chapter8

1.7K 50 1
                                    

Araw ng graduation. Tulad ng dati, nakuha ko ang mataas na karangalan at grado sa paaralan. Walang mapag sidlan ng tuwa ang aking mga magulang.
Taglay ang magandang ngiti at pagiging proud.
Sumunod sa akin si kim.
Kung inaakala nyo na puro pag lalandi lang ang alam ni kim, pwes nagkaka Mali kayo. Hindi lang halata. Pero matalino din ang bruhang ito.

Matapos ang seremonya ay tumuloy kami sa hotel upang doon ipag diwang ang selebrasyon ng aming graduation. Sabay na dumating din ang pamilya ni Zach na syang nakahakot din ng mataas na karangalan.

Tulad ng sinabi ni Kyle, Hindi nga ito nag pakita sa akin buong araw. Aaminin ko na sobrang miss ko na ang presensya ng binata. Pakiramdam ko, di magiging buo ang araw ko kung wala sya.

Dumating ang mga kilalang businessman, kamag anak at kaibigan ng aming pamilya. Nanunudyo ata ang aming mga magulang ng pilit kaming pinag tabi ni Zach sa table.

"There.. Mag usap naman kayo. Ikakasal na kayong dalawa pero di parin kayo nag uusap. Pag planuhan nyo nalang kung ilang apo ang gagawin nyo after ng kasal."

Nang aasar na sabi ni Mommy bago kami inwan. Shocks! Nakakahiya ang sinabi mo Mommy!!!
Naramdaman Kong uminit ang muka ko. Grabe! It's embarrassing!!

"P-pag pasensyahan mo nalang ang sinabi ni Mommy."

Basag ko sa katahimikan. Paki ramdam ko mapapanis ang laway ko pag sya lang ang kasama ko.
He stared he's cold eyes on me.

"Tssss..." Anito at ibinaling sa cellphone ang atensyon.
Dala ng kuryosidad ay bahagya Kong sinilip ang screen ng phone nito. And there, I saw Cassy's name.
Muli naka ramdam ako ng kirot sa nakita. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Baka nga kahit kasal na kami, Cassy parin ang iniintindi nito. Rumagasa ang kaba ng puso ko.  Pano nga kung tinotoo ni Cassy ang banta nito na kukunin nya sa Zach sa akin? Paniguradong wala akong laban.
Bahagya Kong pinilig ang aking ulo at iwinaksi ang nasa isip.
'Hindi na sya babalik. Kaya sya umalis dahil tanngap na nyang sakin ikakasal si Zach. '
Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Mukang matetengga ako sa kinauupuan ko. Walang pakialam sakin ang kasama ko.
Akma akong aalis ng biglang tumunog ang cellphone nito.
Ang kaninang byernesantong muka ay biglang umaliwalas. Mabilis pa sa alaskwatro nang sagutin nya ito.

"Cassy Bhabe.."

Boom! Wapak na wapak ang puso ko sa narinig.

"Damn! Please come back to me.. I miss you so much!"

Dugtong pa nito. First time ko syang makitang nag susumamo. Ang Zach na kilala ko ay nagiging iba pag dating Kay Cassy.
Lumalabas Ang pagiging warm nito baliktad sa pagiging cold na ipinapakita nya.

"I love you so much Bhabe, whatever's happens. Please come back to me."

Tila nananadya pa ito na pinalakas pa Ang boses para siguradong dinig ko.
'Oo alam ko! Di mo na kelangan pang ipamuka saken.'
Maktol ko sa sarili at tuluyang iwan sya magisa.
Fuck! Ngayon pa nga lang, ganito na Ang pinapadanas sakin. Pano nalang kaya kung nasa iisang bubong nalang kami? Damn this life!.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden. Dinama ko Ang malamig na simoy ng hangin.

Tumingala ako at nakita ko Ang madaming bituin. Mabuti pa sila. Walang tigil sa pag kinang.

"Aabutin tayo ng ilang libong taon dito bago mo mabilang Ang lahat ng yan."

Nilingon ko Ang nag salita mula sa aking likuran.

"Kyle!!!"

Sa sobrang saya ko ay dinamba ko sya ng yakap. I heard him chuckled.

"Hey.. Missed me?"

"Yeah. Sobra.."

"I missed you too.."

Then I felt his lips on my forehead.

"Kala ko di na kita makikita."

Pag mamaktol ko.

"Ang totoo nyan eh kanina pa ako dito. Kaso di ako maka lapit dahil katabi mo ang soon to be husband mo."

"Sana lumapit ka parin! Puro Cassy nga ang bukang bibig nun."

Napatingin ako sa kanya nang di sya umimik.

"Ash, the reason why I'm here is to say goodbye for the last time. As I told you, di na ako mag papakita pa."

"Kyle naman eh.."
I felt my tears running out from my eyes.

"Hush.. Don't cry.. Damn it.! I'm sorry baby, just don't cry."

Mariin nyang pinahid gamit ng hinalalaki ng daliri nya ang mga luha.

"Remember nung una kitang hinatid sa bahay nyo? Na mag mamasteral ako after graduation?"

Tumango ako bilang sagot.

"Well this is it. I am going to US for my masteral. Don't worry I'll be back. "

"Kelan ang alis mo?"

"Actually paalis na ako."

"What??!"

"Yeah.. Dumaan lang ako to say goodbye.. Di ko kayang umalis na di ka nakikita. Medyo late na nga ako dahil di agad ako nakalapit sayo."

"Seryoso na ba talaga ang pag alis mo?"

"Ah-huh"

"I'll miss you.. Thank you for being part of my life."

"No, I should be the one who be thankful. Thank you for letting me part of my life."

Muli ko syang niyakap ng mahigpit. I heard him whispered.

"I love you."

Tatalikod na sana sya nang bigla ko syang hinila at mabilis na hinalikan sa pisngi.

"Take care.." I told him.

"Yeah, you to."
Bumaling ito sa suot na relo.

"I have to go. "
Tumango lang ako bilang sagot at tuluyan na syang umalis.

Pag tingin ko sa table, I saw Zach's gaze on me. Kanina pa ba sya naka tingin? Nakita nya ba yung nangyari?
Shocks! Bat naguilty ako? Feeling ko nag cheat ako sa kanya.
'Gaga! Wala nga syang paki sau diba? Bat ka guilty?'
Kastigo nanaman ng aking isipan. Oo nga naman. Why bother anyway?

Di nag tagal naki salamuha na rin ako sa mga nag kakasiyahan. Kesa mag mukmok sa sulok diba?

I LOVE YOU EVEN YOU KILLED ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now