CHAPTER 40

3.3K 77 0
                                    

VINCE’ POV




Linggo ng umaga nailabas na ko sa hospital. Napansin ko na wala sa bahay si keith kaya tinanong ko ito kay mommy.



“my nasan si keith?”


“kasama ni kerstine anak”


“ha no po? Andito na po si kerstine?”


“oo kadadating lang kahapon”


Talagang di ito ngapakita sa akin. Gustong gusto na syang makita sobrang miss na miss ko na sya.


Umuwi ng bahay si keith hinatid daw ito ni kerstine ang malas ko lang kasi tulog daw ako ng dumating ito.


“helo baby. Where have you been?”


“kuya im with ate kers kanina”


“really? San kayo nagpunta?”


“sa mall kuya.”


“anung sinabi nya?”


“she told me na ibigay ko to sayo”


Binuklat ko  yung nasa may plastik na binigay ni keith. Apple iyon at may asin. Alam nya pa rin ang favorite ko natuwa ako mas lalo ko tuloy syang gustong makita. Kinuha ko ang jocket ko at nagpasya akong puntahan sya.


Pagkadating ko sa tapat ng bahay nila andun sya parang may kausap. At ng makita ko ang kausap nya si lance iyon. Hay lagi na lang si lance. Mukang masaya naman si kerstine na kausap si lance ih. Iniliko ko na ang sasakyan ko. Naiiyak lang ako pag nakikita ko sila. Nasasaktan ako.


“yow vince!” sabi ni yuri


“baket?”


“anjan na si kerstine ah”


“oo nga”

Lets Make This Last ForeverWhere stories live. Discover now