Where stories live. Discover now