CHAPTER 6

118 14 3
                                    


Kyrie's POV

Kanina pa ko gising bago pumasok si monica at kinuwento nya sakin kung bakit ako nandito. Di ako makabangon dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Nag talukbong ako ng comporter sa sobrang lamig, Mukhang magkakasakit pa ko. Hinawakan ko ang leeg at noo ko, TSK! sabi na nga ba eh. Bwisit! Sumabay pa ang hangover. Nakakahiya dahil nandito ako sa bahay ng mga Sanchez. Five minutes uuwi na ko, magpapahinga lang ako ng konti. Napanaginipan ko pa naman si summer na niyakap ko sya. Sana manlang totoo.

"Hey.. Gising ka na ba?"

Fvck! Nagulat ako! Nakakahiya! Ayoko makita nya akong bagong gising na mukhang zombie. Humarap ako sa kanya ng nakatalukbong parin ang buong katawan.

"Nagulat ba kita? Sorry. May hangover ka ba? Pinadalhan ka ni Monica ng coffee."

Inilapag nya ito sa night stand. Oh jeez.. i still get butterflies even though I've seen her a hundred times. Fvcking Corny! Lumapit pa ito at umupo sa gilid ng kama. Napaatras ako ng konti. Sh*t! Lumayo ka amoy alak ako. Nakakahiya!

"kyrie? Kanina ko pa pinatay ang aircon. Nilalamig ka parin?"

Ayoko sumagot. Hindi pa ko nag totoothbrush. Nakitingin lang ako sa kanya. Parang gusto ko tuloy araw araw maglasing tapos magpapasundo ako kay monica at dito nya uli ako dadalhin, then si summer makikita ko pag gising ko. Oh.. Heaven!

"ENGR. Kyrie joson? Inumin mo na itong kape mo habang mainit pa."

Ang sarap sa tenga kapag sya nag sasabi ng pangalan ko. Napatingin kami sa pintuan ng pumasok ang katulong nila, akay akay ang dalawang bata.

"Mam. Hinahanap po kayo ng kambal."

"Akin na.." Lumapit ito at ibinigay kay summer. Well they are cute, Pero mas cute ito kung saakin galing ang mga yan.

"Babies.. meet tito kyrie." Yeah.. Tito.

"Eto si winter." Nakakandong sa kaliwa nya. I guess, Boy ito.

"At eto naman si Autumn." Nasa kanan naman nya ito. Girl ito dahil may hikaw ito.

They are Fraternal twins. Inilapag nya si autumn sa tabi ko.

"Summer.. Wag mo itabi si autumn sakin. Nilalagnat ako baka mahawa sya." Nanlaki naman ang mata nito sabay kuha kay autumn at lumabas.

Napadiretso ako ng higa at tumingin sa kisame. Kailangan ko ng umuwi para makainum na ko ng gamot. Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan. Naningkit ang mata ko sa dala nitong isang basong tubig. Napaatras ako ng konti ng lumapit ito at hinipo ang noo at leeg ko. D*mn! Parang nakuryente ako sa ginawa nya. Feeling ko naramdaman din nya yun dahil bigla itong lumayo ng konti.

"Inumin mo itong gamot bago ka umuwi. Para maging maayos na ang pakiramdam mo." Umupo ako ng maayos at tinignan ko lang ang gamot na hawak nito.

Umupo ito sa harap ko akmang isusubo ang gamot sakin. What the heck! Pag nakita ito ng asawa nya malamang nasapak na ko.

"Dali na.. wag kana maginarte dyan.."

Ibinuka ko ang bibig ko at ipinasok nya ang gamot, Inalalayan naman ako nito sa paginum ng tubig. Nakatitig lang ako sa mga mata nito. Maraming nag bago sa kanya nung huling pagkikita namin. Medyo nagkalaman laman ang katawan nito at umigsi ng kaunti ang buhok.

"Tanggalin mo nga yan. Para sumingaw yung init ng katawan mo." Hindi ako nakagalaw ng hatakin nya yung comporter sa katawan ko. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdamaman ko ang pagkirot nito.

I Thought it was Love at First Sight [Complete]Where stories live. Discover now