chapter 37

1.7K 39 0
                                    

Tanghali na akong nagising.
Hindi na ako magugulat kung pag gising ko sa umaga na wala nanaman si Zach sa tabi ko. Sanay na ako.

Pero taliwas sa inaasahan ko. He's still there. Wrapping his arms and legs around me.

Naka siksik pa sa leeg ko ang muka nya. Damang dama ko ang bawat pag hinga nya.

Dahan dahan akong bumangon, ingat na tinanggal ang mga braso at binti nya sa akin, takot na baka magising ko pa siya.

Pumasok ako sa banyo at ginawa Ang morning ritual tuwing umaga.

Pagkatapos ay bumaba ako para makapag luto ng breakfast.

Malapit na palang maubos ang mga stocks sa loob ng ref.
Tamang tama at linggo ngayon, mag papasama nalang ako Kay Zach mamaya mag groceries.

Saktong naka luto na ako nang bumaba sya sa kwarto.
"Good morning."

Kaswal kong bati sa kanya.
Ewan ko ba? Pero sa ngayon, ayaw kong mahalata nya na may alam ako tungkol sa kanila ni Cassy. I'm not ready to hear it from him that he will chose Cassy over me. Takot ako sa magiging mangyari.
Sa ngayon siguro, makokontento na muna ako na sa akin parin sya umuuwi.
Pero hanggang kelan Ash?
Hanggang kelan?

"Busy ka ba today,?"

Tanong ko sa kanya nang maka upo na sya.

"Yeah, I have some papers to sign at the office. Pero saglit lang naman yun, why?"

"M-mag papasama sana akong mag groceries. Wala na kasi tayong stock dito sa bahay, kaso wag nalang , busy ka naman."

"Yeah, mag pasama ka nalang Kay manong driver para di ka mahirapan OK?"

Hindi na ako umimik. Pero di ko rin maiwasang madismaya. Kung noon, ayaw nya akong mag groceries mag isa, lumiliban pa nga ito sa trabaho para lang masamahan ako.

Kung noon, lagi nyang sinasabi na mas importante ako kesa sa trabaho nya, ngayon naman halos isampal nya sa akin na mas priority na nya ang trabaho.
Ang tanong? Totoong trabaho nga lang ba??

Matapos kumain at linisin ang kusina, ay inatupag ko naman ang pagg lalaba. Sinalang muna sa washing ang mga puti at binabad sa planggana ang mga underwear. Naalala ko pa noon na dalawa kami ang nag lalaba dito. Pero ngayon Malabo na. Sobrang labo na talaga.

Matapos ibabad at isalang sa washing ang mga damit ay umakyat na ako ng kwarto. Kasalukuyan syang naliligo kaya inihanda ko na ang isusuot nya sa pag alis.

"No, I only wear shirt today."

Tanggi nya sa inihanda kong office attire nya.

"Huh? Pero sa office ang punta mo ngayon diba?"

Takang tanong ko sa kanya. Never pa syang nag suot ng shirt papuntang opisina.

Biglang naging malikot ang mga mata nya at Hindi maka tingin sa akin ng maayos.

"Fine. Chose whatever you want to wear."

Nakita kong pinili nya ang isang maong short at plain gray shirt. Tulad ng dati ay humakab Muli sa damit ang kanyang katawan.

Nakita kong umilaw ang phone nya. At Hindi naka takas sa paningin ko ang numero ni Cassy ang nakita kong caller ng phone nya.

Nang makita niya iyon ay mabilis nyang tinago sa bulsa ang cellphone at dinampot ang susi sa kama.

"I have to go,"

Mabilis nya akong hinalikan sa noo at nag mamadaling umalis ng bahay.

Nanghihina akong umupo sa gilid ng kama.
Ito na ba yun? Nararamdaman kong lumalayo na si Zach sa akin kahit na sobrang lapit nya parin.

Wala sa sariling bumalik ako sa labahan at inatupag iyon.basang basa ang damit ko, Hindi ko alam Kung dahil sa pag lalaba ko, o dahil sa mga luhang walang tigil sa pag agos.

Natapos akong Hindi namalayan ang oras. Mag aalauna na pala ng hapon, kaya pala nahihilo ako dahil dala marahil na nalipasan na ako ng gutom.

Dismayado akong napatingin sa malaking gate ng bahay namin.
Ang sabi nya, saglit lang daw sya?
Pero wala nanaman palang balak bumalik agad.
Tanga ka kasi! Alam mo namang si Cassy ang kasama nun! Asa ka pang babalik ng maaga yun?
Parang gusto kong mag wala at mag basag ng gamit sa mga oras na to.
Ang sakit sakit na!

Mabilis akong umakyat ng kwarto para doon nalang mg mukmok. Tutal ito nalang talaga ang magagawa ko, ang mag mukmok at umiyak ng tahimik. Dahil alam kong umpisa palang noon. Wala na akong laban Kay Cassy pag dating sa puso ni Zach.

Pag pasok ko sa kwarto ay pumasok ako sa banyo at nag babad sa bath thub at tila gusto kong lunurin ang sarili ko doon.

Nang makaramdam ng lamig ay umahon na rin ako.

Dinampot ko ang isang blouse na puti at blue pants. Walang mangyayari kung mag mumokmok ako dito sa bahay.

Tiningnan ko ang cellphone ko at maraming calls and messages doon mula Kay kim.

I decided to call her back.

"Hello?"

"Ano bang ginagawa mo? Busy ka ba?"

Tanong nya sakin.

"Actually oo, pero tapos n rin ako mg laba,. Ano bang atin?"

"Oh? Bat ang tamlay ng boses mo? Hindi Pa ba umuuwi si Zach?"

"Naka uwi na sya kahapon, baka medyo napagod lang."

"Ikaw naman, alam mong galing ka sa trangkaso! Pinapagod mo ang sarili mo, baka mabinat ka nyan."

May pag aalala sa boses nya.

"Nah, I'm fine."

"Anyway, samahan moko mag groceries,"

"Bakit? Wala nanaman ba Jan si Ethan?"

"Eh alangan namang antayin ko pa syang umuwi mamaya? Wala na akong malantakan dito."

"Fine. Let's have fun too. Like watching movies, or anything. Boring kasi."

"Oh? Bago yan ah? Ngayon ka lang nag aya ng ganyan. Asan ba si Zach? Kala ko ba naka uwi na sya?"

"Umalis nanaman kasi, may kaylangan daw syang permahan sa opisina."

"I see. Wait moko dyan, we are going to use my car. Don't worry.. May driver naman tayo."

"OK. Good to hear that. Wala akong mood mag drive ngayon."

"Sige Sige... I'll hang up now."

"OK. Take care"

Humarap ako sa malaking salamin at pinag masdan ang sarili doon.

Hinahanapan ko ng Mali ang sarili ko, Hindi naman ako pumangit? Sexy parin naman ako? Pero bat Parang lahat ng to? Balewala pag dating Kay Cassy?

'Dahil si Cassy parin ang original nyang mahal!!'

Napa pikit ako sa hiyaw ng utak ko.
The hell??!

I LOVE YOU EVEN YOU KILLED ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now