chapter 60

2.3K 58 0
                                    

Nanginginig ako sa galit ng walang sabi sabing sinalampak nya ako sa harap ng sasakyan nya at sinarado ang pinto.
Mabilis siyang umikot at umupo sa driver seat.

"What the hell is your problem?!"

Sigaw ko sa kanya nang binuhay nya ang makina.

"I have my own car!"

Sigaw ko ulit sa kanya nang Hindi nya ako sinagot.

"Ipapakuha ko Kay Baldo ang kotse mo."

Mahinahon nyang sabi..

"Bababa ako"

"No"

Pilit ko nalang kinalma ang sarili ko. Pagod ako at walang lakas na makipag talo pa sa kanya.

"Iuwi mo na ako."

"Yes wife. I'm taking you home."

He smirked to me.

Iniripan ko siya. Tama lang na di ko siya patulan dahil mag aaksaya lang ako ng panahon sa kanya.

"You can take a nap if you want."

Nilingon ko siya  habang tutok ang mata sa pag mamaneho. He is wearing white long sleeve polo na naka tupi iyon hanggang sa siko.

Bumaba ang tingin ko sa malapad niyang dibdib, pababa hanggang sa mapunta ang mga mata ko sa umbok na naroon. Gumapang ang init sa muka ko nang may maalala.
Damn. Hirap man ay pinilit kong binaling ang aking paningin sa labas.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong umangat ako sa ere. Hindi na sana ako didilat ng maamoy ko ang pabangong nanuot sa aking ilong at ang bilis na pintig ng kanyang puso. Hindi parin pala siya nag papalit ng pabango-
Wait!

Isang malalim na buntong hininga ang hinugot ko bago dumilat.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapag tantong buhat ako ni Zach papasok sa bahay. This is real? Akala ko nanaginip lang  ako!

Lalo lang akong nag panick nang mapansing Hindi iyon ang bahay ng mga magulang ko.

"Put me down!"

Nag kakawag ako sa mga bisig nya, Hindi nya yata inaasahan yun kaya muntik na nya akong bitawan.

"I said! Put! Me down!"

"Wag kang malikot at baka mahulog ka."

"No!"

Nag patuloy ako sa pag kakawag sa kanya sanhi at muntik na nya akong mabitawan.

"Damn it."

He cursed. Pero deretso parin ang lakad nya paakyat ng hagdan. Masuyo nya akong binaba sa kama 'namin' noon.

"Bakit mo ako dinala dito?!"

Nag babaga ang aking mata habang naka tingin sa kanya.

"You said you want to go home. So I bring you here. OUR HOME.."

Seryoso nyang sabi at binigyang diin pa ang huling salita.

Nilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Ganoon parin ito at walang pag babago. I wonder if he bring Cassy here?

Muling nanikip ang dibdib ko sa naisip.

Walang sabi sabing tumayo ako at tinungo ang pintuan. Disidido akong umuwi dahil baka nag aantay ang mga anak ko sa akin. Tiningnan ko ang suot na relo at alas diez y media na iyon ng gabi.

Pero bago ko pa mahawakan ang door knob ay mabilis na syang humarang sa pinto.

"Woah... Not so fast wife. I won't let you go.. Not again."

I LOVE YOU EVEN YOU KILLED ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now