Parehong natawa ang dalawa at kapagkuwan ay tinignan si Krystal.

"At ikaw naman." Napahawak si Sharmaine sa baba nito na tila nag-iisip at tinitigang mabuti si Krystal. "Let's see what will be Jastin's reaction. Tinutulak ka niya at halos ayaw kang dikitan. Well, I'm excited what will happened kaya magbihis na tayo." Natatawang sambit ni Sharmaine.

At hayun nga, pumayag ang lahat na magsuot kami ng swim suit. Pagtripan daw namin ang mga boys. Napapailing na lang ako habang nagbibihis.

Bahala na mamaya kung ano ang magiging reaksyon ni Xander.

Nang matapos ako ay tinignan ko ang sarili sa salamin. I'm wearing a swim suit and it was revealing. Medyo natatakpan ang pusod ko pero litaw na litaw ang tagiliran, bewang at likod ko pati na ang cleavage ko.

Aware ako na maganda ang katawan ko pero mukhang mas lalo iyong gumaganda. At maipagmamalaki ko ang malulusog kong mga dibdib. Ang mga peklat at pasa ko ay medyo nabawasan dahil pinagamot ko ang mga iyon noong nasa US pa ako.

"Hey, best. Are you done?" Christine asked from outside the bathroom.

Lumabas ako mula sa banyo at hinarap ang mga ito. Nagkangitian ming lahat. At iniabot ni Christine sa akin ang off-shoulder cover-up. Kaagad ko iyong sinuot. Maging ang mga kasama ko ay may suot na ding cover-ups.

Nagkibit-balikat ako. Maybe I won't just take off my cover up para hindi masyadong ma-reveal ang katawan ko.

At hindi ko maiwasang mapahanga sa katawan ng mga kasama ko. Ang gaganda lahat.

Even the two beautiful ladies, Princess and Christine. Parang hindi man nanganak ang mga ito. Makikinis pa din ang mga katawan at walang stretch marks. Kitang-kita ko ang mga iyon dahil see through ang mga suot nilang cover-ups.

Sabay-sabay kaming bumaba patungo sa pool at malayo pa lang ay dinig na dinig na namin ang halakhakan ng mga kalalakihan.

"Let's party and see their reactions." Amber winked at me.

Napailing ako. Balak talaga nilang inisin ang mga lalaking kasama namin. Makikisama na lang din ako. Bahala si Xander.

Nang makarating sa pool ay sabay na tumingin ang mga kalalakihan sa amin. Nasa iisang table ang mga ito at maraming inumin sa harapan nila. At gusto kong matawa nang tumigil ang mga ito sa pagtawa at parehong natahimik.

My eyes focused on Xander. Salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin.

"Mag-iinuman lang ba kayo diyan? Tara na at maligo." Masayang sambit ni Amber na tila walang pakialam sa paligid nito.

Akmang huhubarin nito ang suot na cover up nang biglang tumayo si Renz.

"Subukan mong hubarin 'yan babae at itatapon kita sa dagat." Tiim ang bagang na sambit nito kay Amber.

Tinaasan naman ito ng kilay ni Amber.

"Baka ikaw ang itapon ko sa dagat?" Anito sa maangas na paraan.

Napangiti na lang ako. Gusto ko ang aura ng dalawang ito. There's something special between them.

"Babe!" Parang batang pumalatak si Renz.

"Tumigil ka nga! Babe ka ng babe! Hindi mo ako babe!" Inis na sabi ni Amber.

Tuluyan nitong hinubad ang suot na cover up at tumambad ang makinis at magandang katawan nito.

Si Renz ay mabilis pa sa alas kuwatro na nilapitan si Amber. Binuhat nito si Amber at napatili ang dalaga sa ginawa nito. Tumalon ito sa swimming pool kasama si Amber.

"Gago ka talaga!" Malakas na bulyaw ni Amber habang sinasabuyan ng tubig si Renz sa mukha.

Renz just laughed. Hinubad nito ang suot na t-shirt at isinuot iyon kay Amber kahit basa na.

"Swimming na lang tayo. Huwag kang lalayo sa tabi ko, babe. I love you." He grinned at Amber.

Tumawa ang lahat at pati ako.

"Just let them enjoy." Sabi ni James sa mga kasama at nilapitan nito ang asawang si Princess. "Pero may parusa ka sa akin mamaya." Bulong nito sa asawa pero naririnig naman naming lahat.

Princess caressed James's chest playfully.

"I'm waiting." She said and laughed.

Napailing na lang si James at iginiya si Princess sa isang upuan.

Xander walked towards me. Pasuray-suray itong naglalakad patungo sa akin.

"Hey. Are you drunk?" Tanong ko at inalalayan ito.

He just chuckled.

"I think I drank so much." He said and he sniffened my neck. "Ang bango talaga ng puso ko." Anito sa paos na boses.

Kaagad namang nag-init ang mukha ko. Nakakahiya sa mga kaibigan nito na naririnig ng mga itong tinatawag akong puso nito.

"Come on. Ihahatid na kita sa kuwarto mo."

Kaagad naman itong tumango at nagpaalam ako sa mga kaibigan nito.

"Hoy, Xander! Use protection, okay?" Pilyong sigaw ni Renz. Nakita ko pa itong hinampas ni Amber ng malakas sa dibdib.

Renz just laughed and he kissed Amber on the cheeks. Kaagad itong lumangoy papalayo kay Amber habang malutong na tumatawa.

Mahina akong natawa sa kapilyuhan nito at hindi pinansin ang iba naming kasama na may kanya-kanya ng pagtatalo na nagaganap.

Christine and Edsel, they were fighting. Even Krystal and Jastin. Pati si Sharmaine at Rein ay nagtatalo na din na ikinailing ko. Looks that these men were really over protective and possessive on their own woman.

And I'm just thankful that Xander was drunk. Baka napagalitan na din ako nito.

But I was wrong because when the moment the door of his room closed, he kissed me torridly on the lips. Malakas nitong isinara ang pinto ng kuwarto nito.

"H-Hey. I thought you were drunk!" Reklamo ko nang bahagyang makalayo dito.

He just smirked at me and kissed me again on the lips.

"You deserved to be punished." He murmured between our kisses and my eyes widen when he stripped my cover up.

"And now, let me bring you to heaven." He huskily said and pushed me to the bed.

To be continued...

A/N: Any idea what will happened on the next chapter? 😂🤭 Bitin. Bleeeeh! 🤭😜

Phoenix Series #3: My First Love and Forever(COMPLETED)Where stories live. Discover now