chapter 30

1.9K 42 0
                                    

5years later.

Ashley POV

"Tulala ka nanaman"

Pukaw sakin ni Kim. Andito sya ngayon sa opisina ko.

Bahagya akong ngumiti sa kanya. Tama sya, tulala nanaman ako.

Binabalik tanaw ko lang ang mga nangyari sa nakaraang limang taon.
Hanggang ngayon ay Hindi ako makapaniwala na nalagpasan namin ni Zach ang ganun katinding pagsubok.
Sobra akong humanga at nag pa salamat sa kanya. Dahil kahit nawalan kami ng anak ay nanatili syang naging malakas para sakin. Hindi din sya nawalan ng pag asa sa kabila nang nalagay ako sa panganib.

Sya ung naging lakas ko upang bumangon ulit sa kabila ng lahat. He never give up on me. Kaya after these years, masasabi Kong pure ang pag mamahalan namin ni Zach. At nag papasalamat ako sa Dios dahil binigyan nya ako ng pangalawang buhay.

"Ano nga ulit ang sabi mo?"

Nakita ko syang sumangot.

"Sabi na nga ba. Ang mabuti pa, aalis nalang ako."

Anito at aktong lalabas ng opisina ko. Lately lataga, nagiging bugnutin ang bruha na ito. Hindi ko lang pinapatulan dahil alam Kong dala lang ito ng kanyang pag bubuntis.

And yes! Buntis po sya. 3years before at kinasal na sila ni Ethan.
And She's 4months old pregnant now.

"Eto naman.... Treat nalang kita ng ice cream."

Nag pa cute pa ako sa kanya. Nakita Kong lumiwanag ang muka nya. Haha got it! Basta pag usapang ice cream, madali ko nang nauuto ang bruha na to. Dun kasi sya naglilihi.

Kunway nag dadabog itong umupong Muli sa harap ko.

"Ang sabi ko kanina, samahan mo akong mag shopping. Out of town nanaman kasi si Ethan. Wala nanaman akong kasama."

Naka simangot pa ito.

"Oo na, at saka wag ka ngang sumimangot, papangit ang baby mo nyan."

I teased her.

"Wala na kasing stock na ice cream sa bahay, yung iniwan ni Ethan na mga stocks bago sya umalis, naubos ko na."

Gusto Kong tumawa ng malakas, kaso baka lang sumambukal lalo ang itsura nya kaya pinigil ko nalang.

"Fine,,, mag gogroceries tayo ng mga ice cream after nating mag shopping bukas. Anong oras mo ba gusto?"

Sakto lang ang pag aaya nya na mga shopping, dahil linggo bukas at walang pasok sa opisina.

"Mga 4pm."

Bahagya akong nag isip.
May lakad kami ni Zach bukas ng 3pm.

"Umaga nalang, may lakad kami nun ni Zach."

"Kainis naman.! 11 na ang gising ko sa umaga eh!"

" wag masyadong matakaw sa pag tulog. Baka lalong lumaki si baby Jan sa tummy mo. Mahihirapan ka nyan sa normal delivery."

Nakita ko syang umirap.

"Ikaw nga noon, tulog ka ng tulog eh! At saka bat ba kasi Hindi pa kayo gumawa ng baby ulit ni Zach? Ang tagal na ha.. Baka mamaya mainip yun at mag hanap ng ibang maanakan."

Alam Kong nag bibiro lang sya nang sinabi nya iyon.
Pero Hindi rin maiwasang masaktan sa katotohanang baka nga mangyari yun.

Ilang beses narin kaming nag patingin sa doktor, ilang ospital na rin ang pinuntahan namin at iisa lang ang sagot nila. Healthy naman daw ako at wala naman daw problema. Kaya laging pinapaalala ng doktor na mag bigay ng oras sa bawat isa dahil baka pagod lang kaya nahihirapan kaming maka buo. Pero paano? Laging busy kami sa aming mga trabaho.

"Kaya nga mag babakasakaling maka buo bukas."

Kunway sinamahan ko ng pag bibiro nang sinabi ko yun para di nya mahalatang tinamaan ako sa sinabi nya.

"Sige na nga.. Tatawagan nalang kita bukas pag naka gising ako ng maaga."

"Pano kung tinanghali ka ng gising? E d Hindi tayo makaka groceries ng ice cream?"

Panunudyo ko sa kanya.

"Gagz naman eh!!! Oo na! Gigising ako ng maaga bukas, mag aalarm pa ako, promise."

Naiiling akong ngumiti sa kanya, madali talagang kausap ang bruhang buntis na ito bastat ice cream ang usapan.

Tinupad ko ang pangako kong ice cream sa kanya, nagpa diliver ako at nilantakan nya iyon sa opisina ko. Natutuwa naman akong panoorin syang kumakain, para syang bata.

Biglang pumasok sa isip ko ang baby namin noon. Siguro, kung malusog lang ang pangangatawan ko noon, baka nanatiling kumapit si baby sa akin. Marahil malaki na sya ngayon at sobrang kulit na.

Aaminin ko, na naiinggit ako sa mga Mommies na may kargang baby, Hindi rin maiwasang madismaya sa sarili. dahil alam kong hanggang ngayon, sinisisi ko parin ang sarili ko kung bat ako nakunan. Hindi rin maawat ang pag iisip ko, na kung sakali bang buhay ang baby namin noon? Kanino kaya sya magiging kamuka? Sa akin ba o Kay Zach?

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Bamaling ako sa wall clock, and it's already 2pm.

Tahimik kong trinabaho ang mga papeles, nakita kong nakatulog na si Kim sa Small bed ng opisina ko matapos nyang lantakan ang ice cream na pina bili ko.

Nagiging tambayan nya talaga dito lalo na at out of town nanaman si Ethan.
At gigising nanaman siya ng bandang alas tres ng hapon at tutulak na pauwi.

Sumakit ang batok ko at bahagya ko itong hinilot. 5:30 pm na pala.

Narinig Kong tumunog ang phone ko. It's Zach.

"Yes hon?"

"Wife, mag pasundo ka nalang sa driver natin. Hindi nanaman kita masusundo at nagkaroon ng emergency meeting mamayang gabi."

Napa buntong hininga nalang ako, kanina lang ay nangako syang susunduin ako, pero heto nanaman at tatawag syang Hindi ulit ako masusundo.

"It's OK. Dala ko naman ang kotse ko."

Good thing nalang talaga at dinala ko ang kotse ko kaninang umaga. Sinabihan nya akong mag pa hatid nalang sa driver, dahil tulog pa ako nang umalis sya kanina. Nagiging busy na sya lalo nitong mga naka raan.

"I'm sorry ulit talaga, I promise babawi ako sayo."

"Nah, I'm OK."

"Call me when you got home okay? Para Hindi ako nag aalala dito."

Napangiti ako sa sinabi nya.

" I will,"

"Good, I need to go, bye I love you."

"I love you too.."

Agad kong pinutol ang tawag. Isa isa kong niligpit ang mga gamit ko, baka gabihin na ako sa daan nito, ang buong akala ko kasi talaga, susunduin nya ako. :(

I LOVE YOU EVEN YOU KILLED ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now