CHAPTER 44

3.9K 88 11
                                    

KERSTINE’S POV

 

“di kinaya ng katawan nya anak”



“pero bakit? Bakit kelangan nyang isakripisyo ang buhay nya para sakin?”



Halos kamuhian ko ang sarili ko ng makita si vince sa ganoong sitwasyon. Di ko matanggap na nga dahil sa akin malalagay ang buhay nya sa panganib. Para saan pa na nabuhay ako kung mawawala naman ang taong pinakmamahal ko.




Parang kelan lang ng sabihin nya sakin na sumama ako sa kanya at magsimula ulit kami. Pero bakit ganito? Bakit kelangang maging ganito????”




Yung mga araw na lagi syang anjan. Paano ko sasanayin ang sarili ko kung mawawala si vince? Di ko kaya na wala sya sa tabi ko.



Isang bwan na ang nakakalipas pero wala pa ring pagbabago sa lagay ni vince



“ahm kers. Ang sabi ni vince ibigay ko daw to sayo pag naging ganito na ang sitwasyon. Pasensya ka na kung di ko nasabi akala ko kasi nagbibiro lang sya” sabi ni yuri na umiiyak



Ibinigay sa akin ni yuri ang isang box na may pangalan ko sa ibabaw. Pagbukas ko puro sulat iyon. Sulat ni vince sa akin at may mga date at oras pa iyon. Simula nung unang araw na maghiwalay kami at maging sa araw ng operasyon.







SEPTEMBER 17, 2010

7:00 pm

Kerstine,

 

Alam ko nasaktan kita nung makita mong magkasama kami ni yvonne kanina. Para syo rin tong ginagawa ko beb. Balang araw marerealize mo din to. Sana wag mong pabayaan ang sarili mo sana kahit wala ako sa tabi mo makayanan mo.araw araw kitang babantayan sa school ayokong may gumalaw sayo. Mahal na mahal kita jade kerstine.

 

-vince


Lets Make This Last ForeverWhere stories live. Discover now