CHAPTER 14

48 10 0
                                    



Summer's POV

"Kanina mo pa hindi ginagalaw yang pagkain mo ah." Pansin ni kyrie sakin. 

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ipapaliwanag ko kay manuel mamaya. Ang sabi ni kyrie sakin iuuwi na daw niya ako mamaya. Bumuntong hininga ako at tumingi sa bintana. Tanaw ko ang mga nagtataasang pine tree.

"Kumain kana summer. Ako na bahala magpaliwanag kay  manuel."

Tinusok ko ang steak at kinagat kasabay ng pagsubo ng kanin. Kagabi pagdating namin dito sa tagaytay pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari noon at inamin ko din na nahulog ako sa kanya.

Kung hindi daw sana ginawa ni manuel sakin yun noon edi sana kami daw hanggang ngayon. Kaya natawa lang ako sa sinabi niya. Naging maayos ang paguusap namin na hanggang magkaibigan nalang kami. Nung una nahirapan ako pakiusapan siya na ibaling nalang niya sa iba ang nararamdaman niya sakin. Pero umiling iling lang ito. 

Ang sabi niya "hayaan mo nalang ako na mahalin ka". Kaya hinayaan ko nalang siya, ayoko na humaba pa ang usapan namin.

Pinilit ko din siya na subukan mahalin si monica. Malay niya maturuan niya yung puso niya na ibaling sa iba ang nararamdaman niya.  

Humingi siya ng pabor sakin kung pwede na hanggang dalawang araw kami dito, para mamasyal at masulit na magkasama kami dahil paguwi daw namin hindi na naman siya makakalapit sakin dahil kay manuel. Pero hindi na ko pumayag, sinabi ko na sakanya na buntis ako. Kaya hindi na siya nag pumilit pa. 

Nang matapos kami kumain kinurot ko ang pisngi nito habang naghuhugas ng plato. Dumaing ito sa sakit ng pagkakurot ko. Hindi naman pangit si kyrie eh. Sa katunayan na gwagwapuhan ako sa kanya ngayon. 

"ARAY! Ano kaba summer! Masakit yun ah!" Pasigaw na sabi nito pero hindi galit.

"Ang cute! cute! mo kasi!" hagikgik kong sabi.

"Wag ako ang paglihian mo baka maging kamukha ko yang anak mo at mapagkamalan na ako ang ama niya." Pangisingisi niyang sabi.

"Lagot ka sa asawa ko mamaya." Pangaasar ko sa kanya.

"Wag mo nga akong takutin, kitang kinakabahan na nga sa ipapaliwanag ko eh." Humagalpak ako ng tawa dahil sa itsura niya sa sobrang kabado.

"Hahaha! yan kasi masyado kang nabaliw sakin." 

"Baliw din ang asawa mo sayo no!"

"NakaReady na shotgun nun mamaya."

"Magisa ka nalang umuwi kaya?"

"Pfft! hahahaha!" Natatawang bumalik ako sa sala at naupo. Grabe! Di ko talaga alam ang gagawin ni manuel sa kanya. 

"Oh eto.. Tawagan mo siya."

Di ko namalayan ang cellphone ko kagabi pa. Nasa kanya pala ito. Siguro tinago niya ito para hindi makatawag si manuel. Lakas din kasi ng loob nito itago ako kay manuel, di naman pala kaya. Tumawa uli ako. Tumingin naman siya sakin na nakakunot ang noo.


Kyrie's POV

Pinagmamasdan ko lang siya habang natatawa. Masaya ako na makita siyang masaya. Mabuti nalang pinagawad na niya ako sa kagaguhang nagawa ko sakanya. Sumandal ako sa pagkakaupo at hinilot ang sentido ko. Tsk! Di ko naman alam na buntis siya. 

Langyang manuel yun! Magiisang taon palang ang kambal nila, masusundan agad. Ang balak ko sana itagao siya talaga kay manuel. Pero tinamaan ako ng konsensya, ayoko naman madamay ang bata sa sinapupunan niya kapag itinago ko siya. Tyaka kagabi puro si manuel ang bukang bibig niya.  Halatang mahal na mahal niya ito habang nagkukwento siya kagabi. 

"Hello- hon? -ahh? - kasi- paliwanag ko nalang mamaya -wag ka ng magalit -oo - sge- bye!--  i love you- 

Humarap ito sakin na parang maiiyak. 

"Ibinababa niya agad." Malungkot na sabi nito.

"Hayaan mo na. Hindi ka naman matitiis ng asawa mo kahit galit siya." 

Tumango lang ito at tumabi sakin. Nakayukong nakatingin ito sa hawak niya cellphone.

"Ano ba sabi niya?" 

"Lagot ka daw mamaya.. pfft! waahaha!" Bigla naman itong natawa. tsk! Ganito ba talaga ang mga buntis?

Kagabi hindi ako nakatulog sa kakaisip. Mahal na mahal ko talaga siya, pero hindi naman pwede na ikulong ko siya sakin na alam kong may mahal siyang iba. Masakit kasi pinaasa niya ako na akala ko mahal niya pa ako, o ako lang talaga ang umaasa na akala ko mahal pa niya ko?

Humikab sya at nahiga sa hita ko. Napangiti ako at sinuklay suklay ang mahabang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Alam mo kyrie, parang kapatid na ang turing ko sayo."

"So? Ikaw ang ate ko? ARAY!" Kinurot kasi niya ako sa binti.

"Buang! Syempre ikaw ang kuya! tsk!" Inis na sabi nito.

"Sige na.. Iglip ka muna, maya  maya aalis na tayo." 

hindi na siya sumagot. Pinagmasdan ko nalang ang malaanghel niyang mukha. Napaka swerte talaga ng asawa niya. Siguro nga ako lang ang na Love at first sight sakanya, pero si summer hindi.

"NapakaMalas ko talaga!" Pabulong kong sabi. Di na dapat ako nagrereklamo kung di ako mahal ni summer.

Kasi ang sabi nila kapag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang. Hayss! Gaya ni monica mahal niya ako pero hindi ko siya mahal. 

Ganitong sakit din kaya ang nararamdaman ni monica? Sana manlang may Hospital para sa mga pusong nasaktan. Parang aatakihin ako sa sobrang sakit. 

Kahit na magmakaawa at magpakamatay pa ako sa harap ni summer talagang ayaw niya sakin kaya wala na kong magagawa kundi mag move-on.

Pinagsisisihan ko na talaga ang ginawa kong pagpilit na halikan si summer, pag inlove ka talaga di mo na alam ang mali, para sayo tama.  

"Manuel."

Pati panaginip si manuel parin. Wala na talaga akong laban sa puso mo. Di ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko. 

Tang*na! Pag iniwan at sinaktan ni manuel si summer, handa akong kunin siya kahit may anak na siya.



Ganito ko siya kamahal.




~~

Inaayos ko na po ang POV ni manuel. =)


Excited ako maumpisahan ang story ni Autumn kaya pipilitin ko matapos na agad to. =D


VOTE & COMMENT!

I Thought it was Love at First Sight [Complete]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora