chapter 40

2K 43 0
                                    

Lunes, karaniwang araw para sa akin. Gigising ng maaga para sa trabaho.
Tulad ng dati ay wala na si Zach sa tabi ko. Sanay  ako sa ganitong set up ng routine namin.

Tulad ng inaasahan ay tambak ang trabaho ko sa opisina.
Ni halos pag Kain lang ang pahinga ko.

Sinubsob at inabala ang sarili sa trabaho. At naka tulong naman yun para pansamantalang maibsan ang lahat ng masasakit na  nararamdaman ko.

Alas singko na ng hapon. Oras na para umuwi. Pero minabuti kong mag over time nalang sa trabaho para mabawasan ang mga naka tambak na papeles kahit papaano.

Saka lang ako nag disisyong umuwi nang maka ramdam ng pagod at antok. Dinampot ko ang susi mg kotse at shoulder bag. Nagimbal pa ako nang mapatingin ako sa wall clock ng opisina ko. 11:30 pm?!

Mas minadali ko ang pag lalakad. Sumalubong sa akin ang madilim na pasilyo.

"Good evening mam! Sabi ko na nga bang nanjan pa kayo. Kotse nyo nalang po kasi ang natira dito sa parking."

Masiglang bati ni manong guard sa akin.

"Oo nga po manong, isang linggo kasi akong nawala kaya tambak ang trabaho."

Nginitian ko sya bago pumasok sa kotse.

"Mag ingat ho kayo sa pag uwi."

"Salamat po!"

Medyo mabilis ang usad ng sasakyan ko, walang traffic kaya mabilis akong naka uwi ng bahay.

Inatake nanaman ako ng lungkot nang makitang wala parin ang sasakyan ni Zach sa garahe.

Nang maka pasok ako ng kwarto ay agad akong humiga ng kama. Sobrang pagod at antok. Ni hindi ko na nagawa pang makapag palit ng damit bago matulog.

Isang linggo na akong umuuwi ng hating gabi. At isang linggo na rin na hindi umuuwi si Zach sa bahay. Paano ko ba malalaman na umuuwi sya? Kung matutulog akong wala sya at gigising sa umaga na wala rin sya.

Minsan natanong ko sa sarili ko, kaya ko pa ba? Dahil pakiramdam ko, anytime bibigay na ako.

Panibagong araw nanaman ng linggo. Ayaw ko pa sanang gumising ng maaga, pero napabalikwas ako nang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Mabilis akong pumunta ng banyo at sumuka ng laway na malapot.

Fuck! Ano ba ang nakain ko kagabi? Bat nasira ang bituka ko.?
Nasa ganun akong kalagayan nang may marealise ako.

Hindi pa nga pala ako dinadatnan!

Mabilis akong nag halughog ng PT sa drawer.

Pero tumambad sa akin ang isang brown envelope.
Wala sa sariling binuksan ko iyon, at nanginig ang kamay ko nang tumambad sa akin ang laman niyon.

"Divorce paper?"

Nanginginig ang buong katawan ko habang tinititigan ang laman ng envelope.

"Bakit may divorce paper dito sa kwarto namin ni Zach?"

Isinantabi ko ang envelope na yun at nag hanap ng PT.

Nag diwang pa ako ng konti nang makitang may isa pa akong stock doon.

Mabilis akong pumasok ng banyo at ginawa Ang test. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang resulta.

Nangilid ang mga luha ko ng dalawang guhit ng pula ang lumabas doon.

Finally! Dumating na rin ang pinaka matagal naming pinaka hihintay.

Mag kaka anak na ulit kami!
Siguradong matutuwa si Zach pag nalaman nyang magiging ama na sya ulit.
Wala sa sariling pinatong ko sa taas ng table ang PT.

Hindi na ako makapag hintay na sabihin Kay Zach ang magandang balita na ito. Magiging ganap na pamilya na talaga kami.

May pag mamadali man ay buong ingat akong bumaba ng hagdan. Pumunta sa kusina at nag halughog ng makakain.

Matapos kumain ay mabilis akong naligo.
Ako nalang siguro ang pupunta sa opisina nya at personal na sabihin na mag kakaanak na kami.

Hindi mawala sa labi ko ang mga ngiti. Mabilis akong sumakay ng kotse at tinungo ang opisina nya.

Halos lahat ng epleyado na makaka salubong ko ay binabati ako. Diretso ako sa floor kung nasaan ang office nya.

"G-good morning mam..."

Nauutal pang bungad sa akin ng secretary ni Zach.

"Hi! Is your boss inside?"

"Y-yes mam. P-pero po b-bawal po kayong pumasok."

Nawala ang ngiti ko sa sinagot niya.

"Bawal pumasok? I'm the owner of this company. And I'm your boss wife. Naririnig mo ba ang sarili mo miss secretary?"

"A-alam ko naman po yun mam. Pero kwan kasi-"

Hindi ko na hinintay pang tapusin ang sasabihin nya at walang sabi sabing pumasok ako sa loob ng opisina.

Parang binaril ako sa puso nang bumungad sa akin si Zach at Cassy.
They are kissing passionately!
Naka bukas na rin ang iilang botones ng polo ni Zach.

"What a nice surprise."

Nang uuyam kong putol sa ginagawa nya.

Tila mga pusa namang nasukol ang mga ito dahil naaktuhan sa kahalayang ginagawa nila.

"Hi bitch!"
Naka ngising sagot ni Cassy nang maka bawi sa pagka gulat.

Bumalik ang tingin ko Kay Zach.
But he only looked at me using his cold eyes and expression.

"What's the meaning of this?"

Fuck! You knew what's the meaning of this Ash! You shouldn't bother to asked!
Yeah.. But this time, I want to hear it from him.

"Let's get divorce Ash."

Napapikit ako nang marinig iyon. Ito pala ang ibig sabihin nang divorce paper na nakita ko sa drawer kanina.

"Give me a reason."

Gumaralgal ang boses ko. But hell! I am not going to cry in front of them! I won't give them the satisfaction!!

"You want a reason huh? Fine! I want a divorce because I don't want a slut and bitch wife like you."

Bitch? Slut? Hindi ako maka paniwalang makakarinig ako ng ganun kasakit na salita mula sa kanya.

Isang malalim na pag hinga ang ginawa ko bago sya sumagot.

"Fine!"

At mabilis na lumabas ng opisinang yun. How dare him to call me slut?!

I LOVE YOU EVEN YOU KILLED ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now