CHAPTER 10

74 11 2
                                    




Kyrie's POV

"UMALIS KANA!!"

"Hindi ko sinasadya summer, sorry." Sabi ko at tumakbo na.

Paglabas ko ng pintuan ng bahay nila nakita ko si monica pababa ng sasakyan at gulat na gulat ng makita ako.

"A-anong ginagawa mo dito?" Kunot noo nya tanong sakin. Bumaling ang tingin nya sa magulo kong buhok. Dumiretso agad ako sa saksakyan ko.

"Kyrie! Buksan mo to! Anong ginagawa mo dito!" Sigaw nya habang kumakatok sa bintana ng sasakyan ko.

Napayuko ako sa manibela at pinaguuntog ko ang sarili ko. Dahil tinted ang sasakyan ko hindi naman ako nakikita ni monica.

"Tang*na! bakit ko nagawa sa kanya yun!" Inis kong tanong sa sarili ko.

Inangat ko ang ulo ko ng hindi ko na marinig ang boses ni monica. Nakita ko naman itong nagmamadali papasok sa bahay nila.

"Sorry summer. Sorry.." Naiiyak kong sabi.

Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi ko at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan.


Summer's POV

Lumapit agad si monica sakin at niyakap ako.

"Ate sam tahan na."

"M-monica.. S-si kyrie?"

"Umalis na sya. Tahan na. Hindi ko alam na magagawa nya ito." Naiiyak na sabi ni monica.

Di ko maintindihan kung bakit nagawa ni kyrie ito. Bakit ganito? Ano bang nangyayari sa kanya.

Inangat ni monica ang mukha ko at tinignan nya maigi.

"May pasa ka sa labi. Teka kukuha ako ng yelo." Akmang tatayo na siya hinawakan ko ang braso nya.

"Monica wag mo ipapaalam kay manuel ito. Kahit ganito ginawa ni kyrie sakin ayoko mapahamak sya." Bumalik ito sa tabi ko at umupo.

"Ate hindi natin kayang itago kay kuya yang pasa mo sa labi." Hinawakan ko ito at napadaing sa sakit. Siguro sa paghalik ni kyrie ito kanina dahil sa pagbubumiglas ko kinagat nya ito ng madiin.

"Ayoko ko din mapahamak si kyrie ate. Pero hindi natin matatago yang pasa mo."

alam ko kung anong kayang gawin ni manuel kapag namalaman nya ito.

"Ate.." Tuluyang naiyak na ng sobra si monica. Hinawakan ko ang kamay nito kaya napatingin uli ito sakin.

"Mahal na mahal ka nya.. Sobra..." Pilit nyang pinupunasan ang luha nya pero agos parin ito ng agos sa mga pisngi nya. Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanya kaya na natiling tahimik lang ako.

"Mahal na mahal ko sya ate. Ayoko mapahamak sya. Nasasaktan ako kasi tuwing magkasama kami ikaw bukang bibig nya. Alam mo ba simula nung makita ka nya ulit lalo syang naging baliw sayo." Di ko alam isasagot ko.

"Minsan naiisip ko na magalit sayo pero mapaglaro ang tadhana. Pilit kayo pinagkikita." Ngumiti ito sakin na mapait.

"Kung mahal mo sya ate pakawalan mo nalang-" Pinigilan ko sya magsalita.

"Mahal ko sya bilang kaibigan nalang monica. Maniwala ka sa hindi, Mahal ko ang kuya mo. Mahal na Mahal." Nagpatuloy ako sa pagsasalita .

"Nawala ang pagmamahal ko sa kuya mo noon nung nakilala ko si kyrie. Pero bumalik ulit yun. Siguro nabaling lang ang atensyon ko noon kay kyrie dahil sa pagkukulang ng kuya mo noon. Pero nakabawi ito kaya bumalik ulit ang pagmamahal ko sakanya. Nahirapan ako sa una. Pero nung araw na nagkita kami ni kyrie doon ko nalaman ang pagmamahal ko sa kanya ay pang kaibigan lamang."

I Thought it was Love at First Sight [Complete]Where stories live. Discover now