chapter 34

1.7K 36 2
                                    

Tulala akong sumunod Kay Mommy sa loob ng restaurant.
Hindi pa rin ma absorb ng utak ko kung ano ang nakita ko kanina. But there's one thing I'm very sure. He lied to me.

Nagulat ako nang makita ang Mommy ni Kyle sa loob.
Nag beso sila ni Mommy at masayang nag batian. So, ang Mommy pala ni Kyle ang kaka tagpuin namin.

"Iha, are you okay?"

Puna ni Mommy sakin nang mapansin ang pananahimik ko.

"Medyo sumama po ang pakiramdam ko,"

That's true, pero hindi sya 'medyo' masama. Dahil sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko at tila sasabog ang puso ko sa mga oras na to.

"Oh.. My son is coming here, I'm sure he has some extra medicine in his car, sasabihin Kong mag dala sya for you."
Ani Mommy ni Kyle.

"Hindi nalang po siguro, baka po uuwi nalang ako."

Nag aalalang tumingin sakin si mommy.

"Don't worry ma, mag tataxi nalang siguro ako."

"No, andito na yung anak ko, ipapahatid nalang kita."
Mommy ulit ni Kyle.

"Naku tita, wag na po, baka po busy ang anak nyo. Maka abala pa po ako."

Tanggi ko sa alok nya, I'm not sure if Kyle is really busy. Ang alam ko lang, gusto ko muna mapag isa.

"Ma, Here's the documents you asked me. Anything you need?"

Bungad ni kyle nang maka rating ito.

"Ah yeah, can you send Mrs Mortel home? She's not feeling well."

Tila nagulat pa si Kyle nang makita ako.

"Hi! Nag kita ulit tayo, kanina lang magkasama tayo right? What a coincidence."

Natatawa pa ito habang sinasabi iyon.

"Mag kasama kayo kanina?"
Si mommy.

"Yes tita, nagkita kami sa mall kaninang umaga, she's with kim."

Bahagyang Napa tango-tango si mommy.

"That's good to hear. Maybe you can offer some medicine for her? She's not feeling well..."

"Are you?"

Mabilis na sinalat ni Kyle ang noo ko.

"Medyo mainit ka nga, sandali lang at kukuhaan kita ng gamot sa kotse."

"Wag na, uuwi nalang ako. Mag tataxi nalang siguro."

"Mag pahatid ka nalang Kay Kyle anak. Hindi naman siguro sya busy, diba iho?"

"Yes tita,"
Bumaling sya sakin.

"Let's go? Masamang pinag aanatay ang gwapo."

Natawa ako sa sinabi nya. He never failed makes me laugh when I'm broken.

Matapos mag paalam kina Mommy ay tahimik akong sumunod Kay Kyle.

Hindi naman sya masyadong nag tanong at tahimik naming binaybay ang daan pauwi,
I wonder kung may girlfriend na sya? Married na rin ba sya? Gusto Kong itanong sa kanya, pero Ewan ko ba at tila may malaking pader na ang naka pagitan sa amin ngayon.

Nagulat pa ako nang makita si Zach sa labas ng gate, tila kagagaling lang nito sa loob bahay.
Napatigil pa ito nang mapansin kami.

Salubong ang kilay nito nang makitang bumaba ng sasakyan si Kyle at pinag buksan ako ng pinto.

"Hinatid ko lang pare, masama daw ang pakiramdam nya. Una na ako."

Isang tango lang ang sinagot ni Zach Kay Kyle.
Nag pasalamat ulit ako sa kanya bago ito tuluyang umalis.

"Akala ko ba, si kim ang kasama mo? And why are you with him?"

Madilim ang muka nyang tanong sa akin.

"Akala ko rin ba? Gagabihin ka ng uwi? Bat ang aga naman ata?"

Ano to? Parang pinapalabas pa nyang ako ang nag sinungaling sa amin?

"May biglaang out of town akong lakad, kaya baka ilang araw akong mawawala."

Doon ko lang napansin ang maletang hawak nya. Ramdam ko ang punyal na sumaksak sa puso ko nang rumagasa ang sakit
Doon. So? May balak pa atang mag solo silang dalawa ha?

"I-ilang araw ka doon?"
Pinilit kong maging normal ang boses ko kahit ramdam kong nanginginig na ang mga labi ko.

"Five days or more, I don't know, I'm not sure. I'll call you pag nalaman ko."

"B-baka pwede akong sumama?"

Ganyan nga Ashley, you have right to demand coz you are his wife.

Nakita ko namang naiinis sya sa sinabi ko.

"Look wife."

'Wife.....' Nakakatawa.. Tinatawag nya lang akong 'wife pag Hindi ka harap ang ex nya. Fuck!

"Listen OK? You can't go with me, may mga trabaho ka pa, and besides mas lalo lang ako matatagalan pag isasama ka, dahil mag iimpake ka pa."

Dahilan nya sakin. Kitang kita naman sa mga mata nya na ayaw nya talaga akong isama. Sabagay? Paano sila makakapag solo ng Cassy nya? Pag isasama pa nya ako diba?
Labag man sa loob ko ay tumango nalang ako. Ayaw ko rin ipahalata sa kanya na may nalaman ako.

Ngumiti sya sakin at mabilis na hinalikan ako sa labi. Sumakay sa kotse at pinaha rurot na ito ng takbo.

Nanlulumo akong pumasok sa loob ng bahay. Bumungad sa akin ang malaki naming litrato nung kasal namin na naka sabit sa sala.

Mapait akong ngumiti kasabay ang pag patak ng mga luha habang tinititigan ang nasabing larawan.

Talagang dumating na ang kinakatakutan ko, ang bumalik ang babaeng yun para sirain kami ni Zach.
May laban ba ako? Ang sabi ni Zach sakin, mahal nya ako? Pero sa nakita kong muka nya habang kasama Ang babaeng yun ay tila bumalik ang dating Zach na tanging si Cassy lang ang nakakagawa.

Oo nga at nakikita kong ngumingiti si Zach sa akin, na masasabi mong masaya sya. Pero iba pa rin talaga pag dating Kay Cassy.

Sobrang tahimik ng bahay.  Tanging mga hikbi ko lamang ang naririnig.

Mabuti na lang at wala na kaming katulong dito sa bahay. Simula kasi nung naka recover ako sa operasyon ay pinilit ko si Zach na paalisin nalang ang mga katulong, mas gusto ko kasing ako mismo ang mag asikaso Kay Zach at personal na gumawa ng mga gawaing bahay.

Mabuti na lang at ganun, dahil Malaya akong umiyak without bothering that someone is listening to my sobs.

Nanghihina akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto. Sinubsob ko ang muka ko sa unan at doon ako umiyak ng umiyak. Hanggang sa naka tulog na ako.

I LOVE YOU EVEN YOU KILLED ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now