chapter 45

2K 46 0
                                    

"Gaga.. Gumising ka na... Para kang si sleeping beauty na naka lunok ng sampong pakwan, gumising ka na para mailabas mo ng normal ang mga kambal mo."

Kausap ko Kay Ash. Ang sabi kasi ng mga doktor, mas magandang laging kinakausap si Ashley dahil nakakatulong ito para sa kanyang recovery.

"Naku iha, nakaka ngalay na palang kargahin itong baby mo, ang laki at ang taba pa."

Baling sa akin ni tita at ibinigay ulit sa akin si baby kristine.
Nakita ko namang ngumiti ang munti kong anghel nang makita nya ako.

Matagal na rin kami dito sa states. Hindi pa nga ako pinayagan ni Ethan sa ideyang dito na manganak.
But I insists. Naisip ko kasi na pag bagong anak na ako, mas magiging mahirap sa akin ang makapag byahe papunta dito. At Hindi naman ako makaka payag na Hindi namomonitor ang kalagayan ni Ashley.

"Pinagod mo nanaman si Lola mo baby? Hmmmmmm???"

I kissed her cheek and heard her chuckled.

"Hindi ka pa ba gigising Jan? Sige ka, Hindi mo makikita kung paano lumalaking maganda itong pamangkin mo. Diba baby?"

I saw her smiled again. Kristine is only two months old.
At ngayon inaabangan namin ang panganganak ni Ashley sa kambal nya.
Yes! She is carrying twin babies.
And can't wait to see them too.

"Hi! Kumain na ba kayo?"

Bungad ni Kyle sa amin. May dala dala itong supot ng pagkain.

"Hindi pa nga eh.. Ikaw muna ang humawak Kay baby. Kakain lang kami ni tita."

"Hello baby girl? Come to your handsome Tito..."

Magiliw na kinuha nito si Kristine sa mga bisig ko.

"I heard that Ethan will come here?"

Tanong ni Kyle habang giliw na giliw itong buhat si baby.

"Isa pa yan sa problema ko. Pag nandito na yun, siguradong Hindi nanaman ako maka ka dalaw dito Kay Ashley."

Naka simangot kong turan.

"Iha, wag ganun. I'm sure nangungulila na si Ethan sa inyong mag ina. Naaawa na nga ako sa batang yun, kahit pagod sa trabaho e pinipilit paring maka punta dito para makita kayo."

Napa buntong hininga ako sa sinabi ni tita, she's right.

"Kelan ba balak mong bumalik sa pinas kim?"

Sikmat naman ni Kyle.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Bakit? Pinapaalis mo na ba ako?"

"Haha of course not! Pero Hindi ka ba nababahala? Baka Mamaya nyan eh, makahanap sya ng ibang mag papainit sa kanya sa gabi."

Bigla akong nasamid sa sinabi nya.

"Subukan lang nya, at sisiguraduhin kong Hindi na sisikatan ng araw Ang babaeng yun."

Pero kahit papano, tinamaan ako sa sinabi ni Kyle. What if nga kaya ganun ang mangyari?

Gabi na kami naka balik ng hotel ni tita. Si Kyle naman ay may sariling kwarto sa mismong loob ng ospital, kaya naman sya na ang mag damag na nag babantay Kay Ashley sa gabi.

Naalimpungatan pa ako nang walang humpay na tumonog ang cellphone ko. Sa sobrang antok ay Hindi ko na inabala pang tingnan iyon.

Kinaumagahan ay nagulat ako sa maagang pag gising ni tita. Nag mamadali pa ito kaya naman kinabahan ako.

"Tita may problema po ba?"

"Hindi ba sinabi ni Kyle sa iyo? Nag labor daw si Ashley kagabi.
Kaninang madaling araw sya sinabak sa cesarean. Excited na akong makita ang mga apo ko!"

Maging ako ay napa balikwas sa narinig.

"Oh! Wag kang mag madali! Kaylangan mo pang intindihin si baby, sumunod ka nalang doon mamaya ok? Sa ngayon ako muna ang pupunta."

Mabilis itong lumabas ng kwarto.

Mabilis din akong nag asikaso,
Excited na rin akong makita ang mga babies ni Ashley!

Pero nang maka rating ako ng ospital, ay taliwas ang  nakita ko sa inaasahan ko.
I saw tita crying outside of Ashley's door.
Buhat buhat si baby ay mabilis ko syang nilapitan. Abot langit ang kaba ko nang mga oras na yun.

"T-tita? What happened?"
"Dios ko! Ang anak ko iha, ang anak ko!!"

Patuloy sa pag iyak nito.

"A-ano pong nangyayari?"

Hindi na ito maka imik pa at puro iyak nalang ang narinig ko mula sa kanya.

Hinintay komg may doctor na lalabas mula sa kwarto ni Ashley, but it takes so long!
Nahihirapan na rin akong aluin si tita dahil karga ko pa si baby Kristine.

Mamaya pa ay lumabas si Kyle sa mismong kwarto ni Ashley.
Wearing a worried face.

"Ano bang nangyayari?"

"I think, bibigay ang katawan nya anytime."

Napahilamos ito sa muka.

"Bakit ba? Ipaliwanag mo nga sa akin kung ano ba talaga ang
Nangyayari?"

"Everything went very complicated! After ng cesarean sa kambal ay naka ilang beses nang tumigil ang puso nya! Tulad ngayon! Kakatapos lang ng cardiac arrest nya. Parang hinintay lang nyang maidiliver yung kambal at tuluyan ng bumigay ang katawan nya."

"N-no! Ashley!!!! Please fight for us!!!!"

Sigaw ko sa labas ng kanyang kwarto.
Hindi maaari! Ano yun? Dito lang mauuwi ang lahat? No! This can't be!!!

"Iha tama na, marahil ay napapagod na rin sya sa kondisyon nya. Talagang hinintay lang nyang maidiliver ang mga anak nya. Siguro it's time for us to let her go. My daughter is like a sleeping dead. Matagal na syang patay kung Hindi lang dahil sa makinang bumubuhay sa kanya.

" doc! Another cardiac arrest! "

Tawag ng isa sa mga doktor Kay Kyle.

"Oh God! Please help us!"

I heard him before interning the room again.

Mahigpit akong niyakap ni tita..

"Maybe it's time to give up and  let her go, she's been suffering a lot and more. Mas lalo lang natin syang papahirapan kung pipilitin pa natin ang katawan nya kahit ang totoo ay gusto na nyang bumigay."

Dinig kong sabi ni tita sa pagitan ng pag iyak.

Give up? Let her go?
Hell! No!!!!

I LOVE YOU EVEN YOU KILLED ME (COMPLETED)Where stories live. Discover now