chapter 15

2.1K 52 1
                                    

Zach POV

Damn it!!! All of you! Get out!!!!
Sigaw ko sa mga investigator na inupahan kong mag hanap Kay Ashley.

Ilang linggo na syang nawawala at Hindi ko parin sya nakikita. Bka kung anong mangyari sa kanya. Baka dinukot at ginawan ng masama.
Hindi ako pwedeng bumalik ng Pilipinas kung Hindi ko kasama ang Asawa ko.
Shit!!! Napaparanoid na ako sa kakaisip kong nasaan na sya.

"Sir"

"Make sure na maganda yang sasabihin mo Baldo. At baka samain ka rin sa akin."

Si Baldo ay isa sa mga mapag kakatiwalaan kong Butler ng aming pamilya.

"Ung CCTV footage sir, baka gusto nyong tingnan ulit."

"Damn it! Niloloko nyo ba ako ha? Ilang beses nyo nang sinuri yan diba? Pero may nakita ba kayo hah?!"

"Malakas po ang kutob kong si mam Ashley ang nakita ko sir. Kelangan ko lang ng kompermasyon nyo."

"Fine! Just bring it here."

Muli ay nag play sa harap ng monitor ang laman ng video. Isang babaeng nka hood na my sun glass ang nakitang pumasok sa elevator. Nakita ko na ang eksenang ito pero binalewala ko lang. Lumabas nanaman sa isang camera ang babae.

"Itigil mo."

Pinag masdan kong maiigi ang kanyang kabuuan. Si Ashley nga!!

"Damn it! Baldo!!"

"Sir"

"Tumawag ka sa airport at alamin kung may Ashley Mortel ang nag flight papuntang pilipinas."

"Yes sir."

Isang oras bago bumalik sa akin si Baldo.

"Sir, confirmed po na nka balik na sya ng pilipinas."

Naka hinga ako ng maluwag sa narinig. Pero ano naman kaya ang pumasok sa kokote ng babaeng yun at bigla nalang iniwan ako dito at umuwing mag isa??
'Damn you woman. You will pay for this.'

Mabilis akong tumawag sa pilipinas, pahapyaw kong tinanong ang magulang ko tungkol Kay Ashley. Pero ang alam ng lahat ay magkasama parin kami dito sa Hawaii.

"Shit! Saan ka ba?! Bat pakiramdam ko, pinag tataguan mo ako?!"

Napag pasyahan kong bumalik na sa pilipinas na hindi pinapaalam sa pamilya ko. Kaylangan ko munang mahanap si Ashley bago ako humarap sa kanila. Mahirap na.

Agad kong kinontak ang imbistigador sa pilipinas na syang mag hahanap Kay Ashley.
Hindi din nag tagal ay nakuha ko rin ang impormasyong kailangan ko.

Halos ang bagal ng takbo ng oras para sakin habang nasa byahe. Hindi ko alam, pero tila sabik akong makita syang muli.

Damn it! Whatst happening to me?

Alas kwatro na ng makarating ako ng Manila. Halos paliparin ko ang koste papunta sa address na binigay sakin.

Pag tigil ko sa harap ng hotel ay agad akong pumasok at tinungo ang room nya sa hotel.

Ilang beses akong nag doorbell pero walang nag bukas ng pinto.

"Excuse me."

Tawag ko sa janitor na nag lilinis ng pasilyo.

"Bakit po sir?"

"Napansin nyo po bang umalis yung umuokupa ng kwarto na to?"

"Ah! Si mam tisay po? Kaninang umaga pa po sya umalis, hindi ko lang alam kung naka balik na sya."

"Sige ho, salamat"

Mabilis akong lumabas ng hotel. Napag pasyahan kong mag antay nalang sa loob ng kotse.

Ala sais na ng hapon pero wala parin sya.
"Fuck it Ashley! Ano bang pinag gagawa mo?"

Nag antay pa ako ng matagal, at sa wakas, nakita ko na rin sya.
She is very beautiful and stunning as ever. Isang plain na blouse at jeans lang ang suot nya, pero hindi maitatago ang magandang hubog ng katawan nito sa suot na damit. Her angelic face na kahit sinong lalaki ay mapapa tingin pag nadadaanan nya.

Damn those men's eyes! I want to get rid  them  off dahil sa pag nanasang nakikita ko sa mga mata nila.

May daladala itong groceries bags at kung ano ano pa na tila hirap itong dalhin ang mga yun.

Bigla akong naka ramdam ng awa sa kanya. Muka syang hirap at tila buhat buhat nito ang problema sa mundo.
Bigla ko tuloy naitanong sa sarili ko.
"Anong klaseng Asawa ako?"

Bababa na sana ako ng sasakyan para salubingin. Ng may biglang sumigaw.

"Yung babae! Hinimatay!!!!"

Bigla akong kinabahan sa narinig. Mabilis na hinanap ng mata ko si Ashley, and there, I saw her laying on the floor.

My mga kalalakihang lumapit at akmang bubuhatin sya ng bigla akong sumigaw.

"Hey! Don't touch her!"
Mabilis akong lumapit sa kina roroonan nila at tinabig ang lalaking nangahas hawakan ang Asawa ko.

"Masyado kang nangingialam pare.! Sino ka ba?!"

"Back off! She's my wife!"

Dali dali ko syang pinangko at dinala sa kotse. Halos paliparin ko ang sasakyan papuntang hospital.

Tinawagan ko ang mga magulang namin at pinaalam kung nasaan kami.

Humahangos namang sumugod ang mga ito taglay ang pag aalala sa muka.

"Oh my god.!What happened son?"

Bungad sa akin ng ina ni Ashley.

"I don't know tita, bigla nalang syang hinimatay kanina pag baba namin ng airport"

Kinagat ko ng mariin ang aking dila dahil sa kasinungalingan lumabas doon. Shit!

"It's Mommy iho. Since kasal na kayo ng anak ko, dapat Mommy na rin ang itawag mo sa akin. Anong sabi ng doctor?"

"Wala pa po, they are having test for her."

D nag tagal ay pumasok Ang doctor na nka paskil ang ngiti sa labi.

"Sino po ang Asawa ng pasyente?"

"Ako po."

"Congratulation po sir! 3weeks pregnant po ang Asawa nyo."

Bigla akong nabingi sa narinig. Bumalik ako sa reyalidad ng biglang tinapik na daddy ang balikat ko.

"Hahaha! Good job son! Sinasabi ko na nga bang may apo na kami pag balik nyo dito." Nag apir pa ang dalawang tatay at ang dalawang nanay naman ay nag iisip na ng ipapangalan kuno sa apo nila.

"This is real? I'm gonna be a dad?!"
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

Sabay sabay naman silang tumango bilang tugon.

Wala akong naramdaman ng mga oras na yun kaundi ang hindi maipaliwanag na kasiyahan. Ganito pala ang pakiramdam na magiging ama ka na. Walang mapag sidlan ang tuwa na nararamdaman mo.

I LOVE YOU EVEN YOU KILLED ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now