CHAPTER 2 OVERNIGHT??

5.3K 125 0
                                    

CHAPTER 2

OVER NIGHT??

Pangalawang linggo ko na sa st. john so far so good naman. Madalas Makita ko si vince mag isa mukang lagi syang malungkot hindi ko alam pero gusto ko sanang malaman kung anong dailan nung lungkot sa  mga mata nya.sinubukan ko na syang lapitan pero sinusupladuhan nya ko. Kaya tinanong ko si mica baka kasi meron syang alam.

‘’mica? Si vince ba bakit laging ganon?’’

‘’laging ano?’’

‘’mukang lagi na lang may problema’’

‘’hmm di naman yan ganyan dati. Ewan ko ba ang alam ko after nila magbreak ni Yvonne naging ganyan na sya tapos kasabay pa nung nagkahiwalay ang mga magulang nya’’

‘’yvonne??’’

‘’oo si Yvonne Montemayor yung babaeng nasa kabilang section mahal na mahal nya yun lagi nga silang magkasama nun ih almost perfect na nga ih kasi maganda si Yvonne tapos si vince tignan mo naman super gwapo diba?

‘’e bakit sila naghiwalay??’’

‘’e kasi ang bali balita may nanligaw kay Yvonne na taga st.martin yung sa kabilang school mas gwapo daw kay vince Kaya yun pero sa tingin ko ha mas gwapo pa rin si vince’’

‘’ah ganun ba kawawa naman pala talga si…’’

‘’ako ba pinag uusapan nyo?’’

‘’ha eh.. hindi ah..’’

Buti na lang dumating yung prof namin muntik na kaming mabisto dahil sa kachismosaan ko. Kasi naman si vince nakakaintriga sya. Nung malaman ko yung storya nya mas lalao ko syang gustong makilala at gusto kong maging kaibigan sya.

‘’class yung groupings nyo okay na?? next meeting you have to present it ha I need your power presentation okay?’’

Hala pano yan wala pa kaming nasisimulan ni vince kasi naman ni hindi kami nagkakausap man lang ni hindi nya ko inaapproach about dun hays pano kaya yun.sana naman kausapin na nya ko as in now na!

‘’kerstine..’’

Nagulat ako nakakbasa ba sya ng isip? At kinausap nya nga ako. Wala pa ring pagbabago napakgwapo nya pa rin lalo na ngayon mukang badboy look sya with his black bonnet on his head.

‘’vince?’’

‘’may laptop ka??’’tanong nya

‘’oo meron. Bakit?’’

‘’sa bahay na lang tayo mamaya sira kasi yung laptop ko ih pinareformat ko okay lang ba sayo??’’

Tama ba yung rinig ko sa bahay nya??? Kame?? Anung isasagot ko sa kanya kainis naman bakit lagi na lang akong nabablanko pagdating sa kanya.

‘’ha? e diba 5:30 pa uwi natin? Tingin mo ba mtatapos natin yun agad??’’

‘’kung okay lang sayo ako na lang gagawa don’t worry about your laptop di ko naman sisirain yun’’

Papayag ba ko ng ganun? Sya lang ang gagawa ng project namin unfair naman ata yun sa kanya unfair din sakin kasi pagdating ng presentation sya lang yung  may alam.

‘’hindi sige overnight na lang tayo’’

‘’sure ka?? Baka hindi ka payagan ng boyfriend mo?’’

‘’boyfriend??’’

‘’yung sumusundo sayo everyday?’’

Natawa ako kasi napagkamalan nya palang boyfriend ko si kuya

‘’kuya ko yun’’

Parang nagulat sya sa narinig nya pero nakita ko syang tumawa that was the very first time na nakita kong tumawa sya.

‘’kuya mo pala? Hehe akala ko kasi boyfriend mo’’

‘’marunong ka naman pa lang tumawa ih. ganyan dapat’’

Bigla nyang binawi ang ngiti nyang yun ewan ko ba basta basta na lang sya nawawala sa mood. Kumbaga sa babae parang lagi na lang meron.

‘’so ano mamaya ha. sunduin na lang kita medyo malayo kasi yung amin delekado para sayo’’

‘’osige’’

‘’yung number mo??’’

‘’kelangan baya un??’’

‘‘itetext kita maya di ko alam ang bahay nyo’’

‘’ay oo nga pala sorry’’

‘’sige I have to go 7pm sharp andun na ko’’

6pm pa lang ready na ko natext ko na rin sya kung san yung lugar namin buti na lang at lam nya. First time kong mag oovernyt sa bahay ng isang lalake. Alam kong di papayag si kuya kaya sinabi ko na madami kami sa isang group kinailangan ko pa ngang itext si mica para makasabwat ko buti na lang at pumayag ito.

‘’kuya wag mo na ko ihatid ha may susundo sakin’’

‘’hmm make sure na hindi ka gagawa ng hindi maganda dun ha’’

‘’yes po’’

‘’osige una na ko may pupuntahan pako ih ingat ha text mo ko agad update moko bye! ‘’

‘’bye kuya!’’

‘’ready ka na?’’

-vince

‘’oo san kana ba?’’

‘’andito na ko sa harap ng bahay nyo’’

Pag labas ko ng gate nakita ko sya ganun pala ng itsura nya pag hindi nkauniform. Mas gwapo syng tignan. Parang lagi syang bagong paligo ang fresh fresh ng muka nya. At yun na naman nagkatitigan na naman kami pero this time sandali lang parehas kaming umiwas agad. 

Lets Make This Last ForeverTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang